Page 10

5.3K 155 51
                                    

Morgan Grace

Hindi ko alam paano ako nauwi ni Saint from David's house to the hospital to get me and my baby checked and then inuwi nya ako sa nirerent kong condo pansamantala sa manila.

"I won't tell you na girl saan ka nagkamali dahil for sure alam mo na iyon" Saint was tucking me in the bed like a kid. Inaayos nya yung mga unan sa likod ko.

"Salamat Saint"

"Ito lang ang sasabihin ko sayo" he sat down at the side of my bed at tumingin sakin. Alam kong naaawa sya sakin pero he knows I don't want to hear it. "Don't do that again? Okay? Magtira ka naman para sayo at sa anak mo. You already told David, ngayong hindi sya nakinig, it is his lost na"

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko to stop myself from crying pero hindi ako nag success, kusa pa ring nagbagsakan iyon.

"Hindi ko lang kasi magets, paanong kaya nyang gawin yun? Paanong naka move on agad sya? Ano yun, nainlove agad sya kay Mariya?"

"I honestly don't know, hindi ko alam - sa mga kwento mo, David sounds like an amazing guy pero sobrang layo nun sa lalaking nakita ko kanina. Wit kong bet si kuya kahit super gwapo"

"And si Mariya, how can she do this to me? Kaibigan ko sya! How can she betray me like that?"

"Friend, iba ang nagagawa ng pag ibig. Sabi ko naman sayo diba? Hindi ko feel yang frenny mo. Who knows, baka plinano nya laaht ng ito."

Some part of me wanted to believe na walang alam si Mariya sa lahat pero malaki ang posibilidad na tama si Saint. What if she planned everything para makuha si David sa akin?

"Ayoko ng mag isip, magpapahinga na ako"

"Very good, dahil tandaan mo, hindi na lang sarili mo ang inaalagaan mo, you have my inaanak na"

I held Saint's hand.

"Thank you talaga Saint, salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa amin"

"Wala eh, tinadhana ata ni Lord na pag praktisan na kitang alagaan dahil mukhang hindi ko na matatakbuhan yung ipapakasal sa akin ng pudrakels ko"

I laugh.

"Sabi ko sayo, you have two option, umamin na sa daddy mo or you can try being with her, baka lumabas ang pagkalalaki mo"

"Wititit frendship! No, that woman is just so ugh! Sige na, aalis na ako at manglalaki muna. Magpahinga ka na"

Nung naiwan na ako mag isa ay hindi ko pa rin naiwasang umiyak. Remembering everything na pinagdaanan namin ni David, who would have thought na sa ganito kami babagsak?

Hinawakan ko ang wala pang umbok kong sinapupunan.

Anak, give me strength, huwag sanang dumating ang panahon na susukuan ko ang daddy mo.








I woke up feeling awful, umagang-umaga pa lang ay nagsusuka na ako. I always imagined dati na kapag dumating itong pagkakataon na ito. Si David ang kasama ko, he will be beside me, tapping my back, making sure na I will be alright.

Pero ngayon, mag isa lang ako. Ako lang ang mag isang naghihintay sa pagdating ng anak namin.

I looked at myself in the mirror. I just don't feel awful, I look awful but I don't care. Wala na kong pake sa itsura ko, ang gusto ko lang mangyari ngayon ay gawin ang lahat ng makakaya ko para maayos pa kaming mag asawa, para sa anak namin.

Pinatungan ko lang ng jacket ang suot kong sando at pajama. Nagmamadali akong pumara ng taxi, in fear na maabutan ako ni Saint at pigilan, maski ang cellphone ko ay iniwan ko.

Pupuntahan ko si David sa opisina, sigurado ako, kapag nagkaroon ng pagkakataon na kaming dalawa lang ang mag uusap, makikinig sya sakin. Maybe he's just angry at me pero kapag napatunayan ko sa kanya ang lahat, he will believe me.

The taxi stopped in front of the JS Building. Makulimlim ang langit, nagbabadya ng pag ulan pero nagpatuloy pa din ako sa paglabas.

"Ma'am Morgan" magalang na bati ng security sakin pero kita ko agad ang pag aalangan sa kanyang mukha.

"Manong-

"Pasensya na po ma'am, bawal po kasi kayong pumasok?" hindi ko alam if dahil sa buntis lang ako kaya kahit yan lang sinabi nya ay parang maiiyak na ko.

"Manong, kilala mo naman ako, kailangan ko lang makausap si David"

"Pasensya na ma'am, higit na ipinagbawal po ni Ma'am Mariya na papasukin kayo, ako po kasi ang mawawalan ng trabaho, sana po maintindihan nyo"

Ma'am Mariya.
Grabe, kahit sa opisina ay kilala na sya.

"Okay lang po manong, dito na lang po ako sa labas maghihintay, panigurado at some point lalabas din naman si David"

Dahan-dahan akong umatras at mabilis kong naramdaman ang pagbagsak ng ambon sa ulo ko.

I immediately walk sa other side ng building, sa kabilang entrance, in hope na sana, iba ang security at makalusot ako.

Wala pa ako sa kabilang entrance ay nadaanan ko ang function hall ng JS. Top to bottom glass ito kaya kita sa labas kung ano ang nangyayari sa labas, marami ring mga tao ang nanononood sa labas, mukhang may event.

My heart sank ng makita kong ito yung yearly event na sinimulan ko for JS Group, na kung saan every year, maraming bata mula sa iba't ibang ampunan ang iniimbitahan namin for a day para i spoil.

I saw Mariya already nasa gitna ito at masayang nakikipaglaro sa mga bata ng mga bagong biling laruan.

Mabilis na umikot ang paningin ko para hanapin si David. I immediately saw him, nasa gilid ito ng stage. He was with some JS Group executive pero he was looking at Mariya.

Napahawak ako sa chest ko as I felt my heart breaking, pakiramdam ko, paulit ulit akong binabasag sa kinatatayuan ko, I don't know how I managed to cry silently there.

David is looking at Mariya, he's smiling genuinely, tila nagniningning ang kanyang mga mata while looking at my bestfriend.

Ayoko man tanggapin pero, pero he looks so in love with her.

Tila nakikisama ang langit dahil tuluyan ng bumuhos ang ulan.

Hindi sinasadyang napalingon sya sa akin. His smiling face automatically faded away as he stared at me with sharp eyes.

He slowly went closer to Mariya. Hinawakan nya ito sa balikat and Mariya held his hand while she continued to play. David is smiling at paminsan minsang tumatango while he stares right back at me, as if enjoying how he is torturing every inch of my soul right now.

Hindi ko na kinaya kaya yumuko na ako at nagsimulang maglakad palayo doon.

"Dear David,

Today, you looked at her with the same way you look at me before. It broke my heart but I am glad to see that while my heart is breaking, yours will continue to beat but this time for another woman.

Sincerely Yours,
Your Ex Wife, Morgan."

------
To be continued.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon