MORGAN GRACE
"Akala ko naman na fall na sayo si Sir David!" pabirong sabi sakin ni Patricia.
"Loka-loka, hindi no! Mukhang mataas ang standards nun, hindi ako ang gusto nun, may sinabay nga din syang isa pang babae, hinatid nya din" pagsisinungaling ko.
I told her na good will lang ni David iyon and I even added na may hinatid na iba para lang magmukhang kapani-paniwala ang kwento ko.
Sobrang saya ko nung umuwi ako ng sabado ng umaga ay hindi pa sya nagigising at pumunta sa unit ko, kaya hindi nya nalaman na hindi ako doon natulog.
"Sabagay, sabi din ni Jonathan, imposible daw kasi talagang hindi mahilig sa babae yung boss nya"
"Eh ikaw? Kamusta kayong dalawa? Grabe ka makadikit sa kanya!" pang-aasar ko dito.
"Wala, friendzone ako teh, hindi nya ata ako bet" sagot nito.
"Paano mo naman nasabi?"
"Wala lang, feel ko lang, mahirap naman ipilit ang hindi gusto" sagot nito sakin bago nangalumbaba.
"I agree, hayaan mo na, I am sure na may someone better na para sayo" I told her to cheer her up.
"I manifest natin yan" sabi nito.
Maaga kaming nagsimula. Ngayong araw kami magti take ng sample shoot para doon sa advertisement campaign namin.
"Okay team, make sure na lahat ng material na gagamitin natin ay nandoon na sa sasakyan" I reminded my team.
"Yes ma'am" they shouted in unison.
"Aalis na din kayo Morgan?" Monique came to my desk at umupo sa gilid nito. Isa-isa nitong niro roll eyes ang mga staff ko na inaayos ang mga gagamitin namin.
"Obviously" I answered her. "Anong maipaglilingkod ko sayo?"
"You can't possibly do anything for me, you're useless in anyway" she told me kaya tumayo na ako, she stood up as well. "Did you get offended?"
"Why would I get offended? w
Words from someone who does not matter won't hurt me"Inis itong lumapit sakin at hinawakan ako sa braso- nahinto lang ito ng sunod-sunod ng bumati ang mga staff nya at staff ko.
"Good morning Sir David"
"Good morning Sir!"
"Sir David!"Nabaling ang tingin ko sa kalalabas palang na si David mula sa elevator, kasunod nito si Jonathan, pero saglit lang akong napatingin dahil nabalik kay Monique ang tingin ko ng humagulgol ito.
"That's so mean, Morgan!" she said between her sobs.
"Ano?" nakakunot kong tanong dito.
"What's happening here?" David is already in between us. Saglit ko itong tiningnan bago bumaling kay Monique na nagpupunas na ng luha ngayon.
"I-I was just asking her if they are going to their shoot location, pero-pero parang galit sakin si Morgan" muli itong humagulgol.
Naging seryoso ang tingin sakin ni David, masama naman ang tingin ng mga staff ni Monique sakin.
"What's wrong Ms. Mendoza?" tanong sakin ni David.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...