Page 35

5.7K 223 68
                                    

Morgan Grace Mendoza

"Sumusunod ka ba kay Ninong Saint mo at kay Annie?" tanong ko kay Sam, umupo ako sa room na ino okupa namin para sa kanya.

Weekend ngayon kaya nagdecide akong umuwi at dumalaw sa anak ko.

Magbabayad din kasi ako ng mga bills nya sa ospital at maga advance payment para sa mga therapy nya.

"Always mama, good boy ako" sabi ni Samuel, he's looking better pero pumayat sya at pumutla. "Ikaw din mama dapat ingatan mo ang health mo"

"Oo naman, ikaw talaga! Hindi ko alam pero sobrang blessed ako na ikaw ang anak ko"

"Naisip ko nga si Sir Greg" sabi nito, naka indian seat ito sa hospital bed nya at nasa upuan naman ako sa tabi nito.

"Bakit mo naman sya naisip?" tanong ko. Nakatitig ako sa mukha ng anak ko at kitang-kita ko sa kanya ang mata ni David, pati na ang kilay, magkamukhang magkamukha sila kapag seryoso.

"Siguro dapat naging mabait na lang ako sa kanya, naisip ko mama na kaya baka hindi mo sya sinagot kasi akala mo ayaw ko sa kanya" Sam looked at me intently.

"Ano ka ba, si Sir Greg, magkaibigan lang kami"

"But nag visit sya sakin last week, he told me how much he likes you, naisip ko mama, dapat maging boyfriend mo na sya"

"Huh? Teka, bakit naman?"

"So that you can build a new family, magkaka baby kayo ulit para if ever hindi ako maging okay, I can have someone to look after you"

I held my breath to stop myself from crying.

"D-diba Sam napag usapan na natin ito? Don't say things like that, ayaw ni mama. Don't push me to have a boyfriend, gagaling ka and I will have you by my side for a very long time" hinawakan ko ang kamay nya.

That's why I am doing all of these for him, eventually for them, sa kanila ng magiging kapatid nya kung magiging successful man.

"Ang papa ko po ba mama, alam nya na nasa hospital ako?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Walang alam si David, hindi nya alam, sinubukan kong sabihin noon pero hindi sya naniwala.

Mabilis na lumipas ang mga linggo na ganoon ang set-up namin, I would sometime sleep at his house after we have sex, pero madalas ay pinipili kong umuwi dahil ayokong masanay, dahil alam kong temporary lang ang lahat.

Although David has been really good, minsan nga sweet pero ayoko na lang lagyan ng meaning. Iniisip ko na lang na ganoon talaga ang personality nya.

"D-do you want me to tell him?" hindi ko alam pero yun ang naisagot ko kay Samuel.

He sighed, ramdam ko ang lungkot nya.

"Wag na po" mahina nyang sagot. "He's my father, hindi po ba responsibilidad nyang alamin ang sitwasyon ko, it just really mean na wala syang pakielam sa akin"

"Sam, hindi ganoon, diba? Sinabi naman sayo ni mama, hindi ko lang ma explain ngayon anak pero hindi ganoon, your dad is a good person, may mga nangyari lang anak kaya tayo ganito"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon