Page 24

4.3K 176 16
                                    

MORGAN GRACE

"Totoo po ba yung chismis na narinig namin Ma'am Morgan?" Carl asked me.

Nanatili ang tingin ko sa laptop kung saan nirerevise ko yung phase 2 namin.

"Team, wag tayong masyadong ma bother, it is okay" si Patricia na ang nagsalita dahil hindi ako makapag isip ng maayos.

"Na approve agad yung phase 2 nila Ma'am Monique, so ibig sabihin nun, almost 80 percent secured na sa kanila mapupunta yung project" ramdam ko ang lungkot sa boses ni Diether.

I stood up kaya naman nagulat sila.

"Hindi pa naman tapos ang judgement, na approve yung kanila, may chance din ma approve tayo, isa pa maganda ang final output natin, pinag aralan natin maigi, we have facts, we have data" I told them.

"Pero miss nakakalungkot lang kasi, JS Group ang pinakamalaki nating kliyente currently, kapag na close sila ni Ma'am Monique, mata tied up sila sa team nya at hindi natin mahahawakan ang any project nila for a year, sayang naman yung chance kasi malaking commission yun" Dennis added.

"Let's not lose hope, okay? Kahit pa 20% na lang yan, may chance pa tayo, we will close this deal, we will get that commission!" I cheered my team kaya naman naghiyawan sila.

Maganda ang mga ideas namin, as the former advertising head ng JS Group, kuhang-kuha ko na ang timpla nito, I had worked with them for years. Alam ko namang nang aasar lang si David, naniniwala ako na by the end of the day ay yung tamang judgement pa din ang gagawin nya. He is still a business owner after all.

Natapos na namin ang Phase 2 at ready ng i present and submit kay David. Jonathan scheduled my team at 2pm.

"Grabe kinakabahan ako para mamaya pero alam kong kering-keri natin ito!" Patricia cheered me, palabas kami ng opisina para mag lunch.

Mabilis akong napahinto sa paglalakad ng makita ko kung sino ang kababa lang ng kotse.

"God, OMG!" mabilis akong tumakbo para yakapin sya. "Saint! Nakauwi ka na!"

I immediately hugged him, pero mabilis akong bumitaw to get a good look at him.

Dr. Saint Leighton Ramos is back!

"Kamusta ka?" I asked him.

"Morgan" his voice sounded so serious kaya naman kumalabog ang dibdib ko.

"We need to go back home ASAP" he told me.

Tila may malakas na sumuntok sa dibdib ko. Ang anak ko! Si Samuel!

"A-anong nangyari, oh please! A-ano?" nanginginig na ang boses ko at paiyak na ko.

"Hop in, i e-explain ko sayo sa biyahe" he told me.

Nagsunod-sunod ang pagtango ko, mabilis akong lumakad pabalik kung saan ko iniwan si Patricia.

"Sya ba si Saint?" she asked, I nodded. "Huy, okay ka lang ba?"

"Pat, I-I need to go, may emergency, kailangan kong umuwi, I-I will try to come back pero I don't think aabot ako sa meeting"

"Ano ka ba, go na! Ako ng bahala, you trained us, kaya na namin to!"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon