Page 50.2

7.7K 259 70
                                    

Morgan Grace Mendoza

"I need an update doon sa progress ng project natin with the realtor from Laguna" pahabol kong sabi kay Aiah bago sya lumabas.

"Yes ma'am, noted po, cleared na rin po ang schedule nyo this whole afternoon" sagot nito.

Huminga ako ng malalim bago nagpakawala ng ngiti. I was smiling when Patricia walked in.

"Ang ganda naman ng ngiti ng kaibigan ko" masayang pagbati sakin nito.

"Well, everything is running smoothly, for now!" mabilis na dagdag ko. 

I looked around my office bago ko pinihit ang upuan ko para makita ang kabuuan ng Makati mula sa top to bottom na bintana ng opisina ko.

"It would've been nicer, if you're here" mahinang bulong ko sa hangin.

It's been more than three years since the tragic passing of my husband. Tatlong taon na simula ng iwanan kami ni David.

Alam ko na naghiwalay kami pero sa isip ko, nanatili pa rin na asawa ko sya, na hanggang sa dulo ng buhay nya, ay kami ang magkasama.

I felt the pang of pain in my chest, no matter how much I tried to hide inside me, at kahit gaano na katagal, pero parang kailan lang nangyari ang lahat.

Dennis Jameson, is one of the most ruthless person I've known, after he announced David's death, he decided to stay abroad, no matter how much I tried to reach out to him, use my current connection he refused to tell us kung saan nya inilibing si David.

Maraming speculation na inuwi nya raw si David dito dahil ilang araw after he announced his death ay namataan daw ito somewhere in the Philippines.

On the other hand, despite the fact na maagang kinuha ng Diyos si David. He ensured nung nabubuhay sya na hindi kami mapapabayaan. He couldn't give me everything, pero ipinangalan nya ang karamihan sa mga ari-arian nya kay Samuel, he left a huge amount of money for us, nakatira pa rin kami sa bahay namin dahil kay Samuel na iyon. His father tried to contest it pero luckily he didn't won.

I didn't know if David had an idea that he was going to die but he made sure we are comfortable kahit na anong mangyari. I was hesitant at first to accept everything but I realized, my husband wanted me and our kids to have the life he dreamed for us.

I used some of the money para maging capital sa itinayo kong company, with the help of David's friends and my connection, I have my own advertising company now. I have proven to everyone that I can still do it, that despite of everything that happened, kaya pa ring bumangon ng isang tao because I have three things;

My good faith in the Lord God, na ano mang nangyayari ngayon ay may dahilan. Second, ang tiwala ko sa sarili ko na, kakayanin ko ang lahat, magagawa ko ang lahat na gusto kong naisin if I put my mind and heart on it, at pangatlo, the love I have for my kids at kay David, that love made me kept going through all these hardship and years.

I felt tears streaming down my cheeks. Umiiyak na naman ako dahil sa mga araw na ramdam ko ang tagumpay, ito rin ang mga araw na nararamdaman ko ang sobrang pagka miss kay David.

"Namimiss mo na naman sya no?" tanong sakin ni Patrician, naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko.

"Walang araw na hindi, walang araw na hiniling ko na sana magising ako na nasa tabi ko na lang ulit sya" pinunasan ko ang mga luha na patuloy sa pagbagsak.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon