Page 7

3.7K 92 3
                                    

Morgan Grace

Isang malakas na sampal ang inabot ko kay papa.

"Nasisiraan ka na ng ulo, ano?"

Pinigilan ko ang sarili kong lumuha. Ini expect ko naman na hindi nila ako maiintindihan eh. Pero hindi lang din si David ang poprotektahan ko sa paglayo ko, pati na rin ang mga magulang ko.

"Morgan, anak, ano bang problema, maayos naman kayo ni David diba?" lumapit na si mama.

"Nai file na po ang annulment namin" akmang sasampalin ulit ako ni papa pero mabilis na humarang si mama.

"Tingnan mong kalokohan mo Morgan! Hindi ka ba nag iisip, si David ang nag ahon sa atin sa hirap tapos ikaw pa tong may kapal ng mukhang makipaghiwalay dahil sa lalaki mo!"

"Pa!" bahagyang tumaas ang boses ko. Naramdaman ko ang pagkapit sakin ni mama. "Can you just trust me na may mas malalim akong dahilan kung bakit pinili kong maghiwalay kaming mag asawa?"

"Wala akong pake sa rason mo! Hindi mo ba naiintindihan ang posibleng mangyari sa pamilya natin, ang ginha-ginhawa ng buhay mo bilang may bahay ni David!"

"Tama na, tumigil na kayo parehas" my mom was trying to get in between us and I feel so bad for not telling her everything.

"Sabihan mo yang anak mo!" my dad yelled.

"Aalis na ako ma, dumaan lang po ako para magpaalam"

"Tandaan mo, kapag natuloy yang paghihiwalay nyo, kalimutan mo ng magulang mo kami!"

"Papa naman!"

Hindi na sya sumagot at tuluyan ng umakyat.

I can't blame my dad for disowning him. Alam ko naman na iniisip nya lang ang ikakabuti ko pero siguro nga ay tama ng ganito, yung galit na galit sila sakin parang si David, para mas maging madali para sa kanila.



Napagdesisyunan kong umuwi na muna sa probinsya ng lola ko, dito naninirahan dati sila mama pero nung nagpakasal na kami ni David ay lumipat na rin sila sa maynila.

Matagal ng patay si lola pero pinapaalagaan ko sa caretaker ang bahay namin and who would have thought na mapapakinabangan ko ito ngayong wala na ako mapuntahan.

Nung ibinigay na sa akin ng caretaker ang susi ng bahay, I sat down quietly doon sa sala. Hindi hamak na maliit lamang ito kumpara sa bahay naming mag-asawa pero pakiramdam ko ay mas malaki pa ito dahil sa mag isa lamang ako.

Dahan-dahan kong yinakap ang mga tuhod ko at hinayaan ang malakas na pagtangis ko na tila isa akong bata.

Gusto ko naman ito diba? I have to bear with this until the very end, we are all sacrificing something now.

Napahawak ako sa chest ko, he must hate me so much now. David, kung alam mo lang, kung gaano kasakit para sa akin to, how hard it is for me to push you away.

I miss him so much, ilang beses parang gusto ko na lang na bumalik at umuwi sa bahay. I wanted to know how he is.


Madilim na pero nagawa ko pa ding maglakad palabas, sa lugar kung saan alam ko pwede akong huminga, wherein I can be vulnerable without being judged.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon