Page 19

5.2K 193 41
                                    

Morgan Grace

We started our Phase 2 right away, which is creating an actual sample for our idea na sa wakas ay in approve na ni David.

My team was really happy but I know things will just get tougher for us, dahil sa akin, dahil ako ang team lead nila.

Gumaganti si David sa akin, ang assuming ko mang pakinggan pero that is the only thing I can think why he is like that to me. Pakiramdam ko, he feels so insulted up until now dahil ang alam nya nga ay nagloko ako at kahit ano pang paliwanag ko ay mukhang hindi papasok iyon sa kukote nya.

"Oh you just started your phase 2?" panimula ni Monique ng makalapit ito sa table ko.

"Yes, but we will do our best to catch up" sabi ko.

"Don't rush darling, I assure you na team ko ang mananalo at pipiliin dahil this time, talent na talaga ang basehan at hindi ganda-ganda lang" she told me.

"Oh so you admit na mas maganda sayo si Morgan?" pagsabat ni Patricia kaya naman natawa ako.

"Excuse me, kausap ba kita?" Monique rolled her eyes. "Can't you see it is between team leads?"

"Iniinsulto mo ang team lead namin" Pat answered.

"Pat, it's okay" I told her.

"See, she said okay" bumaling ng tingin sakin si Monique. "She knows that she use to play dirty, kaya this is her karma" she then smirked.

I just shooked my head dahil useless patulan si Monique, she has been like this for a very long time.

Lunch time na nung nag decide kaming mag pause sa ginagawa namin para mag lunch. My team wanted to eat at a Japanese restaurant pero dahil nagtitipid ako at kailangan kong tawagan si Samuel ay nagsabi na lang ako sa kanilang magsa Subway na lang ako for lunch.

May Subway kasi sa tapat ng opisina. I ordered my lunch for that day at umupo sa may dulong bahagi ng restaurant dahil yun na lang ang available.

I called Annie via FaceTime at natuwa ako ng si Samuel ang sumagot nun, he must've been waiting for me.

"Hi baby!" I called him.

"Hi mama, kumakain ka na po ba ng lunch?" My sweet son asked me.

"Oo, ikaw ba? Kumain na ba kayo nila Ate Annie at Manang Tessie?"

"Opo ma, nakainom na din po ako ng mga gamot ko"

"Very good! Hula ko masaya ka ngayon no?"

"Opo mama, sana makalipat na to sa UK para um-okay na ako at makapag school na ng normal, not like here, I can only go to school every Friday, depende pa if okay sa condition ko or if papayag si Ate Annie"

I felt my heart sank. Friday ngayon, kaya nakapag face to face sya pero after every magpi face to face sya ay may karagdagan syang medication at shot na kailangang i take as a precaution.

"Malapit na yun anak, I am just finishing up a project, makukumpleto ko din yung funds na kailangan natin para makalipat na tayo"

"Thank you ma, but don't pressure yourself too much po, ayos pa naman ako dito. Inaalagaan po ako ng mabuti nila Ate Annie at Manang"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon