Morgan Grace Mendoza
"Bitawan mo ko, please?" pagmamakaawa ko kay David habang hawak nya ako sa braso. I tried to pull my arms from him pero mahigpit ang hawak nya dito. Nasa may gilid kami sa lobby, may mga ilang napapatingin sa amin kaya hinihinaan ko ang boses ko.
"Mag-usap tayo" he told me.
"Wala na tayong dapat pag usapan" sagot ko dito.
"Si Samuel-
"Anak ko sya, okay na ba? Kaya ka ba nagagalit kasi nalaman mong totoo ang binibintang nila, na may anak na ko" nagpupumiglas na ako dahil kailangang makaalis na ako dito, hindi na sila dapat mag abot ni Sam, hindi nya dapat makita ang anak ko.
"Sa tingin mo ba hindi ko pa nakita si Sam?" he asked me kaya nanlamig ako.
"W-what?"
"Sinagot mo ang tawag diba, I asked to be connected to Samuel's mom to help him out dahil nung huli ko itong makita" huminto ito sa pagsasalita, kitang-kita ko ang paglunok nito. "H-he felt so familiar to me, Morgan. It was like I knew him already kahit isang beses pa lang kami nagkikita"
Kusang nag init ang sulok ng mga mata ko. Halos lumabas na ang puso ko sa kaba.
"Let me go, hindi mo na kami kailangang tulungan" sabi ko dito, ayoko ng gumulo pa lalo ang lahat.
"I should've listened to Jonathan, he already told me that he looks like me" he pulled me kaya mas lumapit ang mukha ko sa kanya. "He is a spitting image of mine, Morgan"
I felt my heart slowed down its beats. Afraid for the next words he will say.
"So I would ask you again kahit alam ko na ang totoo" he breathed in and out trying to calm himself. "Is Samuel mine, anak ko ba sya?"
As these questions came out ay nagbagsakan na ang luha ko. Naging sunod-sunod ang pagtango ko. I don't have any words, I can't even apologize.
Bumuka-sara ang bibig nito pero walang lumabas na salita. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa akin at sa lapag.
"Ang tanga ko"
That was the word that came out when he was to finally able to speak. Mabilis na namula ang mata at tenga nito.
"You told me, sinabi mo sakin, sinabi mo pero hindi ako nakinig tangina ang bobo ko"
Patuloy pa din ang pagluha ko, hindi ko alam pero ano mang lumabas sa bibig nya ay nagpapabigat sa loob ko.
"I-I don't know what to say" he said as he held his emotion. Is he- is he going to take my son away from me?
"Morgan, I am so sorry" as those words slipped, mas napahagulgol ako. I didn't expect him to apologize. "I'm sorry kasi pinabayaan kita, pinabayaan ko kayo ng maraming taon"
"I-I was about to tell you about him, ilang beses pero tuwing sasabihin ko na, biglang may mangyayari, natatakot ako na baka pag sinabi ko na naman, hindi ka na naman maniniwala sa akin" I told him as I continued to cry.
He immediately hugged me as he continued to whisper how sorry he was.
"I'm sorry love, sorry sa lahat"
"Mama?" mabilis akong napabitaw at nagpunas ng luha ng marinig ko ang boses ni Sam. David's hands automatically fell down from my arms. Mabilis kong hinarap ang anak ko. Nauna na itong tumakbo palapit sa akin, nakasunod si Annie.
Saglit na tinitigan ni Annie si David, it felt like she automatically knew he was.
"Ate, ako na lang po ang tatawag ng taxi para sa atin-
"A-ako na, ako ng mag uuwi sa kanila" napalingon ako kay David. His whole face is in a bright red color, he is stuttering and you can see how nervous he is.
"Sige, ako na lang magko commute ate, mauna na po ako" paalam ni Annie kaya naman tumango ako.
Nung naiwan kaming tatlo ay binuhat ko si Samuel, so we can all be at the same level. Hindi malaman ni David, kung paano ang gagawin, if hahawakan nya ba, tutulungan nya ba ako, o kukunin nya, sa huli ay bumalik lang ito sa pagkakatayo.
"N-nasa p-parking lot yung kotse, uhm s-sumunod
"Ma?" Sam looked at me with so much confusion. "Magkakilala ba kayo?" ibinaba ko ito sa lapag. Huminga ako ng malalim. "Kasi kilala ko sya mama, isa sya sa may ari ng ospital, sabi nya tutulungan nya tayo"
"Sam" tawag ko sa anak ko kaya nag angat ito ng tingin sa akin, hawak ko ang isang kamay nito. "Remember when I told you na si papa mo na meet ko sa manila? Anak kasi ano, today he came to see you" iniharap ko ito kay David, namumula na ang mata nito at alam kong he is doing his best to control his tears. "Si David, sya ang papa mo, Sam"
"Sam" David walk towards him closer, David was about to hold him pero mabilis na tinapik ni Sam iyon. David held his breath as tears escape his eyes.
"Ayoko sayo!" Sam shouted at him.
"Samuel!" suway ko dito pero kusang natunaw ang puso ko ng makita ko ang pagbagsak ng luha ng anak ko. Tiningnan ko si David, he's hurt, nasasaktan sya dahil nirereject sya ng sarili nyang anak.
"Ayaw ko sayo!" sigaw ulit ni Sam. "Ayoko sayo kasi wala ka naman palagi eh!"
"Son" David tried to come near pero itinulak sya ni Samuel.
"I don't have any father! Wala akong papa nung mga panahong binubully ako sa school, nung nagkasakit ako at pabalik balik sa ospital, wala ka! Pinabayaan mo kami ni mama!"
"Sam, anak" dahan-dahang lumuhod si David sa harapan ng anak namin, hinawakan nya sa braso si Samuel na patuloy sa pag iyak. Sa una ay paulit ulit iyong inaalis ni Sam, hanggang sa huli ay napagod sya kaya nagawa syang hawakan ni David. "Hindi ko alam kung maniniwala ka pero, nung una palang beses na nakita kita, lalo na nung nalaman ko kung sino ka talaga, maniwala ka, mahal na mahal na agad kita"
"Stop lying! Stop lying!" Sam shouted at him.
"I'm sorry kasi wala ako, I'm sorry kasi wala si papa nung mga panahong kailangang-kailangan mo sya"
My heart was breaking at the sight of them, crying in front of each other dahil kahit hindi nila ako sisihin, alam ko, na may parte ako kung bakit sila humantong sa ganito.
"I needed a father, hindi mo ba alam yun? So why did you come just now?!" Sam said in between his sobs.
David gave him a heartbreaking look, kitang kita ang pagkaawa nito sa anak namin. Mabilis nitong niyakap si Samuel, Samuel pushed him first pero nanatili ang pagkakayakap ni David.
"Sorry kung late ako, sorry kung late si papa, sorry kung wala ako sa mga nakaraang taon, pero maniwala ka, gagawin ko ang lahat para sa inyo ni mama, I will do everything para ma protektahan at makasama kayo, hinding-hindi na ako mawawala"
Tinakpan ko ang bibig ko to stop my sobs. Ang sakit-sakit ng puso ko para sa kanilang dalawa.
"S-stop leaving us, don't leave us again" I heard Samuel, nakayakap na ito sa ama nya. "Don't leave us again, papa"
Habang nakayakap ay binuhat ni David si Samuel, he then came near me habang karga pa rin ang anak namin.
Gamit ang isang kamay ay mabilis ako nitong hinatak para yakapin.
"Hindi na, hinding-hindi na ko aalis, hindi ko na kayo iiwan"
----
To be continued.I am so done with Wattpad when it comes to writing realtime, legit na second time na nyang idi delete yung mga sinulat mo.
Late upload because I had to retype the whole Chapter 45.
Ayun lang, so sana masaya kayo.
Comment and vote.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...