MORGAN GRACE
"Baka mabura mo yung buong lamesa sa tindi ng pagkiskis mo dyan" sabi ni Joan sakin kaya naman natigil ako sa ginagawa kong paglilinis.
"Uy occupied sya, boyfriend problem ba yan?" tanong ni Rachelle.
"Boyfriend ka dyan, wala akong ganun, wala akong panahon" I told them.
Lumipas na naman ang mga araw ng suspension ko, at natapos na naman ang shift ko dito sa resto-bar.
Hindi ko alam, inis na inis ako dahil hindi ko maintindihan ang trip ni David. Why would he kiss me for fun? Does he feel that I am not a 100% over him yet? Malamang ay pakulo na naman nya ito para mas gantihan ako.
He changed a lot, hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko sa mga pagbabago nya.
David was a patient, kind, respectful, and very loving guy. Lahat nga ng ka batchmate namin ay sinasabing maswerte ako sa kanya, kaya nga hindi ko napansin na ang mismong bestfriend ko ay may gusto sa kanya. Pero ngayon? All he do is bully, be rude, and powertrip over me.
"Naku, sa ganda mong yan? Oh if wala, edi jowain mo na lang si Sir Melvin, grabe ang request sayo, ang huling chika ko sa boss natin, mataas na daw ang request bid para sumayaw ka Morgan" sabi ni Malou na kakapasok lang at kasalukuyang naghuhubad ng heels. She's wearing a very sexy silver outfit.
"Request bid?" tanong ko.
"Yung mga customer dito, mga bigatin no tsaka mala agila ang mata nun, kahit pa waitress or bartender ka tapos sing kinis, sexy, at ganda mo pa ay naku ihihirit ka talaga sa management" sabi ni Malou.
"Ay naku Morgan, kung ako sayo, i grab mo na tutal, wala naman palang magagalit sayo, hindi ka naman maghuhubad, sasayaw ka lang, kung ako lang ang inihirit ay sasayaw ako dyan kahit walang damit" sagot ni Joan bago sila nagtawanan.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagliligpit. Ako? Sasayaw sa harap ng mga tao?
"Pwede namang naka mask ka habang sumasayaw atsaka ang alam ko, nasa 50k na daw ang offer para sumayaw ka ng isang beses"
"50k?!" napalingon ako kay Malou. Siguro dati nung asawa pa ako ni David ay mababa lang ito, kahit yung bag ko or heels ko ay mas mahal pa dito pero ngayong suspendido ako at malaki ang kinakailangan para sa panggamot at panggastos ni Samuel ay naging interesado ako.
"Hindi ako marunong sumayaw no, tsaka baka mapahiya lang sila boss"
"I'll teach you, ano ka ba! Easy lang yun maniwala ka"
---
Umuwi na agad ako pagkatapos ng shift at ang alarm ko ang gumising sa akin. Nanatili akong nakahiga bago kinuha ang cellphone ko para magtext kay Annie to ask update kay Samuel.
Balik trabaho na ako ngayon, tapos na kasi ang suspension ko. Although updated ako sa progress ng team ko dahil may mga part na ako pa din ang gumagawa ng palihim with the help of Patricia.
Hindi na din ako bunalik pa sa bahay ni David, after ng panghahalik at suspension nya sakin? I think, bayad na ako sa kanya. Bahala sya sa buhay nya.
Mabigat ang pakiramdam ko marahil sa pagod, kahit pa suspended ay halos mag double shift ako sa resto-bar, tagahugas sa umaga at waitress sa gabi hanggang madaling araw, may ilang oras din akong tinuturuan ni Malou dahil kahit nahihiya man ako, gaya ng madalas kong sinasabi, I needed all the funds I can get kaya tinanggap ko ng sumayaw. Wala pa namang date, ang sabi ni Malou, pinapataas pa ata ng boss namin ang bid.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...