Page 33

4.7K 200 43
                                    

Morgan Grace Mendoza

"Are you okay girl?" tanong sakin ni Patricia. Nasa labas kami ngayon at pabalik ng opisina, may tinapos kaming shoot. "You're walking like a zombie, hirap ka maglakad, anyare sayo?"

Napalunok ako at triny ayusin ang paglalakad ko. Paano ba naman kasi? Grabe naman kasi yung kagabi.

"Na sprain lang ako, aayos din to" sagot ko dito.

"Grabe, ngayong nakwento mo sakin, I felt bad na sumama yung loob ko nung umalis ka bigla para kay bebe Sam naman pala. Okay naman na sya?"

"Ayun, sobra ang pagbabantay ni Saint at Annie lalo na ngayong nagte therapy sya" sabi ko dito. I feel exhausted, gusto kong matulog ngayon.

"Diba mahal yung therapy nya? Paano mo nasu-sustain? Naga-ambag na ba ang daddy ni Sam?" tanong nito sakin.

"P-parang ganoon na nga" I told her.

Parang ganoon nga, hindi man direkta na ibinibigay ni David iyon, pero galing pa rin sa kanya.

"Huy, bakit di mo pa kasi ichika sakin kung sino ang daddy ni pogi, mayaman siguro no?" pangungulit nito sakin.

"Basta"

"Basta ka dyan! Naku! Curious talaga ako!"

Tinawanan ko na lang sya dahil saktong nakapasok na kami sa building.

Naramdaman kong nagri ring ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Uy Greg" sagot ko sa tawag nito. "Napatawag ka?"

"Ah, tumawag lang kasi kinakamusta ka, kumain ka na ba?"

"Hindi pa, may tinatapos pa kami nila Patricia, siguro after na lang-

"Gusto mo bang magpadala ako ng food-

"Uy wag na, okay na, wag mo ng abalahin ang sarili mo"

"Well, sige alam ko namang busy ka, tumawag lang ako para sabihing dadalaw ulit ako soon dyan, may tinatapos lang"

"Ah okay" yun na lang ang naging sagot ko.

"Tsaka I miss you and I love you"

Mabilis naman nitong ibinaba ang tawag.

"Gulat na gulat ka naman, bakit anong sabi?" tanong ni Patricia.

Naghihintay na kami ng elevator ngayon.

"I miss you daw atsaka" lumunok ako. "I love you daw"

Pumihit naman ng tili ang kaibigan ko at nag mini jump pa.

"Uy grabe naman dumamoves yang si Sir Greg, may pa I love you na" sabi nito at tinusok tusok ako sa gilid. "Kinikilig sya, kinikilig yan"

"Kinikilig ka Ma'am Morgan?" mabilis akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Jonathan, mabilis din akong napa atras ng makita kong kasama nito si David.

He's wearing his poker face pero nakatingin ito sa akin.

"Luma lovelife itong team lead namin" pang-aasar pa ni Patricia.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon