Page 23

4.1K 162 12
                                    

Morgan Grace

"I re-take natin yung part na masaya silang nakapila sa cashier, hindi maganda yung lighting tsaka yung placement" I told them. "I'll be back in 5 minutes"

Mabilis kong sinagot ang nagri ring kong cellphone.

"Mama!" I was greeted by my son's sweet voice. Just by hearing his voice ay tila napawi ang lahat ng pagod ko.

"Sam, I missed you so much anak" I told him, pinigil ko ang maiyak, it's been weeks since I last saw him personally. Miss na miss ko na ang anak ko.

"Miss na din po kita mama. Ate Annie said you are working po for the ads nung malaking supermarket dito sa atin"

"Yes anak"

"Wow mama, malaking project yan at super proud po ako sa inyo, alam ko pong magiging successful ang project nyo na yan"

"Salamat anak, pagbubutihan ni mama, dahil kapag ang napili is project ni mama, malaki yung commission natin, makakaalis na tayo ng bansa anak"

"Mama, sorry ha"

"Don't say sorry anak" my tears started falling.

"I know you are doing a lot of work, I heard Ate Annie and Manang talking, I know that my medication are expensive mama, I'm sorry po" he told me.

I bit my lip so he won't hear my sobs. I swallowed and cleared my throat.

"Sam, I told you diba, mama will do everything to make you better anak, soon na iyon, magiging better ka na, so don't think of anything else, super okay si mama dito, ako pa ba?" I assured him.

"Thank you mama, mahal na mahal kita"

"I love you more, my sweet-sweet boy"

Isang oras ng natapos ang call namin ni Sam pero iniisip ko pa din sya, nagka lagnat na naman kasi sya at tuwing nagkalalagnat sya ay hindi magandang sign, maaaring sign agad iyon ng infection para sa kanya.

One week na din akong nangangatulong kay David, ang ginagawa ko ay maaga akong nagpupunta sa bahay nya, yung oras na alam kong tulog pa sya at ganoon din sa gabi, pagka out ko pa lang ay dumidiretso na ako sa bahay nya para magluto at maglinis, madalas ay hindi nya na ako naaabutan or if dumating sya ay paalis na ako.

Iniiwasan ko sya, hindi maganda para sa akin ang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. He would say things to hurt and make me feel bad about myself, masyado ng maraming nangyayari sa buhay ko para saluhin ko pa lahat iyon.

Isang linggo na rin akong nagta trabaho sa restaurant-bar na pinagtatrabahuhan ko. Okay naman doon pero hindi ko lang gusto ang kaiklian ng uniforme namin pero maayos ang sahod at commission kaya okay na din. Masaya ako dahil pinayagan na din akong magtrabaho over the weekend, ia assign daw ako sa bar section, sabi ng mga kasama ko ay mas mataas ang bayad doon kaya pumayag na ako.

Pagkatapos na pagkatapos namin mag shoot ay nag pack up na kami, nagmamadali na din agad akong nagpaalam sa team ko.

Nagmamadali akong nagtipa ng code sa pinto, mabilis kong ibinaba ang gamit ko at nagtungo na sa kusina, I immediately halted at muntikan na akong bumagsak patalikod dahil sa paghinto ko.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon