Page 37

4.5K 190 59
                                    

Morgan Grace Mendoza

"Stay still" yun ang sinabi nya sa akin ng subukan kong umalis sa pagkakahawak nya sakin.

Nung bumukas ang elevator at nasa parking na kami ay malakas kong tinanggal ang kamay nya at naunang lumabas.

Inis ko itong hinarap kahit ramdam ko ang init-init ng mukha ko. He's walking towards me, nilalaro nya na ang car keys nya while smiling.

Why the hell is he smiling?

"Anong nakakatawa ha?" inis kong tanong dito pero hindi nawala ang ngiti nya.

"Your face"

"Anong face ko? Anong meron?!"

"It's so red" he's laughing now and it has been years since I heard that, unang beses nga ata sa simula ng maghiwalay kami.

"Why did you say that? Si Patricia, alam mo ba anong iisipin nya about us?"

"Why do you get to ask questions now, ikaw tong may ka date kanina, hindi ba pinag usapan na natin to?" he looked at me seriously.

"He's my boss, anong gusto mong gawin ko?"

"I'm your boss now" lumapit ito ng sobrang lapit at hinawakan ng isang kamay nya ang baba ko para iangat ang tingin ko. "In this workplace or even in bed" tiningnan nya ako ng maamo kaya naman jusko hindi ko maintindihan pero tumango-tango ako. "Next time he tries to cross the line, I'll teach him a lesson"

"Mabait si Greg-

"At masama akong magalit" he finished the conversation. Marahan nya akong tinulak hanggang nasa tapat na ako ng kotse nya. "Get inside"

"Saan tayo pupunta? Sa bahay mo ba?" tanong ko.

"No, we're going somewhere" itinulak nya na ako papasok ng passenger seat.

----
David seemed to be in a good mood kaya naman minabuti kong tumahimik na lang at sakyan na lang ang trip nya.

Madilim na pero bumibiyahe pa din kami.

"Saan ba tayo?" I asked him. Lumingon sya sakin at ngumiti.

"

Itatanan na kita" he told me kaya naman nanlaki ang mata ko. "I'm just kidding" sumeryoso ang mukha nya.

Ipinagpasya ko na lang na matulog dahil napagod ako.

---
Mabilis akong nagising ng maramdaman ko ang paghinto ng kotse. Sinilip ko ang relo ko at nakita kong pasado alas-diyes na pala.

Naunang bumaba si David at umikot ito para pagbuksan ako ng pinto.

Paglabas ko pa lang ng kotse ay rinig na rinig ko na ang paghampas ng alon sa pampang.

Madilim na pero may mga malalakas na ilaw sa shoreline kaya kita mo ang pagalon ng tubig.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

"Aurora" sagot nya.

"Ang layo nito, bakit dito tayo pumunta?" tanong ko.

"I'm tired, all these years, I didn't even take one vacation, I think I owe this to myself" tumabi ito sa akin, nakapamulsa sya at nakatingin sa dagat, nagulat ako ng mabilis ako nitong akbayan at hilahin palapit sa kanya. "For the next two days, let's pretend like how we used to be, before everything fell apart?"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon