Nang sinabi ng tauhan ko na nahanap na si baby face ay agad akong nasiyahan..
Diko alam pero sa tingin ko ay kailangan ko ng mahigpit at mabigat na training dahil sisiguraduhin ko na ako mismo ang mag papatumba sa kanya.
Diko talaga maisip kung may galit ako sa kanya o wala dahil minsan kung maiisip ko sya ay na-aastigan ako sa kanya.
Para bang pinang gigigilan ko sya at kinaiinisan, ewan ko.
Basta ang importante makuha ko sya at makaharap.
1 week later.
Andito ako sa harap ng bahay ni baby face at hindi ko pa sya nakikitang lumabas.
sabi ng tauhan ko ay pang apat na araw na daw itong hindi lumalabas kaya todo talaga ang bantay nila.
Makalipas ang ilang oras ay muli ko na itong nakita.
Parang hindi nawala ung pag nanasa ko sa kanya.
Naalala ko pa tuloy yung halik nya na nakaka koryente.
Lumabas na ito at may dalang isang maliit na bag.
Maya maya pa ay sinenyasan ko ang mga tao ko para sundan nila ang baby face ko.
"Boss, may ibang mga tao!" bulong nitong sabi.
"Sino sila?" tanong ko sa tauhan ko.
"Armado po sila at sa tingin ko po ay mga nasa singkwentang katao boss, ang suspetsya namin ay baka hina-hunting din nila ang taong inaabangan natin Boss" Sagot nya.
"Sige, hayaan nyo lang, may naisip ako" pabulong kong sabi.
Thirty ang kasama kong tao na magagaling dahil alam kong hindi magiging madali ito.
"Sabihin mo sa kanila na lumayo muna at walang makiki alam" utos ko sa tauhan ko.
Agad naman itong umalis at tinawagan na ang kasamahan nito.
Maya mya pa ay may nag paputok na.
Bang...bang..bangg..
Dire-diretso ang pag putok ng mga kalaban kay baby face..
Kita ko naman si baby face na naka ngiti lang habang nasa gilid ng pader na nag tatago ngunit kitang-kita ko ang mukha nito ng napaka linaw.
Makalipas ang ilang minutong pag papa putok nila ay may lumapit sa kanyang isang lalaki na napaka laki ang pangangatawan.
Bug. suntok nito kay babyface ng makalapit ito.
Pinapanood ko lang kung paano sya makipag laban habang ine-enjoy ang eksena.
Nakita kong sinalag ni baby face ang kamao ng lalaki gamit ang isang kamay.
Whoo. I really like him. Bulong ko sa sarili.
Matapos nun ay pumasok si babay face sa pagitan ng hita, ng malaking tao.
Pagka dating ni babyface ay sinipa nya ito mula sa likod kaya nasub-sob ang lalaki.
"Baggg" Malakas na bumagsak ang lalaki.
Matapos ng isa pa ay may sunod na naman.
Apat na tao ang pasugod sa kanya.
Agad namang may kinuha si babyface sa bulsa nya.
"Anu yun darts?". Tanong ko sa sarili at di naman ako nagkamali sa panghuhula.
Agad naman nyang ibinato ito sa apat na lalaki.
Tsuk...tsuk..
Pag lipad ng darts sa noo ng apat na lalaki ng syang pagkatumba nila ng sabay sabay."Puta walang sablay" rinig kong sabi ni baby face na syang ikinangiti ko, dahil imblis na mamroblema ay nag eenjoy pa ata ang mokong.
Habang nakikipag laban ito sa mga kalaban ng mano-mano ay hindi ko inaasahan mapatingin ito sa gawi ko na syang ikinagulat ko.
YOU ARE READING
The Mafia God Father
Mystery / Thriller(BLACK MAFIA - mga taong sindikato na may masamang hangarin sa sariling bansa o sa iba pang bansa at gumagawa ng iligal na gamot at iba pang masasamang bagay sa mundo at nagnanakaw ng mamahaling bagay and worst pumapatay without valid raeson). (WHIT...