Kita ko ang napaka gandang bahay at gold na nakatago dito.
Kakaiba ang mga nandidito puro armas din at marami pang ibang mga bagay at sa tingin ko ay nakaw at collection ng kung sino man ang may nag mamay-ari dto.
Nakita ko si Pranko na mag isa nalang.
Sinipa ko ito at syang pagtilapon nito kung saan.
Agad namang tumakbo si Pranko sa dilim at alam kong wala itong lalabasan o papasukan dahil nasa pinto si Kith at Ashly at ang iba pa.
May maliit naman na pinto ang biglang bumukas, kaya naman pumasok ako at kita ko ang kwarto at kama lang.
rinig na rinig ko ang pintig ng puso ng kung sino man ang nandodoon.
Pumatong ako sa kama at pinakinggan kung nasaan banda ang malakas na pintig ng puso ng taong nasa baba ng kama.
Mukhang kilala ko na kung sino ang nandirito kaya sa tingin ko ay pag titripan ko muna.
THIRD PERSON'S POV.
Habang pinakikinggan ni Kyle ang pintig ng puso ni Pranko ay syang pag hahanap nito nang lalabasan.
Medyo creepy na ang mga nagaganap dahil iba ang isip ni Kyle sa nilalaro nilang tagutaguan ni Pranko.
Bumilang si Kyle ng 1 2 3 Paulit ulit na bigkas ni Kyle Habang kumakanta na medyo creepy ang tono.
Kinakaladkad nito ang stick na bakal na hawak nya kanina pa habang papunta sa ibabaw ng kama sa loob ng kwarto kung nasaan ang biktima nya.
1 2 3 "At tsuk-" mula sa taas ng kama ay tinusok ni Kyle ang kamay ni Pranko at syang pag sigaw nito at pagbitiw sa hawak na baril ni Don Pranko.
"Waaahhh" sigaw ni Pranko. Muli ay tinusok ni Kyle sa ulo ngunit sinandya nyang hindi ito directang patamaan..
Binuhat ni Kyle ang kama at kita nya ang matandang nanginginig sa takot.
Itinaas nito ang katawan ni Don Pranko at ramdam ni Kyle na takot na takot talaga ito na parang naiihi sa salawal.
Inilabas ito ni Kyle habang mahigpit na hawak nito sa leeg..
"Find me a rope!" sigaw ni Kyle sa mga kasama nya at iniabot sa kanya ang makapal na tali at itinali ang kamay at leeg nito na parang kambing.
Pagkatapos nyang talian ay inabot nya ito sa mga kasamahan.
"Here! Hold these fucking Goat" utos nito sa mga kasamahan nya.
Nang makalabas na ang lahat ay hindi parin nila nakikita si Don Rick.
Fuck where's that old man? tanong nya sa sarili.
Nang makalabas na ang lahat ay nagkita kita ang lahat ng kasamahan ni Kyle sa labas ng abandonadong building.
Marami ang sugatan at may dalawang nasawi ang buhay.
Galit na galit si Kyle ng maalala nya kung nasaan si Don Rick.
"Nakita nyo ba ang isang hayop na si Rick?" tanong nya sa mga kasama ngunit walang sumagot dahil wala naman silang nakita.
Maya maya pa ay may narinig silang ingay malapit sa kinaroroonan nila.
"Wait! Mukhang alam ko na kung nasan ang pinsan ng kambing na ito" sabay turo sa nakatali at nanginginig na si Pranko.
Bago tuluyang makalapit si Kyle kay Don Rick sa sasakyan ay may nakita itong sniper mula sa taas ng building..
Agad nya namang binaril ito at tumama naman sa sentido ng sniper.Hindi man nya lingunin ay sigurado sya sa ginawa nya.
Natahimik naman ang kasamahan ni Kyle dahil sa gulat.
Nagpatuloy si Kyle sa pagpunta kay Don Rick at kita nya itong naka bukot o naka baluktot na parang palaka sa upuan ng sasakyan.
"Long time no see, Don Rick!" pagbati nya dito.
Dahan dahan namang hinarap ang ulo nito kay Kyle at pinagpapawisan ang buong katawan nito.
"Do you still remember how did you kill my parents before?" tanong ni Kyle dito.
"Y-yes, I remember, s-sorry!" takot na sagot nito.
Pinag mamasdan si Kyle ng mga kasama nito at tila ba nagtataka kung bakit tinanggal pa nya ang suot na sapatos at medyas.
"Lagot ka sakin GAGO ka ha" bulong nito sa isip..
Nagulat ang lahat ng sumigaw si Don Rick sa takot.
"Now it's my revenge!" ngiting sabi ni Kyle at sinampal ng sapatos ang mukha nito ng pagkalakas lakas.
"ahhhhhwwwcchhh huhuhu!" sigaw nito sa takot at sakit.
Halos lahat ng kasama nya ay kita nila kung paano ka brutal ang ginagawang pananakit nito sa Boss ng black mafia.
"Now let's Go Home!" nakakatakot na bigkas ni Kyle kay Don Rick.. No no no please no no!
YOU ARE READING
The Mafia God Father
Misterio / Suspenso(BLACK MAFIA - mga taong sindikato na may masamang hangarin sa sariling bansa o sa iba pang bansa at gumagawa ng iligal na gamot at iba pang masasamang bagay sa mundo at nagnanakaw ng mamahaling bagay and worst pumapatay without valid raeson). (WHIT...