Akala ko ay binaril ni Kith ang isa sa amin ni Benidict ng makita namin sa bandang likuran namin ang isang lalaking naka bulagta na at tinamaan sa noo.
"Anjaan ka lang pala! kanina pa kita hinahanap" sabi ni Kith sa binaril nyang tao.
"Mag iingat kayo Kyle! mukhang nasundan kayo ha!" sabi nito na ikinagulat ko.
"Paano ka pa natutong bumaril" takang tanong ko.
"Diba ikaw nag turo sakin ng pelet gun?! edi ginawa ko ng tunay na baril" sagot nito at sabay ngiti..
"Anong ginawa mo sa labas?" tanong ko dito.
Sabi ng tao ko may mga nakapasok daw at alagad ng mga mafia daw ito dahil halata sa mga tattoo nila. Kaya ayun pinabagsak namin ng mga tao ko ang mahigit dalawampu'ng mafia sagot nito na medyo wala lang sa kanya.
'Paanong hindi ko malalaman eh isa lang naman ang exit at entrance dito at mahigit trenta ang nagkalat na cctv ko dito"
"I'm always ready kaya, yan ang turo mo diba?!" Mahabang paliwanag nito na may pagka mayabang na tono.
"Kahit naman hindi ko tanungin ay alam kong isang mafia iyang kasama mo!! Correct me if I'm wrong" tukoy nya kay Benidict.
"Oo na sige na! Panalo kana at pwedeng pwede ka nang maging head ng Soco" Sagot ko dito, na ikinatawa nya.
"Sige na mauuna na kami salamat ha!" sabay yakap dito.
"Oo Kyle basta ikaw, love kaya kita! ingat kayo jan!" pag papaalam nito at hindi ko na pinansin pa.
Pagkasakay namin ni Benidict sa kotse ay pinaandar ko na ito at umalis na kami.
Ramdam ko kanina pa ang pananahimik nya.
Kaya agad kong binasag ang katahimikan.
"Pansin ko lang Bend, bakit kanina ka pa tahimik??" Tanong ko habang nag mamaneho.
"Eh kasi ilang beses mo akong sinaktan kanina katulad nalang ng pag pitik mo sakin at binugahan mo pa ako ng juice kanina at sabi mo na iiwan moko kapag nag ingay ako at hindi umayos! Ayoko na sanang marinig yung salitang (IIWAN MO AKO)" mahabang paliwanag nito at tila ba nagtatampo't nakanguso pa.
(Syeet ang sarap nya talaga..)
Hindi na lang ako kumibo dahil totoo naman ang mga sinabi nya.
At isa pa ay hindi ko din maipapangako sa kanya na mananatili ako sa tabi nya dahil may sarili din akong mission na kailangan kong tapusin na iniwan sakin ni lolo at lola.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinext ko si Kith.
(KITH)
Kith sensya na hindi na kita nailibre dahil attitude ang kasama ko, next time nalang, promise sagot ko lahat isa pa pala, kapain mo ang silong ng table mo jan sa bandang inupuan ko may iniwan akong dalawang libo, bumili ka ng condom para hindi ka magka Aids XD
Btw salamat.
(sent).(1 message)
Kith......
Gago! kayo dapat ang Gumamit ng Condom 😛 May bayad din ang pag ligtas ko sainyo! XDXD
(from Kith)
Lihim na ngiti nalang ang ginawa ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho ko habang si Benidict ay tahimik lang sa pag cecelphone nito.
Pagka-uwi namin ay dumertso na ako sa loob ng Mansyon dala ang 1M, (syempre diko kakalimutan ang pera ko hahaha)
"sa kwarto ko, ka tumuloy dahil gusto kitang makasama sa pag tulog" biglaang pagsabi nito at napaka lamig ng boses nito.
Di na lang ako kumibo at nag tungo na kami sa kwarto nya.
Pagkadating namin sa kwarto nya ay yumakap itong natulog sa tabi ko tumingin ako sa mukha nito at kita ko ang pamamasa sa gilid ng mata nito.
Hinaplos ko iyon saka natulog narin.
Kinabukasan.
Paggising ko ay wala na si Benidict sa tabi ko kaya malaya akong naglibot sa bahay.
"Manang! nasan po si Benidict!" Tanong ko kay manang
"sir may kausap po si sir sa cellphone kanina tapos sinabihan nya ang mga bantay na aalis daw sya at wag ka daw payagang paalisin. Sagot ni manang.
Ah ganun po ba, sya nga pala manang anong oras po yun uuwi? Tanong ko.
"Kapag may importante po kasing bisita si sir Benidict ay umuuwi po ito ng mga 6:00pm, pero pag wala naman pong bisita ay inaabot po ito ng madaling araw at minsan ay hindi na umuuwi" mahabang paliwanag ni manang.
"Pero sir Kyle, alam nyo po ba na malaki ang pinagbago ni sir Benidict dahil kapag naiinis daw ito o wala sa mood ay sinasaktan nya ang mga tao nya at sinisigaw sigawan pati din daw po ang pinalitan kong kasambahay ay sinasaktan nito, At bukod pa po doon ay malaki po ang respeto ng mga tao nya sainyo dahil kayang-kaya nyo pong kontrahin o kontrolin si Sir Benidict! Mahabang salaysay ni manang.
YOU ARE READING
The Mafia God Father
Mystery / Thriller(BLACK MAFIA - mga taong sindikato na may masamang hangarin sa sariling bansa o sa iba pang bansa at gumagawa ng iligal na gamot at iba pang masasamang bagay sa mundo at nagnanakaw ng mamahaling bagay and worst pumapatay without valid raeson). (WHIT...