CONTINUATION
Mas lalong natakot sa kanya ang mga tauhan at bigla na lang itong nag salita.
"STOP PLAYING AROUND OR ELSE I WILL KILL YOU ALL" malamig nitong sabi habang patuloy parin silang nag lalakad.
Nang maubos na ang kalaban ay umuwi na si Benidict at inutusan nito ang kanyang mga tauhan na linisin ang kalat nya.
Kyle's Pov
Andidito parin ako sa kwarto habang nag hihintay ng pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako.
Apat na araw na akong nandidito at buti nalang ay hindi pa ako ginagalaw ni Benidict mula ng dumating ako,
Syempre except ung saming dalawa na ginusto ko.Maya maya pa ay dumating ang katulong at nag bigay ng pagkain.
"Oh iho, kumain ka na at alam kong gutom ka"
Tinanggal na nito ang tali sa kamay ko at pina upo.
"Manang, pwede bang hanapin nyo ang susi sa kadena na nandito sa paanan ko?" pag mamakaawa kong tanong.
Tali lang ang nasa bandang kamay ko ngunit doble ang kapal nito kumpara sa dati at kadena naman sa paanan ko.
"Pasensya ka na iho, ako ang mapapahamak pag ginawa ko iyon" naiintindihan ko naman si manang kaya hindi ko na ito kinulit.
Pagkatapos kong kumain ay bigla nalang pumasok si Benidict at ramdam ko ang kakaibang aura nito.
Alam ko ang pakiramdam nun dahil kahit ako ay ganun.
"Sige lumayas na muna kayo, ako nang bahala dito" pagtataboy nya sa mga bantay dito sa kwarto.
Agad naman itong lumapit saakin at niyakap ako, kasabay nun ay ang pag patak ng luha sa mga mata nito ngunit hindi nya ipinapahalata.
Hindi ko inaasahan na kahit gaano pala kasama ang tao ay umiiyak parin pala ito.
"w-wala na ang nag-iisa at kaibigan kong secretary" bulong nitong sabi sakin habang nakayakap pa ito.
"Bukod sa kanya ay wala ng ibang taong nagmamahal saakin, kaya naman wala na akong magagawa kundi maging isang MAFIA GOD FATHER" patuloy nya saakin na ikinagulat ko.
Natatandaan ko pa kasi ang sinabi ni lola at lolo saakin, na isa daw silang tagapag tanggol ng isang "MAFIA GOD FATHER" kaya laking gulat ko nalang ng sabihin saakin ni Benidict ang katagang iyo.
Bukod pa doon ay, kaya daw nila ako sinanay ay upang ipag tanggol ang sarili ko at pigilan ang mga taong may masamang binabalak sa mga mahihirap.
Napaka useless daw kasi ng mga kapulisan dahil sa pera nalang ang kumokontrol sa mga tao.
Hinarap ko si Benidict at tinitigan sa mata at kita ko na ang mga mata nito.
Ngayon ko lang napansin na may pagka kulay asul pala ang mata nito na syang dumagdag sa napaka gwapong mukha nito.
Diko alam pero nung nagdaang araw ay medyo sweet ito saakin at mabait din.
Feeling ko tuloy ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
Isa pa ay, iilan lang ang detalye ang sinabi ko sa kanya about sa aking buhay.
"Mafia God Father? Diba sila yung taong may pinaka mataas na posisyon sa lahat ng mafia's" kunwaring tanong ko sa kanya, kahit alam ko naman talaga.
"Oo" malamig nitong sagot.
"Pero bakit?" tanong kong muli.
Kinalagan nya na ako sa kamay at paa.
Nag tataka na ako sa ikinikilos nya.
"Papatayin ko lang ang mga pumatay sa magulang at sa kaibigan ko" galit nitong sabi.
Matapos nya akong kalagan ay hinalikan ako nito sa labi.
"Pwede ka nang umalis,
ayokong mapahamak ka" mahinhon nitong sabi."May kirot sa puso ko ang hindi ko maintindihan"
Agad namang tinawag ni Benidict ang mga tauhan nya at sinabing ihatid ako, pero sinabi kong kaya ko na mag isa ngunit hindi ito pumayag.
"Wag ka mag alala kung sakaling tapos na ang lahat HAHANAPIN KITA AT BABALIKAN"
masaya ako dahil makakalaya na ako pero bakit may kirot saakin ang diko maintindihan.BENIDICT'S POV
matapos mawala ang isa na namang mahal ko sa buhay ay bumalik na naman ang lahat ng mga alala ko nung nawala ang mga magulang ko.
Kaya naman agad ko nang pinalaya ang baby kong si Kyle dahil baka pag sya nawala ay tuluyan na akong maging isang ganap na Demonyo at pag papatayin ang lahat ng tao.
Nang kinalagan ko si Kyle ay tumingin muna ito saakin bago tuluyang umalis.
Ang sakit para saakin na palayain si Kyle ngunit kailangan talaga dahil baka dumating ang araw na maging Mafia God Father na ako ay baka araw araw na akong makipag bakbakan.
At hindi naman ako sigurado sa magiging buhay ko at buhay ni Kyle kung sakaling dumating ang araw na mapapahamak sya o ako.
Nung una hindi ako takot mamatay pero ng makita ko si Kyle ay pinangako ko dito na hahanapin ko at babalikan ko sya.
YOU ARE READING
The Mafia God Father
Mistério / Suspense(BLACK MAFIA - mga taong sindikato na may masamang hangarin sa sariling bansa o sa iba pang bansa at gumagawa ng iligal na gamot at iba pang masasamang bagay sa mundo at nagnanakaw ng mamahaling bagay and worst pumapatay without valid raeson). (WHIT...