Chapter 17

592 8 0
                                    

                                                                                                                                                                                                 Third Person's Pov

Nang mawalan ng hininga si Josh ay biglang naging demonyo ang mukha ni Benidict sa galit.

Itinapat nito ang kamay nya sa taong bumaril sa kanyang secretary.

Kahit nasa malayong lugar ito ay binaril parin ni benidict. At sa pag baril nyang iyon ay saktong sa mata nitong tumama ang bala.

Tumingin ang binatang si Benidict sa labas kung saan naroroon ang mga kalaban at sinawalang bahala nya lang ito at matapang nitong sinugod at pinag bababaril.

Lahat ng body guard nito at ang mga tauhan ay nagulat, natakot, at pagka mangha sa Boss nila.

Matapos nun ay tinawag nya ang iba pa nitong tauhan para buhatin ang katawan ng secretary nito at ilibing.

Wala itong takot na nag lalakad sa gitna ng daanan kasama ang mga tao nito.

Bang bangg bang

Habang nag lalakad sila paalis ay para bang sya ang hari ng lahat dahil kahit sinong humarang sa kanya ay binabaril nya.

Yung malabot nitong puso ay bigla nalang tumigas at sa boses palang nito ay mahahalata mo na.

"kakaiba pala magalit si boss" bulong ng baguhan na tauhan nito.

"Oo nga eh, baka kahit ako ay mapatay nya kapag may nagawa akong mali" kaya umayos ka din" bulong ng mga tauhan nito.

Medyo napatawa ng mahina ang isa sa mga tauhan ni benidict kahit habang nasa gitna sila ng laban.

Narinig naman ito ni "Benidict kaya hindi ito nag dalawang isip na barilin ang sarili nyang tauhan..

"BANG BANG" bagsak ang isa matapos itong tamaan sa ulo.

The Mafia God FatherWhere stories live. Discover now