40

766 60 31
                                    

KYERRA

“Mabuti naman at naisipan n'yo nang bumalik rito!” masayang salubong ni mommy sa amin. Kararating lang namin ni Herschel dahil nagpasya na kaming bumalik na sa Batangas.

“Ate Kyerra!” natutuwa na sigaw ni Yves at mabilis na inunahan si mommy na lumapit sa akin. I giggled when he hugged my waist.

“Kumusta naman ang bunso namin?” pangungumusta ko sa kaniya. Nanggigil ko rin na pinisil ang pisngi niya.

“Okay lang po, ate. Namiss po kita, eh!” he replied cheerfully. I just gently ruffled his hair bago ko niyakap sina mommy at Tito Manuel na sobrang saya na nakabalik na ulit kami ni Herschel.

“Dad...” tawag ko kay daddy na lumapit din sa akin at mahigpit akong niyakap. Mabuti na lang ay naka-recover na siya at nakakalakad na rin.

“We are happy that you are back,” aniya na masuyo pang humalik sa aking noo.

“I have to go back, dad. May bulinggit kasi na magagalit sa akin kapag hindi ako kaagad umuwi,” pagpaparinig ko kay Yves kaya sumimangot siya na ikinatawa naming lahat. Sunod ko naman niyakap sina Zinnia, Anna at Arisha.

“Kumusta naman ang daddy mo, Hers?” tanong ni Tito Manuel.

“He is getting better. I have also hired someone to watch over and take care of him while he is not with me. Sinabi ko rin naman po na babalik muna ako rito sa Batangas,” magalang na sagot ni Hers.

“Kayo po ni Tita Samber, dad? Nakapag-usap na po ba kayo ulit?” tanong ko naman kay daddy. Alam ko na nakahingi na ng sorry si Tita Samber sa kanila, kaya gusto ko malaman kung nag-usap ba ulit sila ni dad.

“Yes, hija. Nakapag-usap na ulit kami. Plano namin ng kapatid mo na bisitahin siya sa Sabado,” sagot niya kaya nakahinga ako nang maluwag.

Ongoing pa rin kasi ang kaso na isinampa namin laban kina Viela. Kasama namin na kinasuhan si Roselle dahil silang dalawa ni Tita Samber ang nagbayad sa doktor para baguhin ang cause of death ni Lola Leah, kaya dapat pa rin nilang pagbayaran ang ginawa nila.

“Pumasok na tayo sa loob, nakahanda na rin ang mga pagkain sa hapag. Tiyak na gutom na rin sina Herschel at Kyerra,” nakangiting aya ni Tito Manuel sa amin kapag pumasok na kaming lahat sa loob.

Naging masaya rin ang pagsasalo naming lahat sa hapag-kainan. Napuno rin ng tawanan ang buong paligid ko kaya nagkaroon ng kaginhawaan ang aking puso. Napansin ko rin ang pagiging malapit ni Arisha kina Zinnia at Anna. Pati sila ay masayang nagkukwentuhan kaya tahimik at nakangiti ko lang silang pinagmasdan.

THIRD PERSON'S

“Nakita n'yo ba si Kyerra?” Iyon kaagad ang unang bungad na tanong ni Herschel nang maabutan niyang bukas ang pinto ng kwarto ni Zinnia at kasalukuyang nanonood ng horror movie kasama sina Anna at Arisha. Kagigising lang din niya at napansin na wala ang dalaga sa kaniyang tabi, kaya lumabas siya para magtanong.

“Wala po ba siya sa kwarto niya?” salubong ang kilay na tanong ni Zinnia kaya marahan siyang umiling.

“Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Umalis ba silang dalawa ni Mrs. Angeles?”

“Parang nakita ko po siya kanina, lumabas kasama si Mrs. Angeles. Hindi ko po naitanong kung saan sila pupunta,” turan ni Anna.

Hindi na lang siya muli nagtanong upang hindi na niya maistorbo ang tatlo. Nagpasalamat lang siya at bumalik sa silid-tulugan ni Kyerra. Saan naman kaya nagpunta ang dalaga at hindi man lang ito nagsabi sa kaniya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon