KYERRA
“Don't do that again. Paano kung hindi sa braso mo tumama 'yong bala?” may bahid na inis kong panenermon kay Herschel.
Nakahinga kami ng maluwag dahil okay siya at hindi masyadong malala ang nangyari sa kaniya nang magpaputok ng baril si Navarette at ang bala ay sinalo niya na dapat sa akin tatama. Pasalamat na lang din kami na walang ibang nasaktan.
Nasa ospital na rin kami upang bigyan ng lunas si Herschel at alisin ang bala. Nilagyan na rin ng benda ang kaliwa niyang braso.
“I'm okay if you're fine and safe. Sabi ko naman sa iyo, 'di ba? I am willing to protect you with every drop of my blood,” seryoso niyang wika kaya malalim akong bumuntonghininga.
Bumaling ang atensyon ko kay Mr. Tolome na tahimik kaming pinagmamasdan. Nakikita ko rin sa mata niya ang kasiyahan.
“Tapos na ang problema natin. Makukulong na sina Navarette,” turan niya at bumuga ng hangin. “Alam ko na hindi madali para kay Navarette ang mga nangyayari sa kaniya. Masyado siyang nagpadala sa kasakiman niya. But that girl used to be sweet, until I found out about her past. Hindi pa siya ganoon noong nakilala ko siya,” pagkukwento niya.
“What do you mean po?” nagugulumihanan kong tanong.
“Meron siyang mental health condition, hija. From what I've learned, she developed a personality disorder when she was in high school. That was due to the physical, emotional, and mental abuse she suffered from her parents. Hindi naging okay ang buhay niya noon kaya iyon ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nagiging bayolente at kayang manipulahin at kontrolin ang mga tao. Mayroon din siyang obsesyon sa mga bagay na ayaw niyang mawala sa kaniya,” he explained.
Ilang minuto kaming hindi nakaimik ni Herschel. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin siguro sapat na dahilan para ipapatay niya ang mga mahal sa buhay ni Herschel at gumawa ng masama.
Katulad na lamang ni Viela, hindi sapat na dahilan ang inggit niya at ayaw niya akong maging masaya. Nalason din ang utak niya kaya gumawa siya ng hindi maganda upang makuha ang lahat ng gusto niya.
Hindi ko rin naman siya masisi kung bakit niya naramdaman 'yon dahil anak din siya na nagnanais na maramdaman ang pagmamahal ng magulang.
It's not too late, they still have a chance to change and repent for all the sins they have committed. Pagsisisihan pa rin nila ang ginawa nila sa loob ng kulungan, ang mahalaga ay tulungan sila na malagpasan lahat ng mga gumugulo sa kanilang isipan.
“I'll just give you time to talk privately with your dad. Sa labas lang muna ako,” paalam ko na kinatango ni Hers.
Lumabas na ako at iniwan silang mag-ama. Oras na rin para masinsinan silang makapag-usap. At isa pa, nandito na rin naman kami sa ospital at bukas pa madi-discharge si Herschel kaya naisipan ko na magpa-check up na rin.
Nagtanong lang ako sa babaeng nars, and she guided me through the check-up process. After that, nakausap ko na rin ang doktor at sinabi ko lang kung ano ang mga nararamdaman ko nitong mga nakalipas na araw.
At first, the doctor thought I might be stressed and not getting enough sleep, which is true. Isa raw kasi iyon na pwedeng maging cause ng pagdurugo ng ilong ko. I was stressed before, but Herschel helps me a lot to calm my mind.
But if I'm worried about my health, she suggested that I get a laboratory test to make sure there was nothing wrong with me. Pumayag naman ako dahil gusto ko rin makasiguro na okay ako. Hindi ko rin sinabi kay Herschel ang tungkol dito. Inilihim ko muna hangga't hindi ko pa nalalaman ang resulta.
Kinabukasan ng gabi ay nakalabas na rin siya ng ospital. Mas gusto na rin kasi niya na magpagaling na lang dito sa bahay.
“Talaga ba na okay na 'yong braso mo?” nag-aalala kong tanong kay Herschel.

BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
Художественная прозаIDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already committed man...