kabanata 3: lihim na pag tingin

354 20 1
                                    

Araw araw pag katapos ng kanilang pag sasanay , Nag tutungo si Amihan At Ybrahim upang mag pahinga. Dito madals sila natagpuan, Kahit pa Malayo na ito sa Lireo ay Hindi sila nag aalalangang mag punta dito.

"Maari ba akong mag tanong sayo Ybrahim?" Tanong ni Amihan sa Rehav na nag aayos ng pag kain na nakalagay sa Kanilang lalagyan, "Ano iyon?" Tanong nito. "Bakit hindi mo pa sinisimulang ang pag aayos ng Kaharian ng Iyong ama?" Nag tatakang tanong ni amihan habang tinitingnan nito ang repleksyon nya sa tubig.

"hindi sa gusto kitang kumisan sa Lireo, ngunit nais kong malaman kung kailan mo ito planong isaayos upang matulungan kita" Dag dag pa ni Amihan kaya't napaisip si Ybrahim.

"Sa totoo lang Amihan matagal ko ng nais itayo muli ang Saphiro, Ngunit Hindi ko alam kung saan ko ito sisimulan" Paliwanag ni Ybrahim, Habang kanyang pinapanood si Amihan. "Alam mong maari kang humingi ng Tulong kay Ina diba? " Tanong ni Amihan kaya't napangiti ang Binata.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan Ybrahim?" Naiinis na tanong Ni Amihan sa kanyang Kaibigan, "Wala Natutuwa lamang ako na may Pakialam ka para sa Saphiro" Pag papaliwanag ni Ybrahim, Saka umupo ang Sanggre sa Kanyang Tabi.

"Bakit naman ako mawawalan ng pakialam para sa Saphiro, Kung dumadaloy sa aking dugo ang dugo ng pagiging Sapirian" Pag papaalala nito sa kaibigan, "nais mong maligo sa batis?" tanong ni Amihan kay Ybrahim, "Mauna kana at susunod ako" sagot nito saka tinanggal ni Amihan ang suot na Sapatos at lumusong sa Batis.

"Batid kong ang nararamdaman ko ay hindi mo masusuklian Amihan, Ngunit bakit kahit pilitin kong Hindi Kita Mahalin ay hindi ko magawa" Bulong ni Ybrahim sa Sarili habang pinapanood si Amihan sa Batis.

__________________________________

"Ina" Sabay sabay na Sambit ng Apat na Sanggre sa kanilang Inang Reyna, bago ito Umupo sa Hapag. "Natutuwa ako sa mga balitang Ibinigay sakin ni Mashna Aquil, Balita ko'y mahuhusay na daw kayong humawak ng sandata" nagagalak na sabi nito sa kanyang mga anak, "ngunit minsan daw ay sakit kayo ng ulo" Pahabol nito na naging dahilan ng mahinang oag tawa ng mag kakapatid habang Nakatingin kay Danaya.

Sa gitna ng kanilang pag uusap, Mga kakaibang kulay ng paru paro ang Lumapit sa mag iina. "Kay gagandang Pashnea" wika ni Alena na sinang ayunan ni Danaya at Amihan, "Dumating na ang senyales galing Kay Emre Minea" wika ni Imaw sa Hara na ikina kunot ng noo ng mag kakapatid.

"Tama ka Imaw dumating na ang Senyales na pumili ako ng magiging susunod na Reyna ng Lireo at magiging tagapangalaga ng Mga Brilyante" pag sang ayon ni Minea, Sabay tayo ni Pirena. "walang ibang mas katapat dapat humalili sa inyo bilang Reyna Kung hindi ako Ina dahil ako ang pinakamatanda saming mag kakapatid at batid ko na mas magagampanan ko ng tama ang pagiging Reyna Kesa sa iba kong mga kapatid" wika ni Pirena na tila kinainis ng kanyang Mga Nakababatang kapatid.

"Hindi basehan ang edad upang maging karapatdapat na maging Reyna, Pirena, dahil kahit ako man ang pinakabata saating apat ay kaya ko ding mamuno" Naiinis na sagot ni Danaya sa kanyang Kapatid. "Talaga lang?" natatawang Turan ni Pirena na lalong ikinainis ni Danaya, ngunit bago pa sya makasagot ay Pinigilan na sya ng kanilang Ina.

"hindi nyo makukuha ang inyong ninanais kung nag tatalo lamang kayo" pag awat ni Minea sa mag kakapatid, kaya napaupo nalang si Pirena.

"Sa paanong paraan ho ba Malalaman ang Susunod na Magiging Reyna Ina?" Tanong Ni alena, "sa isang paligsahan kaya mag handa kayo dahil malapit na itong Maganap" Anunsyo ng Reyna, makalipas ang ilang Oras ang Mga Sanggre ay bag tungo na sa kani kanilang mga Silid, at saka nag tungo si Ybrahim Kay Minea na Nag iintay sa Hapag.

"Magandang Gabi Hara Minea" pag bibigay galang ni Ybrahim sa Reyna, "maupo ka Ybrahim" Utos ni Minea na syang sinunod ng Rehav. "Ano at nais mo akong makausap?" Tanong ni Minea sa Rehav, "Nais ko sanang hingin ang iyong permisyo Hara" Sagot neto kaya naman ay pumasok sa isip ni Minea na nais nitong hingin ang kamay ng kanyang Anak na si Amihan.

"Tungkol ba ito kay Amihan?" Tanong ni Minea na ikina kunot ng noo neto, "hindi Hara, Nais ko sanang hingin ang iyong Permisyo na kung maaring mag tungo ako sa Sapiro Sapagkat nais kong Umpisahan ang pag bagon muli ng Kaharian ng Aking ama" Paliwanag ni Ybrahim, na ikina ngiti ni Minea. Hindi sa Ayaw nyang si Ybrahim ang mag ay ari ng puso ng anak lalo na't alam nya na may lihim na pag tingin ang Dalawa para sa isat isa.

"Ano at tila biglaan ang yong pag papasya Ybrahim?" Nag aalalang tanong ni Minea, "wala naman Hara nais ko lamang na maisaayos na ito sa lalong madaling Panahon" Pag rarason ni Ybrahim, ngunit alam ni Minea na nag sisinungaling ito. "Kunv ganon ay Binibigay ko sayo ang buo kong suporta, mag sabi kalamang kung kelan mo nais lumisan" Pag payag ni Minea, Saka Nag bigay galang ang Rehav bago ito umalis.

"Minea bakit mo inakalang si Amihan ang tinutukoy ni Ybrahim?" Tanong ni Imaw sa kanyang Kaibigan, "Sapagkat kahit noong nga Bata pa sila Alam kong may Lihim na oag tingin sila sa Isat isa hindi lamang nito maamin sa isat isa" Paliwanag ni Minea, Ngunit base sa kanyang boses ay tila hibdi nya ito Gusto.

"Ngunit bakit parang hindi Mo ito nais mangyari?" Tanong ni Imaw kaya napahinga ng Malalim si Minea, "Sapagkat sa aking apat na Anak, Si Amihan ang nais kong Humalili sakin bilang Reyna Dahil sa Kanyang Puso at katapangan"  pag papaliwanag ni Minea kay Imaw, Hindi nila namalayan na ang Panganay na Sanggre ay Nakikinig sa kanilang Usapan ng bumalik ito upang batiin ng magandang gabi ang Ina, Ngunit dahil sa Kanyang narinig poot at galit ang kanyang naramdaman kaya agad itong lumisan.

"Alam kong Magiging madali sana ang aking pag pili kung kay Pirena ko nalamang ibibigay ang Korona, dahil sya ang Una kong Pinanganak, Ngunit natatakot ako sa Dugong dumadaloy sakanya at sa maaring gawin ni Hagorn kung sakaling maging Reyna si Pirena, Kaya't sana ay Isa kala Amihan, Alena at Danaya ang mag wagi"  Paliwanag ni Minea , sa kanyang Kaibigang Adamyan.


___________________________________

Avisalaaaa salamat sa pag babasa Please pa vote po ng story at pa Follow na din po sa account ko comment kung ano satingin nyo magaganap sa next Chapter


In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon