Nakangiting pinagmamasdan ni Amihan ang Sapiro, mula sa Asotea ng Lireo ng Makita sya dito ng Kanyang Bunsong Kapatid na Si Danaya.
"Pinag mamasdan mong Muli ang Sapiro" Sambit ni Danaya, Dahilan para mapatingin sakanya Si Amihan."Yun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mong Mahalin at maging ama ng iyong anak ang lalaking iying minamahal ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan" Sambit ni Amihan dahilan ng Mapait na pagngiti nito.
"Hanga pa Din ako Sa'yo Amihan, Sapagkat Gaano mo man Kamahal si Ybrahim ay Hindi mo pa den Binibitawan ang iyong katungkulan bilang Reyna" Sambit ni Danaya ng mapatawa ng Mapait si Amihan.
"Ngunit Hanggang Kailan ko ito magagawa Danaya?, Nais kong Layuan si Ybrahim dahil sa aking katungkulan bilang Reyna, Ngunit Ayokong Ilayo si Lira sa Kanyang Ama" Napabuntong hininga nalamang si Amihan dahil sa Hirap ng kanyang Nararanasan.
"Mahal ko si Ybrahim ngunit Kailangan ako ng Encantadia" Sambit muli ni Amihan habang kanyang Pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"Alam kong Nasasaktan kana Amihan, At Masakit para saakin na makita kang nagdurusa sapagkat kapatid kita Amihan" Panimula ni Danaya ng mapabuntong hininga ito.
"Kaya kung sobang mahihirapan kana, Maari mong Ipasa saakin ang Korona Upang Malaya mo ng Maiparamdam kay Ybrahim ang iyong tunay na nararamdaman" Sambit ni Danaya ng mapailing si Amihan.
"Danaya ayokong Ipasa sa'yo ang Hirap Ng pagiging Reyna, Alam kong Mahal mo si Aquil at ayokong maramdaman mo anv pag durusa ko ngayon" Sambit ni Amihan ng Tuluyan ng pumatak ang Kanyang mga Luha.
"Bakit mas pinipili mong saktan ang iyong Sarili, Para sa Encantadia?" Tanong ng Isang tinig mula sa Likuran ng Mag kapatid dahilan para mapatingin dito ang Dalawang Sanggre.
"Alena?"
"Amihan wag mo ng Pahirapan pa ang iyong Sarili, Nais mo bang matulad sa ating Ina at sa iyong ama? Na Hanggang Kamatayan ay hindi sila naging Masaya?" Sambit ni Alena na Nakaapekto sa Isip ni Amihan.
"Amihan, Buong buhay mo Inalay mo sa Pag seserbisyo sa Encantadia. Mag tira ka naman ng kakaunti para sa iyong Sarili" Sambit ni Alena ng mapahinga ng Malalim si Amihan.
"Amihan, Piliin mo ang Iyong Sarili at ang iyong ikasasaya bago pa mahuli ang Lahat" Dugtong pa ni Alena na nag paulit ulit sa Isipan ni Amihan.
_________
"Avisala Eshma Aquil, sa Pag sama nyo samin na Ipag laban ang Sapiro" Pasasalamat ni Ybrahim habang nangunguna silang Dalawa sa pag lalakad patungong Sapiro.
"Hindi mo kailangang mag pasalamat, Rehav Sapagkat tungkulin namin na ipag tanggol ang mga nangangailangan" Sagot ni Aquil sa Rehav ng Bigla silang Haranging ng mga Kawal ng Hathoria.
"Pashnea! estasectu" Sambit ni Ybrahim ng Palibutan sila ng mga Hathor, At doon lumabas ang Kanilang Hari na Si Hagorn.
"Hindi mo kami matatakot Hagorn" Sambit ni Ybrahim habang nakatutok sa mag Hathor ang kanilang Mga Sandata. Ng ilabas ni Hagorn ang Dalawang Brilyanteng Hawak nya at ipinatama sa Rehav atsa mga Kasama nito.
"Hindi manlang ako nahirapan" Pang iinsulto nito sa Mga Diwata at Sapirian. "Dalhin nyo na sila" Utos ni Hagorn ng Pag tulungan ng mga Kawal ng Hathoria ang kanilang mga Bagong Bihag.
Ngunit ang hindi nila alam, Isa sa mga Kawal ng Lireo ang nakapagtago. at Sa Pag alis ng mga Hathor madali itong kumaripas ng takbo pabalik sa Lireo.
_________
"Amihan, Piliin mo ang Iyong Sarili at ang iyong ikasasaya bago pa mahuli ang Lahat"
Paulit ulit sa Isipan ni Amihan ang mga Wikang Binanggit Sakanya ni Alena. Sapagkat may kung ano ang gumising sa kanyang Nag bibingibingihang Diwa.
"Nay?" Pag tawag ni Lira ng makita nitong nag iisa ang kanyang Ina sa Asotea. "Bakit Gising kapa Lira?" Nagtatakang tanong ni Amihan, "Nahihirapan lang po ako makatulog, kayo po nay?" Pag balik ni lira ng tanong sa Hara.
"May Bumabagabag lang saakin Anak" Sambit nito dahilan para makaramdam ng pag aalala si Lira da Kanyang Ina. "Bakit po? ano po ba yon? May maitutulong po ba ako?" Sunod Sunod nitong tanong dahilan upang mapangiti ang Hara.
"Hindi na kailangan Lira, Suliranin ko ito kaya dapat ako ang Maka ayos nito" Sambit ni Amihan ng mapabuntong hininga nalamang si Lira.
"Nay pano naman po namin mapapagaang ang loob nyo kung sa tuwing Tinatanong ka po namin tyngkol sa Problema nyo Hindi nyo po sinasabi saamin" Naiinis na Sambit ni Lira sa Kanyang ina.
Alam ni Amihan na palagi nya itong ginagawa, ngunit sa palagay nya ay ito ang tamang gawin sapagkat Ang problema nya ay Sya dapat lagi ang Makakaayos.
"Patawad Lira, Hind ko nais na ilihim ang aking mga Problema sainyo, Ngunit ang problema ko Ngayon ay pang sarili langun" Paliwanag ni Amihan kaya wala ng jba pang nagawa si Lira kung Hindi Tumango nalamang.
"Mag pahinga kana Anak, Malalim na ang Gabi" Sambit ni Amihan habang inaayos nito ang buhok ng Diwani. "Pwede po ba Ako Tumabi sainyo?" Tanong ni Lira ng Ngumiti si Amihan.
"Hindi ko tatanggihan yan Anak" Sambit ni Amihan ng Lumapit sa Hara ang hingal na Hingal na Kawal.
"Mahal na Hara may Kailangan akong Sabihin sayo" Sambit nito sa Hara."Kawal hindi ba maaring Ipag sa Bukas iyan?" Nag tatakang tanong ni Amihan ng umiling ang Kawal. "Lira mauna kana sa Aking Silid, kakausapin ko lang ang Kawal na ito" Sambit ni Amihan ng Umalis ang kanyang anak kasunod ang mga Dama nito.
"Ano ang nais mong sabihin kawal?" Tanong ni Amihan sa Kawal, "Ang Rehav Ybrahim at Mashna Aquil ay Dinakip nina Hagorn, Atmga kawal na Kanilang Kasama ay Pinag papaslang" Sambit nito na Ikinagulat ni Amihan.
halos Natumba si Amihan sa Kanyang Kinatatayuan ng marinig nya ang balitang Ito, "Avisala Eshma sa Oyong ulat" Sambit ni Amihan ng Lumisan ang Diwatang Kawal.
"bago pa mahuli ang Lahat"
Paulit ulit ang mga Salitang iyan sa Ulo ni Amihan, Paano nga kung huli na ito para sa kanilang dalawa ni Ybrahim. Paano kung mapaslang si Ybrahim at hindi manlang nasabi ni Amihan na mahal nya ito?
Napakadaming Pumasok sa Isipan ng Hara sa mga Iras na iyon. Ngunit wala syang ibang magagawang Hakbang lalo na't hindi nya pa ito nasasabi sa konseho at sakanyang Kapatid.
_____________________________________
Unti unti ng mag kakaayos ang Apat na mag kakapatid, pero ang Panganay nila ay Nag hihingalo na. Paano magagawang iligtas ni Amihan at Danaya ang Mga Nilalang na mahalaga sakanila? Abangan!!
In the Shadows Of Crowns, Ang nag lalapit na pag tatapos
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan