Kabanata 57: Saklolo Mula sa Mga Diwani

176 7 0
                                    

Agad na nag tungo si Amihan sa kanyang silid, sa sobrang pag aalala Sa Rehav Nakalimutan nya na Naroon si Lira sa Kanyang Silid. "Nay Okay ka lang po Ba?" Nag tatakang tanong nito ng Mapatingin si Amihan sa kanya.

"L-lira, Gising Kapa" Sambit nito ng Mapakunot ang noo ni Lira. "Sabi nyo po kanina, Intayin kita" Sagot nito na tila nag tataka sa mga sinasambit ng Kanyang Ina ng maalala nya na sa kanyang Tabi matutulog ang Diwani.

"May Problema po ba?" Tanong uli nito ng pekeng Ngumiti si Amihan. "Maayos lang ako Anak" Sambit nito at Tumabi sa Kanyang Anak. "Pahinga kana anak" utos nito ng Tingnan sya ni Lira.

Batid ng Diwani na May Mali sa Pinapakitang ngiti sakanya ng kanyang Ina. Ganto kasi ang Ngiti nito kapag may problema itong kinahaharap, at batid din ni Lira ang hindi pag kakaunawaan ni Amihan at Ybrahim ng marinig nya ang pag uusap kanina ng Tatlong mag kakapatid.

"Okay lang po ba kayo ni Itay?" Tanong ni Lira dahilan para Mapatahimik si Amihan. "Kasi po Narinig ko kayo nina Ashti Danaya Kanina" Sambit muli nuto ng hawiin ni Amihan ang Buhok nito.

"Lira anak kung ano man ang Meron saamin ng iyong Ama ngayon, Wag mo nalamng alalahanin mag pahinga kana" Sambit nito kaya napabuntong hininga nalang si Lira.

Nakangiting pinag mamasdan ni Amihan ang Nahihimbing na Anak, ng Dumating sa kanyang Silid si Alena at Danaya.

"Mahal na Hara, ano't Pinatawag mo kami?" Tanong ni Danaya sa Kanyang Hara ng mapatingin ito sakanya. "May Kailangan akonv ibalita sainyo" Sagot nito at tiningnan ang kanyang mga Kapatid.

"Dinakip nina Hagorn sila Ybrahim at Aquil kasama ang mga Mandirigma, Sapirian at Lirean na kasama nito" Sambit ni Amihan na Kinagulat ng mga Ito.

"Sigurado akong ginagawa nila to upang tulungan si Pirena" May poot sa Tinig ni Danaya ng Sambitin nya ang mga Salitang ito.

"Anong gagawin natin Amihan?" Tanong ni Alena, "Nag bigay na ng Mensahe si Hagorn saakin kung anong Nais nya" Sambit ni Amihan ng mapahinga ito ng malalim.

"Nangako si Hagorn ng kapayapaan kung ibibigay natin Sakanya kung nasaan ang Anak nya kay Lilasari" Sambit ni Amihan ng mag katinginan ang mag kakapatid.

"Kung ganon ay ibibigay mo ang gusto nya?" Agad na Tanong ni Alena dahilan upang mabigla si Danaya. "Amihan hindi mo maaring gawin yon" pag kontra ni Danaya.

"Napakalaki ng tulong naibigay saatin ni Lilasari, Hindi mo maaring pag taksilan ang ating Kapanalig" dagdag pa ni Danaya.

"Alam ko kaya Nga hindi ko alam kung paano ko Ililigtas ang ating mga Kapanalig" Sambit ni Amihan ng napabuntong hininga ito.

"Kaya nga nais kong ipatawag ang Konseho bukas na bukas din" Sambit ni Amihan ng Tumango naman ang kanyang Dalawang Kapatid.

________

Pag putok ng araw sa Encantadia, Agad na nag tungo ang Bawat konseho sa Punkng Bulwagan.

"mahal na reyna, ano't nais mo kaming makausap?" Tanong ng isang konseho, ng mag simulang dumating ang mga diwata.

"sapagkat may panibagong suliranin tayong kailangang harapin" Sambit ni Amihan dahilan upang mag katinginan ang mga ito.

"suliranin? ano ito mahal na reyna?" nag tatakang tanong ni Imaw.

"Dinakip ni Hagorn ang Rehav ng Sapiro kasama ang ilan saating mga kapanalig" Umpisa ni amihan at huminga ng malalim. "at ang hinihingi nitong kapalit ay ang Kanyang anak kay lilasari" pag tatapos nito dahilan upang mag katinginan ang mga konseho.

"nangako si Hagorn ng kapayapaan, kung ibibigay natin sakanya ang kanyang hiling" Wika ni Alena.

"kung ganon, siguro mas nararapat kung ibibigay natin sakanya ang kanyang hiling" sambit ng isa sa mga konseho na sinang ayunan ni Alena.

In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon