Umaga pa lamang ay nag hahanda ng ang mga Sanggre sa Paligsahang magaganap kinagabihan. Ang mga Sanggre ay may Kanya kanyang paraan ng Pag sasanay sa araw na iyon.
Si Danaya ay nasa tabing dagat nag sasanay kasama si Aquil ,Si Alena Ay nag Sasanay mag isa, habang si Pirena ay Nag sasanay kasama ang pinaka magagaling na Kawal ng Lireo. Ngunit sa kanilang mag kakapatid, Si Amihan ay nanatili sa Batis Kasama si Ybrahim.
"Bakit Hindi ka nag Sasanay gaya ng iyong mga Kapatid?" Tanong ni Ybrahim habang nakahiga si Amihan sa kanyang Braso, "sapagkat ayokong Pagudin ang aking sarili, Dahil kapag ginawa ko iyon mauubusan ako ng enerhiya para mamaya" Paliwanag ni Amihan at kanyang ipinikit ang kanyang mata.
"hindi kaba natatakot na matalo ka ng iyong kapatid dahil hindi ka nag sanay?" tanong muli nito sa Dalaga, "hindi, dahil alam kong katapat dapat na maging reyna ang kung sino mang mananalo" Sagot nito at bumuntong hininga.
"Napakalalim atang iyong buntong hininga Amihan" Pansin ni Ybrahim ng biglang bumangon ang dalaga, "naoag tanto ko lang na kung ako man ang papalading manalo ay hindi ko na maaring gawin ang bagay na ginagawa ko kagaya na lamang ang pag punta sa batis kasama ka" Malungkot na turan ni Amihan, ilang Segundo ang nag daan bago sumagot si Ybrahim, Hinawakan nya ang kamay at muka nito bago nag salita.
"Ngunit Amihan, noon pa man ay Pangarap mo ng maging Reyna Hindi Ba? Kaya't ayos lamang na Hindi na tayo makapunta pa sa batis na iti basta Magampanan mo lamang ang iyong nanais makamit" sambit ni Ybrahim na nag pagaan sa loob ni Amihan.
"Sanggre Amihan Rehav Ybrahim" Pag bibigay pugay ni Alira Naswen at Aquil sa Dalawa, "Sanggre Amihan ikaw ay pinababalik na Ni Hara Minea sa Palasyo" Balita nj Aquil kaya dali dali namang Umalis ang Sanggre kasama ang Dalawang Mashna kung kayat naiwang mag isa Ang Rehav, Ngunit sa di inaasahang pag kakataon, Naiwan ni Amihan ang Kanyang Balabal sa Batis na agad napansin ni Ybrahim.
Dinampot ni Ybrahim ang asul na balabal kung saan nakalimbag pa ang Pangalan bi Amihan, "Mahal kong Amihan, kung Sanay Alam mo lang Kung gaano kita Ka mahal siguro ay nasuklian mo ito, ngunit alam kong hindi ito mangyayari" Habang patuloy na nilalabas ni Ybrahim ang kanyang Tunay na nararamdaman sa balabal ng Sanggre, kayat Hindi nito namalayan na nag balik ito para sa kanyang balabal.
"Ybrahim?" Gulat na Sambit ni Amihan, kung kaya't napatigil si Ybrahim sa kanyang Sunasabi. "Amihan, k-kanina kapaba nandyaan?" Utal utal na tanong ni Ybrahim kay Amihan, "totoo ba ang iyong sinabi Ybrahim?" Tanong ni Amihan na may alinlangan sa kanyang Nararamdaman.
Amihan' P.O.V.
Halos nasa kalagitnaan na ako ng aking pag balik sa Lireo ng Mapansin ko na Hindi ko dala ang Aking Balabal, "Aquil, Alira mauna na kayo sa Lireo babalikan ko lamang ang aking Balabal" utos ko sa dalawang Mashna kaya naman ay nauna na ito sa Pag balik sa Lireo.
Sa aking pag Balik sa Batis aking napansin na tila ba may kinakausap si Ybrahim, sino ang kinakausap nito, kesa Mag taka ako dito nilapitan ko sya upang marinig ngMas malinaw ang kanyang sinasabi, "E correi Diu Mahal kong Amihan" kanyang huling sinabi kayat lalo akong nagulat.
"Ybrahim?" Sambit ko kaya agad syang napa lingon, batid kong nagulat sya ng marinig nya ang boses ko ngunit mas nagulat ako sa kanyang Binanggit. Oo mahal ko si Ybrahim, noon oa man na kami ay mga bata pa alam kong may Pag tangi na ao sakanya, Ngunit hindi ko ito maamin Sakanya Sapagkat alam kong hindi Swerte sa pag ibig ang mga Diwatang gaya ko.
"Totoo ba ang iyong sinabi Ybrahim?" tanong ko, Halata sa kanyang mukha na tila ba Sya ay nahihiya ng akoy Kanyang makita. "Poltre kung sa ganitong paraan mo iti makikita, Ngunit ang iyong narinig ay Totoo" pag amin nito , na naging dahilan ng aking oag ngiti.
"tanggap ko kung magagalit ka sakin Amihan, Dahil habang itinuturing mo akong kaibigan ay iba ang aking nararamdaman sayo" Nahihiyang Sambit nito kaya naman nilapitan ko sya. "Wala kang daoat ikahiya Ybrahim" aking Sambit ng hawakan ko Ang kanyang Pisngi na naging dahilan ng oag lapit ng muka namin sa Isat Isa.
"Mahal din Kita Ybrahim" Pag amin ko, na halatang ikinagulat nya. Ilang Segundo kaming nag katitigan ng bigla nyang tanggalin ang aking nga kamay sa kanyang mukha. "Ngunit Ayokong maging sagabal sa iyong Pangarap maging Reyna Amihan" Sambit nya, na hindi ko maintindihan.
(End of P. O. V.)
"Ybrahim?" Tanong muli nito ngunit tinalikuran lamang sya ni Ybrahim. "Amihan Isa ka sa magiging tagagmana ng Korona ng Lireo, At alam nating dalawa na hindi maaring mag karoon ng relasyon ang Reyna ng Lireo sa kahit sino" Sambit ni Ybrahim, Unti unting nauunawaan ni amihan ang nais iparating ng rehav ng sapiro kaya naman unti unting pumatak ang nga luha ni Amihan.
"Ngunit Ybrahim, Hindi pa tayo sigurado kung mananalo ako sa Paligsahan" Wika ni Amihan habang patuloy ang pag tulo ng kanyang mga luha. "Amihan nais kong mag wagi ka sa inyong Paligsahan, dahil sa inyong mag kakapatid ikaw ang pi aka karapatdapat maging reyna" Sambit ni Ybrahim at humarap sa Sanggre, at hinawakan ang mga kamay nito.
"At kung tayo man ay nararapat sa Isat isa si Emre ang mag tatakda nito, ngunit sa ngayon ayokong maging sagabal upang makuha mo ang iyong Pangarap" dugtong pa nito, at pinunasan ang nga luha sa mata ni Amihan.
"Mahal na Sanggre" Narinig nila na Boses mula sa Dalawang Mashna na binalikan si Amihan. "Paalam Ybrahim" Malamig na sambit ni Amihan saka Iniwan si Ybrahim mag isa sa Batis. "Paalam Mahal kong Sanggre" Sambit ni Ybrahim at nag tungo sa Daan patungo sa Kuta ngmga Mandirigma.
____________________________________
Ybramihan No more na ba? Ano satingin nyo ang mang yayari sa damdamin ni Amihan at Ybrahim. Abangan ang Susunod na Kabanata, Wag kalimutang mag Vote Follow at Mag comment ng satingin nyo mangyayari sa susunod na Kabanata.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan