Kabanata 69: Ivo Live Hara Danaya

223 9 4
                                    

Isang Linggo Matapos ang pag bagsak ng Hathoria, Muling nag balik si Cassiopeia. Ng Tanggalin sakanya ni Emre ang kanyang Sumpa dito, dahil sa Kanyang Paniniwala at patuloy na pag samba sa Bathala kahit ano pa ang ipagawa nya dito.

Dala nito ang isang Balita para sa Hara ng Lireo, na nanggaling pa sa Bathalang Emre.

Sa Punong Bulwagan ng Lireo, Nag tatakang Nakatayo si Amihan sa harapan ng Hara Duri-e, Habang iniintay nuto ang pag balik ni Danaya kasama si Ybrahim na Ipinasundo ni Cassiopeia, mula sa Kaharian ng Sapiro.

"Amihan" Sambit ni Isang tinig dahilan upang mapatingin ito sa Gawi kung saan nag mula ang Tinig, Doon nya nakita ang Kanyang Minamahal na Rehav na Patungo sakanila

"Mabuti at narito na kayong Lahat" Sambit ni Cassiopeia ng Mag tungo si Amihan sa kanyang Trono, "ano't Nais mo kaming makausap Hara Durie?" Nag tatakang Tanong ni Pirena ng Tingnan ng sinaunang diwata si Amihan.

"Nandito ako, Dahil sa utos ni Bathalang Emre mula sa Kahilingan ni Amihan" Sambit ni Cassiopeia ng Mapakunot ang noo ni Amihan.

"Naguguluhan ako sa nais mong iparating Mata" Sambit ni Amihan ng Tingnan sya ng Hara Duri-e. "batid ni Bathalang Emre, na nais nyo ni Ybrahim ng kanyang Basbas, at batid nya din na nais mo nang bumaba sa iyong Posisyon bilang Hara" Paliwanag ni Cassiopeia ng mag katinginan si Amihan At Ybrahim.

"Nandito ako, upang Ibigay sainyo ng Rehav ng Sapiro ang Basbas ko at Ni Emre" Sambit ni Cassiopeia ng Sumingit ang kanyang nakababatang Kapatid sa Usapan.

"Kung baba si amihan bilang Reyna, Ibig sabihin ba nito si Lira na ang Magiging Reyna ng Lireo?" tanong ni Alena ng Umiling si Amihan, "Masyado pang bata ang aking anak at si Mira para sa napakalaking responsibilidad" Sagot ni Amihan ng Mapakunot ang Noo ni Pirena.

"Kung ganon ay Sino?" Takang Tanong ni Pirena, "Si Danaya, Sapagkat Kagaya ng ating Ina May mga katangian din sya ng isang Mabuting Diwata" Sambit ni Amihan ng tingnan ng lahat si Danaya.

"Tatanggapin mo ba ito Danaya?" tanong ni Cassiopeia ng mapatingin ito sa kanyang Kapatid na Hara, "Kapag tinanggap mo ang pagiging Hara, Kalapip nito ang mga Batas na Hindi ka na maaring Umibig sa kahit sino" Sambit ni Alena ng Tumingin ito sa Dating Mashna ng Lireo na Naka tayo habang sinasaksihan ang Pangyayaring ito.

"Kung ito ang Nais ng aking Kapatid na Reyna, Malugod ko itong tatanggapin" Sambit ni Danaya Na hindi Pinapansin ang Pag tingin sa Kanya ng dating Mashna ng Lireo.

"Kung Ganon, Mga Mahal kong, Diwata, Sapirian at Adanyan nais kong makilala nyo ang inyong Bagong Hara" Sambit ni Amihan ng anyayahan nya ang kanyang Kapatid na pumanik sa kanyang Trono.

"Ivo Live Hara Danaya!" Sigaw ng mga Kawal na Diwata, "Ivo Live Hara ng Lireo!" Muling sigaw ng mga Diwata, "Ivo Live!" Sigaw ng Lahat ng mga Nilalang na nasa Kaharian ng Lireo.

_________

Agad na nag tipon tipon ang bawat Encantado sa Punong Bulwagan ng Lireo, ng Ipabalita ng nva Kawal ang Koronasyon ng Bagong Hara.

"Mahal na Sanggre" Sambit ni Aquil ng Matagpuan nya ang kanyang Minamahal na Diwata sa Asotea ng Lireo, "Aquil" Nakangiting Sambit ni Danaya.

"Nandito ako upang mag paalam Danaya" Sambit ni Aquil ng Mapakunot ang noo ni Danaya, "paalam?" Tanong nito ng tumango si Aquil.

"Ngunit bakit ?" Tanong nito ng oilit na ngumiti si Aquil, "sapagkat hindi ko kayang Tingnan ka Araw araw, habang iniisip na Hindi na kita maaring Makasama sapagkat ikaw na ang Hara ng Lireo" Malungkot na sambit ni aquil ng Mapayuko si Danaya.

"Patawarin mo ako Aquil, Kung mas pinili ko ang Lireo kaysa Sa'yo" Sambit ni Danaya ng putulin ni Aquil ang kanyang mga sinasabi, "wala kang dapat ihingi ng gawad Danaya, Sapagkat nauunawaan ko naman na mas mahalaga ang Lireo kaysa sa pag ibig at ayokong sumama ang tingin saiyo ng iyong mga kapatid dahil lamang sa nais mo akong makasama" Sambit ni Aquil ng Tuluyan ng Bumagsak ang mga luha ng dalawa.

"kaya kaysa, Mag kasala pa ako sa batas ng Lireo dahil sa pag ibig ko sayo, mas Pipiliin ko nalang na Lumayo upang kahit sino saatin ay Wala ng masaktan"Sambit ni Aquil ng hawakan ni Danaya ang kamay ni Aquil.

"wag ka ng umalis Aquil, Dito ka nalang" pag mamakaawa ni Danaya ng Yakapin ni Aquil si Danaya, "eto ang mas nakakabuti para satain Danaya" Sambit ni Aquil ng punasan nya ang mga Luha sa mata ni Danaya.

"Avisala Meiste Danaya, E Correi Diu" Huling Sambit ni Aquil ng Halikan nya ang kanyang Minamahal sa labi, bago nya ito tuluyang Iwanan.

"Nauunawaan na kita Amihan, Kung gaano kasakit ang Umibig sa Nilalang na hindi mo kailanman maangkin" buling ni Danaya sa Hangin ng marinig nya ang mga Yabag Patungo sakanya kaya agad agad nyang pinunasan ang kanyang mga Luha.

"Ashti Danaya, Andito na po ang Lahat" Sambit ni Lira saka ngumiti si Danaya, "tayo na Ashti" Sambit ni Mira ng Mauna jtong mag lakad at syang sinundan naman ni Danaya.

__________

Sa Punong Bulwagan, Sa harap ng nga Diwata Sapirian at Adamyan. Pinag mamasdan ni Danaya ang Lahat, maari pa syang tumutol, ngunit hindi nya kaya.

"Pag palain ka nawa ni Emre" Nakangiting Sambit ni Amihan sa kanyang Bunsong Kapatid, Ng umupo it sa Trono ng Reyna.

Unti unting ipinutong ni Hara Durie Cassiopeia ang Korona sa Ulo ni Danaya, Tanda ng kanyang pagiging Reyna.

"Mag Bigay Pugay sa Bagong Hara ng Lireo" Sambit ni Amihan ng Ang lahat ay mag Bigay Pugay sakanya, Agad na tiningnan ni Danaya si Amihan at agad ding nag Bigay Pugay sakanya si Amihan.

"Ivo Live Hara Danaya!"

"Ivo Live"

Ivo Live Hara ng Lireo "

" Ivo Live "

Isang masigabonv palakpakan ang natanggap ni Danaya mula sa Mga Encantadong nasa kanyang Harapan.

"Muste Maste Lireo!"

"Muste Maste Lireo!"

"Ivo Live Encantadia!"

____________________________________

1 more Chapter to go, Kasalanan na ba thiz? Abangan sa susunod na Kabanata Avisa Eshma Mga Magaganda at Guwapong mambabasa, E Correi Diu e Correi!

In the Shadows of Crowns ang Pag tatapos

In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon