"Mag Pahinga na kayo" utos ni Amihan, Sa Dalawang Encantado ng Mapansin nya na gising pa ang mga Ito. "Masusunod mahal na Reyna" Sambit ni Wahid ng mag bigay sila ng Pugay bago Nag tungo sa Ginawa nilang Matutulugan.
Nanatilinv gising Si Amihan sa Labas ng tulugan ng Tatlo, Upang Bantayan sila lalo na't hindi pa den Sigurado anv kanilang Kaligtasan sa lugar na ito.
"Inay, Bakit gising pa po kayo?" Tanong ni Lira ng lumabas ito sa Tulugan nila. "Hindi ba dapat ako ang mag Tanong nyan, Bakit Gising kapa malayo pa ang ating lalakbayin" Sambit ni Amihan ng tumbi sa kanya ang Kanyang Anak.
"Hindi po ako makatulog eh" pag dadahilan nito sa Kanyang Ina. "Mga Diwata" Sambit ng isang Matandang Encantado ng lapitan sila nito.
"Isa akong Mangagawa sa Encantadia, At kanina pako nag tatrabaho ngunit gutom at uhaw na uhaw nako" Sambit nito sakanila ng Agad na Kinuha ni Lira ang Kanilang mga Pag kain at inumin.
"Eto po, Kain po kayo" Alok ni Lira dahilan upang mapatingin ang Kanyang Ina sakanya. "S-sigurado ka, parang ito na ang huling pag kain nyo" Paninigurado ng Encantado ng Ngumiti si Lira. "Pwede naman po kaming Manguha nalang ng Pagkain sa Kakahuyan" Sambit ni Amihan sa Encantado.
"Kunin nyo na po ito" Sambit ni Lira nv mapangiti sa Tuwa ang Encantado. "Avisala Eshma Sa inyong Dalawa, May makakain naako" Masayang saad nito dahilan upang mapangisi ang Mag ina.
Agad na Tiningnan ng Encantado ang daladala nyang Lalagyan at kinuha dito ang isang Maliit na pigurin, na Mukhang Sasakyang pang himpapawid.
"Tanggapin nyo ito bilang gantimpala sa inyong Kabusilakan ng puso" Sambit ng Matandang Encantado habang inaabot sakanila ang Pigurin. "Hindi po kami humihingi ng Kapalit" Sambit ni Lira sa Encantado.
"Tanggapin nyo na ito, eto lang ang maibibigay ko sainyo. Ako mismo ang gumawa nito" Pag pupumilit ng Encantado ng tingnan ni Lira ang kanyang Ina. "Tanggapin mo na Lira" Sambit nito ng ibalik nya ang tingin sa Encantado.
"Avisala Eshma" Sambit ni Lira nv tanggapin nya ang Pigurin ng Sasakyang Pang himpapawid. "Mauuna na ako" Sambit nito ng agad syang Tumango.
"Nay nakangiti kananaman" Sambit ni lira nv makita nitong Nakangiti si Amihan habang Nakatingin sakanya. "Natutuwa lamang ako, na hindi nawawala saiyong Puso ang Tumulong sa kahit anong sitwasyon, Tunay nga na dapat kang maging Reyna" Sambit nito sakanyang Anak, ng maglakad sila pabalik sa Inuupuan nila kaninang mga Kahoy.
"Kanino pa po ba ako mag mamana, Edi Sayo at kay Rehav Ybrahim" Nakangiting Sambit nito dahilan para mapangiti si Amihan. "At tunay nga na Dumadaloy saiyo ang Dugo ni Minea at Raquim" Sambit ni Amihan na ikinakunot ng noo ng Diwani.
"Pamilyar po ang Ngalan nila, pero sino po sila?" Nag tatakang Tanong ni Lira ng nag simula si Amihan sa pag susuklay sa Buhok ng Diwani. "Si Minea ang Dating Hara ng Lireo, at si Raquim na Dating Rehav ng Sapiro sila ang aking mga Magulang kapwa sila matatapang at Busilak ang Puso, kagaya mo" Sambit ni Amihan tumingin sakanya ang kanyang Anak.
"At Wala na po sila?" Tanong nito ng Tumango si Amihan, "Bata Palang ako ng Mapaslang ni Hagorn ang aking Ama, At Namatay naman si Ina bago kita ipanganak" kita sa mukha ni Amihan ang pangungulila ni Amihan sa kanyang mga Magulang, at Batid ni Lira na Nasasaktan ang kanyang ina ng Ikwento nya ang Tungkol sa mga Ito.
"Wag po kayong mag alala Inay, Sigurado po akong Binabantayan po kayo lagi ng mga Magulang Nyo" Sambit ni Lira ng Yakapin nya si Amihan.
"E Correi Diu lira" Sambit ni Amihan Ngunit wala pa ding Sagot ang kanyang Anak na si Lira. "Kung sana ay Kaya mo ng ibalik saakin ang Salitang yan Lira" Sambit ni Amihan sa kanyang Sarili habang pinag mamasdan ang kanyang Anak na Nakayakap lamang sakanya.
"Mag pahing kana Lira, Hahanap ako ng makakain natin patungo sa Devas" Sambit ni Amihan ng Mag hiwalay sila mula sa kanilang pag makayakap. "Sige po Nay" Sambit ni Lira ng Mapansin nilang Dalawa ang Pag ilaw ng Pigurin na Binigay sakanila ng Matandang Encantado.
Agad na nahagis ni Lira anv Pigurin sa Lupain, sa takot na kung anong mangyayari dito. At laking gilat ng mag ina Ng makita nila kung anong nangyari.
Ang isang Maliit na Pigurin ay naging isang Tunay na Sasakyang pang himpapawid, Na punong puno ng mga Pagkain, at Inumin na kanilang magagamit sa pag lalakbay.
"Mahabaging Emre" Gulat na Sambit ni Amihan habang pinag mamasdan ito. "Avisala Eshma Emre" Sambit ni Amihan sa kanyang Sarili hbang ito ay Nakatingin sa kalangitan.
"Nay makakapunta na po tayo nv Devas!" Masayang Sambit ni Lira at muling niyakap ang Kanyang Ina. "Kaya mag pahinga kana Lira, Dahil litaw ng Araw tayo ay nagsimulang Mag lakbay" Sambit ni Amihan sa Kanyang Anak.
_____
"Mahal na Emre, Bakit hindi mo nalamang ibigay ang kunas na Ninanais ng aking Pinsan?" Nag tatakang Tanong ni Kahlil habang pinapanood nila ang mga Kaganapan sa Lupain ng Encantadia.
"Sapagkat hindi lahat ng bagay ay nabibigay agad agad, Mas masayang ipag diwang ang iyong nakamtam kung ito ay iyong pinag hirapan" Sambit ni Emre sa Ivtre ng Diwan.
"Ngunit sigurado akong, dahil sa Kabusilakan ng Puso ni Lira Mapag tagumpayan nya ang lahat ng pag subok na ihahanda sakanya" Muling Sambit nito habang pinapanood ang mga Nangyayari sa Encantadia.
"Ngunit bakit ganon Mahal na Emre, Bakit kung kailan mag kakasama na ang Ashti Amihan at si Lira, Doon pa Mawawala ang Hara?" Tanong ni Kahlil sa Bathala.
"Kahlil, mag mula ng ipanganak si Amihan ay nakaguhit na sakanyang Palad ang Kanyang Kapalaran. At kung ang Kapalaran nya at ni Lira ay ang maikli nilang pagsasama wala naakong Magagawa pa" Paliwanag ni Emre ng Tingnan ni Kahlil ang kanyang Pinsan na may Awa sa kanyang Mata.
"Huwag kang mag alala Kahlil, Sapagkat sigurado akong mag dudulot ng Maganda ang Gagawin ni Amihan" Sambit ni Emre kay Kahlil, Ilang araw na din ang nakalipas ng Ipakita ni Emre kay Kahlil ang nakatakdang Mangyayari sa Hara ng Lireo.
Naawa man sya para sa kanyang Aldo at Pinsan, pati sa kanyang mga Ashti ay wala syang magagawa. Sapagkat iti na ang tinakda para sa kanyang Ashti Amihan.
______________________________________
Makakapunta na sila sa Devas!! Makuha na kaya nila ang Lunas sa Sumpa ni Ether at Alena? Abangan sa susunod na Kabanata.
So eto late ulet ang Update, Dapat talaga 12am to pero ngayon lang ako natapos sa Assignment Ko HAHAHA, And baka ma late din ako sa pag uupdate ng mga susunod na kabanata since ang daming school works.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan