Kabanata 70: Pag iisang Dibdib

390 12 9
                                    

Ilang araw din ang naka raan, Sa Dalampasigan ng Sapiro. Matapos tuluyang maisaayos ng mga Sapirian ang Sapiro Katulong ng nga Diwata.

Gaganapin ang Pinaka iintay na Pag iisang Dibdib ng Hara ng Lireo at Rehav ng Sapiro. Matapos ang mahabang Panahong pag iintay sa Isat isa.

"Inay, Handa na po ba kayo?" Tanong ni Lira habang inaayos nito ang Buhok ng Kanyang Ina. "Oo Lira" Maiksing Sagot nito ng Hawakan ni Lira ang Kamay ng Kanyang Ina.

"Masaya Ako para sainyo ni Itay" Sambit ni Lira habang nakaluhod ito sa kanyang Ina. "Ako Den Ina, Sana ay Ito na ang simula ng Kapayapaan sa Encantadia" Dugtong ni Mira Na humarap din sa kanyang Ina inahan.

"Ehem, maari ba naming maka Sarili ang aming Kapatid mga Diwani" Pag singit ni Alena ng Dumating ito sa Silid na tinutuluyan ni Amihan sa Sapiro.

"Maiwan po muna namin kayo" Sambit ni Lira ng Yakapin sila ni Mira ng Kanilang Ina. "See you sa Labas Nay" Sambit ni Lira bago lumisan ang Dalawang Diwani.

"Kamukang kamuka mo ang Ating Ina, Edea" Sambit ni Alena ng Lumapit ito sa Kanyang Nakatatandang Kapatid. "Syang Tunay, Napaka ganda mo" dugtong ni Danaya, "Masaya Kami para sayo Amihan" Sambit ni Pirena ng Yakapin nila si Amihan.

"Kung nandito lang sana si Ina" Wika ni Amihan ng Mapansin nito ang pag babago sa Emosyon ng Kanilang pinakamatandang kapatid.

"Pirena, Napatawad Kana ng ating Ina" Sambit ni Danaya ng hawakan nito ang kamay ng Kanyang Apwe.

"E Correi diu aking nga Edea" Nakangiting Sambit ni Amihan Saka nila Niyakap ang Isat Isa.

__________

"Napa Kisig mo ng Tingnan mahal na Rehav" Sambit ni Wantuk habang inaayos nito ang kanyang Kasuotan. "Avisala Eshma Kaibigan" Sambit Ni Ybrahim sa kanyang Kaibigan, ng Dumating si Lilasari kasama ang kanilang mga Kasamahan.

"Mabuti at pinaunlakan nyo ang Imbitasyon namin Lilasari" Sambit ni Ybrahim ng Makita nito ang mga Babaeng Galing sa Carsero.

"Sapagkat, May Kailangan din kami sa Kapatid ng Hara Amihan Kaya nag tungo kami" Sambit ni Lilasari ng mapagtanto ni Ybrahim ang sinasabi ni Lilasari.

"Si Deshna?" Agad na tumango si Lilasari, "Hahanapin ko si Alena, Upang Sabihin sakanya ang iying nais" Sambit ni Ybrahim na ikinatuwa ni Lilasari.

"Avisala Eshma Mahal na Rehav, Masaya kami para sainyo ni Sanggre Amihan" Sambit ni Lilasari bago nito lisanin ang kinaroonan ng Rehav.

"Ang Pogi naman ng Tatay ko" Nakangiting Sambit ni Lira ng Dumating ang mga ito kasama ang kanyang Pinsan. "Kay kisig nyong tingnan Aldo" Sambit ni Mira Dahilan para mapangiti Si Ybrahim.

"Avisala Eshma mga Anak ko" Sambit ni Ybrahim ng tingnan nya ang kanyang panganay, "sya nga pala Lira, May surpresa kami ng iying Ina saiyo" Sambit ni Ybrahim ng ituro nito ang isang Pintuan ng Sapirong Nag bukas.

Iniluwa nito sina Aliana, Amila, Celeste at Yolanda kasama si Enuo at Rael.

"Tita Tito!" Tili ni Lira at agad na tumakbo patungo sa Kanyang Ina-inahan at mga Tita at Tito.

"Do you remember Us Lira?" Tanong ni Rael na ikinatawa ng Diwani, "Grabe kana Tito Rael lumelevel up na English natin ah" Pag bibiro ni Lira ng Lumapit naman si Mira at Ybrahim Sakanila.

"Avisala, Masaya po akong makita kayong Muli" Nakangiting Sambit ni Mira habang Nakatingin sa mga Sapirian. "Tunay ngang napakalaki ng Kaharian ng Sapiro hindi ba?" Sambit ni Enuo ha ang nililibot nya ang kanyang Paningin sa Paligid.

"Syang Tunay Enuo" Sambit ni Ybrahim, "Kamusta Kana Mahal ko?" Tanong ni Aliana sa kanyang Anak anakan.

"Maayos naman po Tita, wala na din pong memory Gap" Natatawang Sambit ni Lira habang inaalala ang Huling pag kikita nila.

In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon