Ilang araw Matapos makoronahan si Amihan, Nag sipag handa ang bawag sandatahan ng Lireo sakaling sumalakay ang Kaharian ng Hathoria.
Pagsapit ng Gabi kung saan ang bawat nilalang sa Encantadia ay namamahinga na. Pa sikretong dinadalaw ni Amihan ang kanyang minamahal sa Sapiro.
Alam ni Amihan na Bawal ang kanyang Nararamdaman, ngunit Hindi nya mapigilan ang kanyang Nararamdaman sa tuwing naiisip nya si Ybrahim.
Amihan's P. O. V .
Kababalik ko lamang sa Lireo, ng Mapansin ko ang aking mga kapatid na nakamasid sa asotea ng Palasyo, "Anong pinagmamasdan nyo dyan?" Tanong ko, kaya't agad dilang napalingon. "Inaabangan namin ang sensyales ng mga Lambana" Sagot ni Alena at ibinalik ang kanyang tingin sa kalangitan.
Noong bata pa ako akala ko ay madali ang pagiging reyna, inasam kong maging Reyna Upang Mapag higanti ko ang pagkawala ni Ama. Ngunit Ngayon tila Naging Reyna ako upang ibalik sa Kaayusan ang Encantadia.
Noong isang gabi, nakausap ko si Ina sa kanyang Silid. Sinabi ko sakanya na Kunglalabanan ako ni Pirena ay maaring masaktan ko sya. Ngunit hindi nais ng aking ina ang mag sakitan kami ni Pirena ang nais nya ay mag kaayos kami.
"Dumating na ang Tanda" Rinig kong Sambit ni nunong imaw, kung kaya't dali dali akong nag tungo sa Asotea kung saan nakita ko ang Sensyales na Ginawa ngmga Lambana.
"Mag handa ang mga kawal salubungin ang mga Vedalhe sa Dalampasigan" Utos ko kaya agad agad na umalis ang mga Kawal. "Nunong Imaw Nais kong humingi ng Basbas na Mapag tagumpayan namin ang Laban na Ito" Nakaluhod kong Saad saka nag salita si nunong imaw
End of P. O . V.
"Ilabas nyo ang Brilyante nyo" wika ni Imaw saka itinaas ang kanyang Tungkod. Gamit ang kanilang mga Brilyante, Nag Palit ang kanilang mga kanilang karaniwang kasuotan sa Mga Kalasag na kanilang panlaban.
Hathoria
Patungo na sa Lireo ang mga Kawal ng Hathoria ng sumenyas ng pag tigil si Hagorn. Tumingin ito kay Pirena atnilabas ang Brilyante ng Apoy.
"Ipag kakaloob mo sakin ito?" Nag tatakang tanong ni Pirena lalo na't hindi pa nya gamay ang oag gamit ng Brilyanteng ito."Mas ligtas saiyo ang Brilyanteng iyan, sapagkat alam king hindi ka sasaktan ng iyong mga kapatid" Sagot ni Hagorn kung kayat tinanggap nya ang Brilyante mula sa Hari ng Hathoria.
"Ybrahim!" hinihingal na sambit ni Wantuk, Ng Kanyang puntahan ang kanyang kaibigan sa Sapiro. "Ano ang iyong kailangan Wantuk?" tanong nito sa Kanyang kaibigan.
"Sumugod na ang Hathoria sa Lireo, Nasa Dalampasigan ngayon ang dalawang Kaharian" Sambit ni Wantuk Kung kayat dali daling kinuha ni Ybrahim ang kanyang Kalasag angagadna nagtungo sa Dalampasigan.
Sa Dalampasigan nagaganap ang Labanan sa pagitan ng Lireo at Hathoria, Kung sa Kapangyarihan ang magiging basehan ay tila nga talo na Ang Hathoria, Ngunit Tila hindi pa den ito nag papatalo sa Lireo.
"Hagorn" Sambit ni Amihan habang nakatutok sa Leeg ng Hari ng Hathoria ang kanyang Sandata, "Nakikilala ko ang sandata mo" Nakangising sambit ni Hagorn, "Sapagkat sandata ito ng aking ama, at gagamitin ko ito upang paslangin ka Pashnea!" sigawni Amihan sabay Sugod kay Hagorn.
"anak ka nga ni Raquim parehas kayong mahina" Natatawang saad ni Hagorn ng Biglang saksakin ni Pirena si Amihan. "Kaawa awang hara ng Lireo" Sambit ni Pirena ng Bumagsak sa kanyang tuhod si Amihan. "kaawa awang lireo, sapagkat mawawalan agad kayo ng Reyna" akmang sasaksakin na ni Pirena si Amihan ng bigla silang Tamaan ng paputok mula sa Armas ni Ybrahim.
"Dumating na pala ang tagapag ligtas ng reyna" Sambit ni Hagorn ng lapitan ni Ybrahim si Amihan. "Mga Pashnea!" sigaw ni Ybrahim sa dalawa.
"Napakadami ng sugatang mga Kawal" Sambit ni Danaya ng pumasok sa isipan ni Alena ang isang solusyon,"ako ng bahala dito" Sambit ni Alena ang kanyang Ilabas ang Brilyante ng Tubig.
"Brilyante ng Tubig inuutusan kitng gumawa ng isang nakalaking alon na makakapag pabagsak sa aming mgaKalaban" Sigaw ni Alena habang nabubuo sa Karagatan ang isang napakalaking alon.
Agad itong napansin ngmga Hathor kung kaya't agad itong naglayasan, kung kayat Hindi na sinaktan pa nila pirena at Hagorn si Amihan. Nilingon ni Amihan ang mga nang yayari at napag tanto nya ang ginagawang mahika ni Alena. "Alena Itigil mona yan!" sigaw ni Amihan kung kaya't natauhan si Alena.
"Ayos kalang ba Mahal ko?" Bulong ni Ybrahim sa Hara na Nakaluhod pa din ngayon sa buhangin, "Ybrahim napaka daming nasaktan at nawalan ng buhay dahil sa Sigalot naming mag kakapatid" Naiiyak na Sambit ni Amihan, Kung kayat hinawakan ni Ybrahim ang nga Pisngi ni amihan.
"Hindi mo kasalanan ang mga nangyayari Amihan" Bulong ni Ybrahim, "Avisala Eshma at dumating ka Ybrahim" bulong ni Amihan habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ni Ybrahim. "Hindi na kita muling iiwan Amihan" Bulong ni Ybrahim ng mawalan ng makay si Amihan dala ng kanyang nga Sugat."Pirena" bulong ng Hanging kung kaya't napalingon si Pirena habang nag lalakad patungong Hathoria. "Pirena, Itigil mo na ito parang awa mo na" Bulong muli ng hangin na napag tanto ni Pirena na ito ay ang kanyang ina. "hindi ako titigil ina Hanggat hindi ko nababawi ang Oinag kait nyo sakin" malamig na sagot ni Pirena at hindi na pinansin ang mga naririnig nya sa kanyang Paligid.
"Anong nangyare sa aning kapatid?" Nagaalalang tanong ni Alena na ng nakita nila si Ybrahim na buhatang walang malay na si Amihan. "Malalim na ang mga sugat na natamo ni amihan mula kay Pirena" Sagot ni Ybrahim kung kayat lalong nag alala si Alena, "Tayo nat bunalik ng Lireo" Sambit ni Danayaatnag Ivictus patungong Lireo.
Agad na dinala ni Ybrahim si Amihan sa kanyang Silid, At doon ginamit ni Danaya ang kanyang Brilyante upang pagalingin si Amihan. "Sino ang may gawa nyang kay Amihan?" nag aalalang tanong ni minea ng makita nyang walang malay si Amihan.
"Si Edea Pirena Ina" Nakatunging sagot ni Alena, kung kaya't naalala ni Minea ang Usapan nila ni Amihan bago ang labanan.
"Maayos na ang kalagayan nya ina, mabuti at natagpuan agad sya ni Ybrahim, Kailangan nya na lamang ng Pahinga" Paliwanag ni Danaya ngunit nanatili si Ybrahim sa Silid ni Amihan upang bantayan ito.
"Avisala Eshma Ybrahim, At niligtas mo ang buhay ng Aking Anak" Smabit ni Minea sa Rehav, "Walang anuman Hara, Kahit sino naman ay gagawin yon" sagot ni Ybrahim sa reyna ng Mga Diwata.Hindi iniwan ni Ybrahim si Amihan, habang wala itjng malay. Iniintay nya nag mag bukas ang nga nito, Nangako syang di nya ito iiwan Ngunit alam nilang dalawa Na hindi ito maaari
Makalipas ang Ilang Araw ay nakabantay pa rin si Ybrahim, Sa Kanyang minamahal na mag mulat. Halos hindi na ito matulog basta'y makita nya itong mag mulat.
____________________________________
Avisala mga Warka, De joke Lang. Kamusta kayo, Salamat sa pag babasa ng Kabanatang ito sana ay nagustuhan nyo, Sana ay ivote follow and comment naman kayo kung ano ang magaganap sa nga susunod na Kabanata.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasíaYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan