"Ybrahim?" bulong ni Amihan ng makita nyang nakahiga si Ybrahim sa kanyang Kama, naka Pwesto ito sa Dulo ng kama, habang ang kamay bito ay Nakahawak sa kamay ni Amihan.
Hindi gaanong naalala ni Amihan ang mga Nangyari, Ngunit naalala nya kung anong ginawa sakanya ng kanyang kapatid na si Pirena.Kaya laking gulat nalang nya ng makita nya si Ybrahim sa Tabi nya. "Ybrahim" Muling Sambit nito, ng tuluyan ng magising si Ybrahim. "Amihan Gising kana" Dali daling bangon ni Ybrahim ng makita si Amihan na gising na.
"Kamusta ang iyong pakiramdam" Tanong ni Ybrahim, habang hawak hawak nito ang kanyang mga kamay, "maayos naman Ybrahim, Salamat sa iyong pag aalala" Sagot nito ng bawiin nya ang kanyang kamay kay Ybrahim.
"Bakit narito kapa sa Palasyo? Hindi ba dapat nasa Sapiro kana ngayon?" Tanong ni Amihan sa Rehav, Noong maging Reyna si Amihan na pag kasunduan ng Dalawa na hindi na muna mag kita upang hindi na rin nika saktan pa ang nararamdaman ng Isat Isa.
"Nais ko lamang siguraduhin na maayos ang lagay mo bago ako umalis" Sambit ni Ybrahim, At tumayo mula sa Higaan ni Amihan. "Ibabalita ko na muna sa Iyong Ina at mga Kapatid na nag mulat kana" Malamig na Sambit ni Ybrahim, At iniwan si Amihan sa Kanyang Silid.
Isang malalim ng buntong hininga ang iniwan ni Amihan, ng unti unting Lumayo si Ybrahim Sakanya. "ito ang dapat mangyari Amihan, Hindi sya mapapasaiyo tandaan mo yan" Sambit ni Amihan sa kanyang sarili ng tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Dahil sa Nangyari kay Hara Amihan, napag usapan namin ng konseho na dapat ng mag karoon ng Tagapagmana ang trono ng lireo para kung may mangyari man sa ating reyna ay mayroon na syang tagapagmana" Sambit ng isa Sa mga Konseho sa kanilang pag pupulong kasama ang dating Reyna. "Yan din ang Naiisipnko Hara Durie" Sago ni Imaw ng tumayo si Minea sa kanyang trono. "Sumasang ayon ako sainyo, kung kaya't nais kong ipatawag nyo ang mga babailan upang humingi ng sagot mula sa ating bathala" Sagot ni Minea, at nag bigay ougay ang mga Konseho bago umalis ang mga ito.
"Hara Durie" pag bibigay pugay ni Ybrahim kay minea ng dumating ito sa Punong bulwagan. "Nais kong ipag batid saiyo na mag ka malay na si Amihan" Sambit ni Ybrahim sabay Dating naman ni Alena at Danaya. "Syang tunay Ybrahim? Gising na si Amihan?" Nanabik na tanong ni Alena at tumango nman ni Ybrahim ng tumakbo papunta sa Silid ni Amihan ang nag kapatid.
"Maraming Salamat Ybrahim at palagi kang nariyan para sa aking anak" Sambit ni Minea ng bumaba ito mula sa kanyang Trono, "ngunit may nais akong hilingin saiyo" dag dag nito sa Kanyang sinabi, "Ano iyon Hara?" tanong Ni Ybrahim sa Dating reyna.
"Nais kong layuan mo Muna si Amihan" Sambit ni Minea, na ikinagulat ni Ybrahim. "Sa mga Oras na ito ay maaring nag darasal na ang mga Babailan upang, mahanap ang nararapat na maging Ama ng magiging Tagapagmana ng Lireo" Sambit ni Minea saka bumuntong hininga. "Alam kong may pag tatangi kayo ni Amihan sa Isat isa simula pa noon, At ayokong maging dahilan iyon ng pag tanggi ni Amihan na mag karoon ng anak sa ibang lalaki" Paliwanag ni Mineral at agad namang yumuko si Ybrahim.
"Ayokong saktan ang damdamin nyong dalawa, Ngunit alam mo na kailanman ay hindi maaring mag mahal ang reyna ng Lireo"dagdag pa nito, saka binalik ni Ybrahim ang tingin sa Reyna. "Nauunawaan ko Mahal na Hara, kaya nais ko sanang mag paalam na Akoy Tuluyan ng Aalis ng Lireo upang ibangon muli ang Kaharian ng Aking Ama" Sagot ni Ybrahim kay Minea.
"ibinibigay ko sayo ang aking buong basbas Ybrahim, Nawa ay mapaunlad mo ang Kaharian ng Sapiro" Sambit ni Minea , Saka nag bigay pugay si Ybrahim at Umalis. Hindi na ito nag paalam pa kay Amihan, Lalot alam nyang nilalayo na ni amihan ag kanyang sarili kay Ybrahim.
"Amihan, totoo nga ang sinabi ni Ybrahim gising kana" masayang sambit ni Alena at agad agad na niyakapt ito. "Kamusta ang iyong pakiramdam Hara Amihan?" tanong ni Danaya sa Kanyang kapatid. "Maayos naman Danaya, Salamat sa iyo nabanggit saakin ni Nunong Imaw na ikaw daw ang nag pagaling saakin" Sagot ni Amihan saka niyakap ang bunsong kapatid.
"Avisala Mga mahal na Sanggre, Mahal na Reyna" Sambit ni Muros saka nag bigay pugay sa Mag kakapatid. "Avisala Muros" Sambit ni Amihan, "may kailangan kaba Muros?" tanong ni Danaya sa Ikalawang hafte ng Lireo."Pinapatawag kayong mag kakapatid ng inyong Ina Hara Amihan" Sagot ni Muros sa Kanyang Reyna. At agad namang nag tungo ang taylo sa Punong bulwagan kung nasaan si Minea.
"Avisala Ina" Sambit ng Tatlo saka umupo sa tabi ng Trono kung saan nakaupo si Minea. "Masaya akong Makitang maayos kana Amihan" naka ngiting sambit ni Minea habang hawak hawak ang mga kamay ni Amihan.
(Flashback)
Sa dasalan sa Lireo, Sampung mga Babailan ang nakaluhod at nag dadasal Sa harap ng Rebulto ni Bathalang Emre ng Dumating si Gurna doon. "Nunong Imaw anong ginagawa ng mga babailan, Bakit sila nag darasal?" tanong ni Gurna sa Adamya habang pinapanood ang mga babailan.
"Nagdarasal ang mga babailan, mula sa Kahilingan ni Hara Durie Minea, upang Mahanap ang karapatdapat na Magiging ama ng Anak ng ating Hara Amihan" Sagot ni Imaw sa Dama at ibinalik ang tingin sa Rebulto ng Bathala. Ng biglang mag Ilaw ang mga Kamay ng Rebulto at doon lumabas ang Isang puting paru paro. "Ibinigay na ni Emre ang kanyang basbas nakahanap na ng karapatdapat na lalaki ang Bathalang Emre.
Nakahiga si Ybrahim sa Puno tabi ng Batiskung saan araw araw silang lumalagi ni Amihan noon. Sa kanyang pag papahinga isang Puting paru paro ang Dumapo Sakanya, Hinayaan nya lamang ito ng Mapansin nyang hindi ito nag iisa sapagkat napakarami nyang kasamang paru paro nag kataon lamang na kakaiba ang Itsura at kulay ng dumapo Sakanya.
(End of Flashback)
"Bakit mo kami ipinatawag ina?" Tanong ni Alena sa Kanilanv Ina, saka nito binitawan ang kamay ng Anak. "Sa tulong ni Imaw at ng Mga Babailan ay nahanap na nito ang lalaking karapatdapat na maging Ama ng magiging anak ni Amihan" Masayang balita ni Minea sa kanyang mga Anak, At kita naman sa mga Ekspresyon nito ang gulat at Saya mula sa kanilang narinig.
"ama ng aking magiging Anak?"gulat na tanong Amihan, "Oo Amihan, Napag tanto namin ng Konseho na kailangan na ma protektahan ang trono ng Lireo kung saka sakali mang may mangyaring masama saiyo.
"Isang napaka buting balita nito Ina" Natutuwang Sambit ni Alena saka Hinawakan ang mga Kamay ni Amihan, "Nasaan si Ybrahim Ina? Maari ko ba suang makausap?" Tanong ni Amihan kung kaya't nag bago ang Ekspresyon ng kanilang Ina.
"Umalis na si Ybrahim Amihan, ang sabi nya ay Sa Sapiro na sya permanenteng manunuluyan" Sambit ni Minea kung kaya't nag bago ang Ekspresyon ni Amihan. "hindi mo ba alam na Aalis na sha Sa Lireo Amihan?" tanong ni Danaya sa kanyang kapatid, ngunit Nakatingin lamang ito sa kanyang ina. "ang akala ko'y panandalian lamang ang pananatili nya sa Sapiro hanggat hindi nya pa ito tuluyang napapabangon?" tanong ni Amihan sa kanyang ina ngunit hindi na ito pinansin ni Minea, "Respetuhin nalang natin ang desisyon nya Amihan, ang sabi nya ay nais nyang pag tuunan ito ng pansin" Sambit ni Minea, At kita sa Ekspresyon ni Amihan na tila nag aalala at nalulungkot mula sa mga balitang kanyang Narinig.
____________________________________
Ano na mangyayari sa Ybramihan? Tuluyan na ba nilang kakalimutan ang Isat isa? Ano kaya ang susunod na mga hakbang ng Hathoria laban sa Lireo Abangan yan sa susunod na Kabanata ng Aking Libro Avisala Eshma sa pag babasa.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan