Tahimik na pinag mamasdan ni Lira ang Dalawang Buwan sa Kalangitan ng Lireo. Kay Gandag masdan nito, na Tila ba Iisang Buwan lang sila na Nahahati.
Kagaya ng nararamdaman nya ngayon. Alam ni Lira na ikagagalit ng kanyang mga Magulang kapag Tinulungan ang Kanyang Ashti Pirena.
Pero gaya ng kanyang Ila Minea, Ayaw nya itong sukuan. Dahil naniniwala sya na maari pang mag bago ito, at hindi ito mangyayari kung wala syang gagawin.
"Mahal na Diwani, Andito ka lang pala" Sambit ni Muros ng makita nito ang Diwani na mag isa sa Asotea.
"Muros ikaw lang pala" Sambit nito ng ibalik nya ang tingin sa Kalangitan. "Ano't Nandito ka mag isa Diwani?" Tanong nit ng Mapansin nya ang Malungkot na Ekspresyon sa muka ng Paslit.
"May Iniisip lang" Maiklinv sagot nito, "ang Binatang Ligaw ba na si Niccolo ang iniisip mo?" Tanong ni Muros nv Mapakunot ng noo si Lira.
"Bakit ko naman iisipin si Niccolo?" Natatawang Tanong ni Lira, "hindi ba't may pag tingin kayo sa Isat Isa?" Nag tatakang Tanong ni Muros sa Diwani.
"Huh W-wala ah" Sambit ni Lira ng tingnan sya ng Bagong Mashna. "Mahal na Diwani hindi kailangan ipag kaila ang iyong nararamdaman sapagkat nauunawaan ko ang nararamdaman mo" Sambit ni Muros ng tingnan sya ng diwani.
"Aaminin ko Muros, may gusto ako kay Niccolo Dati pa, Pero alam kong may Gusto sya kay Calista kasi sino ba naman kasing hindi mag kakagusto kay Cali, Maganda, Matalino, Matapang, Hindi Lampa" Malungkot na Nakangiti si Lira Habang Pinag mamasdan ang Buwan.
"Ngunit, Alam mong may pag tatangi sya Sa'yo nung Nandito sila sa Encantadia, bakit di mo pa den sinabi ang nararamdaman mo?" Tanong ni Muros.
"Ano bang mapapala ko don Muros, hinahanda nako nina Inay at Ashti Danaya Bilang susnod na Reyna ng Lireo, at pag nangyaring ako na ang maging Reyna Hindi ko na din naman Makakasama si Niccolo, Dahil hindi maaring Mag mahal ang Reyna, Lalo na't Tao sya" Pinunasan ni Lira ang mga Luhang Tumutulo sa kanyang Mata.
Hindi naman si Niccolo ang iniisip nya kanina, Ngunit Dahil sa Sinambit ni Muros. Naalala nya ang mga Panahon kung saan, lagi syang nag seselos sa Tuwing nakikita nyang mas malapit sa Isat Isa si Calista at Niccolo.
"Tsaka Isa pa, matagal ko na syang binura sa aking puso si Niccolo ay aking kaibigan at hi di na iyong mag babago" Malungkot na Sambit ni Lira.
"Tsaka Di naman si Niccolo iniisip ko eh" Natatawang Sambit ni Lira ng maalala nya ang tunay nyang Problema.
"Ano ba iyon mahal na Sanggre? Baka may maitulong kami?" Tanong ni Muros ng Umiling si Lira. "Di na kailangan Mashna Muros kaya ko na to solusyonan" Nakangiting Sambit ni Lira.
"Sya nga pala Bakit mo ako hinahanap?" pag iiba ni Lira ng Usapan. "Hinahanap ka ng iyong Ina at nga Ashti" Sambit ni Muros nv tumango si Lira.
"Pakisabi masama yung Pakiramdam ko, Babalik na ko sa Silid ko, At Nais ko munang mapag isa" Sambit ni Lira ng Tumango si Muros at iniwan si Lira.
"Para sa Encantadia" bulong ni Lira saka Lumisan Gamit Ang kanyang Ivictus.
________
"Muros, nahanap mo na ba si Lira?" Nag tatakang Tanong ni Amihan ng Tumango ang Mashna. "Nasaan sya?" Tanong ni Mira ng makita nyang hindi naman nito kasunod ang kanyang Pinsan.
"Ang sabi nya ay masama daw ang kanyang Pakiramdam at mag papahinga daw muna sya Mahal na Reyna" Sambit ni Muros ng Mapakunot ang noo ni Amihan.
"Bakit may sakit ba sya?" Nag aalalang tanong ni Amihan ng umiling ang Mashna. "Wala mahal na Reyna, Ngunit malalim ang kanyang Iniisip at nais nya daw munang mapag isa" Sagot ni Muros ng mapaisip si Amihan.
"Ano't nais mapag isa ng Diwani?" Nag tatakang Tanong ni Danaya, "hayaan na muna natin si Lira baka nais nyang mag pahinga" Sambit ni Alena na Sinangayunan ng mga Diwata.
_______
Sa Labas ng Hathoria kung nasaan nag papahinga si Gurna sa pag hahanap sa anak ni Hagorn dumating si Lira. Natagpuan nya itong nakaupo sa Isang malaking Bato habang nakapikit ang Mata.
"Psst Gising" Sambit ni Lira habang nakatutok sakanya ang Ang Kanyang Avatar. "Lira anong ginagawa mo diti?" Gulat na Tanong ni Gurna ng makita nya ang Diwani sa kanyang Harapan.
"Bigay mo sakin ang Liham ni Reyna Minea" Utos ni Lira na tila ba hindi natatakot sakanya kahit sa kaloob looban nya ay takit na takot na sya.
"Anong liham ang sinasabi mo Lira?" Pag mamaang maangan ni Gurna, "wag ka ng mag palusot, Alam ko yung tungkol sa tinago mong liham, Kung hindi mo bibigay sakin yon Tutuluyan na Kita" Pananakot nj Lira sa Hathor.
"Sige sige, Dadalhin kita sa liham na sinasabi mo" Sambit ni Gurna, Ng mauna itong Mag lakad sa Diwani patungo sa Isang Mabatong Lugar.
"Nasaan yung liham?" Tanong ni Lira ng Kunin ni Gurna sa isang Ilalim ng Bato ang Liham, at inabot kay Lira.
"Thank you so Much" Nakangiting Sambit ni Lira ng Umalis ito gamit ang Ivictus. "Bakit parang naisahan nya ako?" Tanong ni Gyrna sa Sarili ng maalala nyang hindi kayang manakit ng Paslit na iyon.
________
"Finally Nakuha ka den" Sambit ni Lira ng Dumating ito sa kanyang Silid sa Lireo, ng marinig nya ang pag bukas ng Pintuan ng silid nya.
Agad agad na Tinago ni Lira ang Liham sa Kanyang Unan at Agad na Humiga at nag panggap na natutulog, ng iluwa ng Pinto ang Kanyang Ado at Ada.
"Tama nga ang sinabi ni Muros, Nag papahinga na si Lira" Sambit ni Ybrahim ng umupo sa Tabi ng kanyang anak si Amihan.
"Matukog ka ng Mahimbing Anak" malambing na Sambit ni Amihan sa kanyang Anak ng Hagkan nito ang kanyang Noo.
"Kailangan ko ng unalis Mahal ko, Maari ko bang makita muna si Cassandra?" Tanong ni Ybrahim ng Mahagkan nya ang noo ng kanyang panganay na anak.
"Oo naman Ybrahim, tara Sasamahan kita doon" Sambit ni Amihan ng Lumisan ang Dalawa patungo sa Silid ni Amihan kung nasaan nahihimbing ang Sanggol.
_____
Sa silid ni Amihan, dumating ang dalawang mag kasama. Doon nila nadatnan ang mga Dama at Kawal na nag babantay sa kanilang Anak.
"Iwan nyo muna kami" Utos ni Amihan na Sinunod namang ng mga ito. "Avisala Aking mu ting Prinsesa" Pag bati ni Ybrahim ng buhatin nya ang kanyang Bunsong anak.
"Kay Sarap nyong pag masdan dalawa" Sambit ni Amihan ng lumapit uto Sakanila. "Dapat ay sinama natin si Lira, ng saganon ay Kumpleto tayong apat" Sambit ni Ybrahim ng mapangiti ang Hara.
"Kung nandito si Lira hi di ko magagawa to" Sambit ni Amihan ng Hagkan nya ang Labi ng Rehav ng Sapiro.
"Napaka sarap na regalo naman nyan Mahal ko" Sambit ni Ybrahim na ikinangiti ni Amihan. "Ilang araw Nalamang Ay Magiging Akin kana Amihan" Sambit ni Ybrahim ng ibalik ni Ybrahim sa Higaan ang Sanggol.
"Ilang araw Nalamang, at si Danaya na ang Magiging Reyna ng Lireo" Sambit nj Amihan ng Ilapit ni Ybrahim si Amihan Sakanya.
"Ilang araw Nalamang matatawag na kitang aking Asawa" Sambit ni Ybrahim ng unti unting lumapit ang kanilang mga Labi Hanggang sa mag dampi ang nga Ito.
_________________________________
Matutuloy kaya ang Kasal nina Amihan at Ybrahim? Magiging Buong Pamilya na nga ba sila? Anong nilalaman ng liham ni Minea? Mabubuo na nga bang muli ang apat na Sanggre? Abangan!
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan