"Avisala Taksil na Dama" Sambit ni Amihan tutukan nya ang Dama mula sa Kanyang Likuran, "anong Ginagawa mo dito Sanggre" Tanong ng Hathor ng itutok ni Amihan qng kanyang Sandata sa Dating Dama.
"Nasaan ang iyong Amo?" Galit nitong tanong ng ituro ni Gurna ang Punong bulwagan, "Avisala Eshma" Sambit ni Amihan ng Ihampas ni Amihan ang kanyang Kamao sa Ilong ni Gurna dahilan upang Bumagsak ito. "Pashnea!" Sigaw nito habang iniinda ang sakit ng kanyang Ilong.
_____
Halos Sampung beses nang nag lalakad pabalik balik si Lira, habang iniisip kung paano nya matatakasan ang kanyang mga bantay na Hathor.
"Maari bang tigilan mo ang pag lalakad mo nakaka hilo ka pag masdan Diwata" Sambit ng isa sa mga Hathor na nag babantay sa Diwani. "Gusto mo kong tumigil mag Lakad? Pakawalan moko sige na please" Sambit nito habang Inaabot ang Kamay nyang naka posas.
"Niloloko mo ba ko Diwata" Galit na Sambit nito ng Biglang Dumating Papasok ang kanyang Ashti. "Tumigil nga kayo" Sambit ni Pirena Ng pumasok ito sa Kanilang Silid.
"Iwan nyo muna kami" utos ni Pirena ng Lumisan ang mga Hathor sa Loob ng Silid. "Nais kong Malaman mo Lira na narito sa Palasyo ang Iyong ina" agad na napatingin si Lira sa kanyang Ashti ng marinig nito ang sinabi nya.
"Pero hindi mo sya Makikita, Sapagkat kagaya mo Bihag na din namin sya" Nakangising sambit nito, "Mag-ina nga kayong Dalawa Pareho Kayong Mahina" Pang iinsulto nito dahilan Magalit ang Diwani.
"Hindi totoo ang sinabi Mo, Hindi mahina ang Nanay ko!" Sigaw ni Lira sa kanyang Ashti. "Wag mo nang pag takpan pa ang Kahinaan ng iyong Ina Lira, dahil kung hindi sya mahina bakit nasa piitan sya ngayon bakit Hindi ka pa nya naliligtas ngayon" Tanong ni Pirena Ng humalakhak ito sa Harap ng Diwani.
"Ashti Bakit ba ang laki ng Galit mo sa Nanay Ko?! Mag kapatid kayo ng Inay nag ka dugo kayo Pero kung tratuhin nyo sya Parang isa lang syang Walang kwentang Nilalang!" Umiiyak na sigaw ni Lira, Unti unti nang tumutulo
"Mag kapatid lang kami sa Ina Lira" pag tatama ni Pirena sa Binanggit ng kanyang Hadiya. "so ganon ganon lang yon Ashti? Dahil hondi kayo buong mag kapatid magagawa mo na agad syang Saktan?" tanong nito aa nakakatandang Diwata.
"Ashti Kahit pa hindi kayo mag kapatid ng Buo, hindi Yon dahilan Para Saktan at Pahirapan mo sya. Ashti alam ko Galit ka Dahil sa Nangyari sainyo dati nina Ila Minea, Pero Ashti Kakalimutan mo ba talaga yung pag mamahal nila sayo dahil lang hindi ka Naging Reyna? Magagawa mong patayin ang sarili mong Kapatid para sa Isang Brilyante?" Sunod sunod nitong Tanong Dahilan para tumulo ang mga luha ni Pirena.
"Ashti, Ganyan na po ba kayo kasakim sa Kapangyarihan Para Kalimutan nyo yung mga Taong nag Mamahal sainyo? Bakit ba hinahabol mo yung mga Powers o Brilyante na yan? Samantala meron napakaimportanteng Kapangyarihan sa lahat, meron kang anak si Mira na mas mahalaga pa sa Kahit anong Brilyante na nasa Encantadia" dagdag pa nito dahilan para mapatingin sakanya ang Diwata.
"kaya ko ito gianagawa para kay mira" Singhal ni Pirena sa Paslit, "Talaga ba Ashti? Para kay Mira ba talaga O para sa Sarili mo isipin mo ng mabuti to Ashti, Satingin nyo ba babalik sainyo si Mira Kung sasaktan mo ang mga Nilalang na mahala sa kanya? Hindi Ashti Dahil hindi mo katulad si Mira" sagot ni Lira Dahilan para masampal ito ni Pirena.
"Kung susumbatan mo lang ako ay Mabuti pa at Mamatay ka nalang" Sambit ni Pirena ng Patamaan nya ang Diwani ng Kapangyarihan mula sa Brilyante ng Tubig, Ngunit imbis na Masaktan si Lira, ang kanyang mga Posas ang Tinamaan ng kanyang Kapangyarihan.
"Malaya nako" Sambit ni Lira ng Makitang Nasira ang mga Bakal dahil sa Ginawa ni Pirena, Agad itong napatingin sa tumatangis na Si Pirena. Kaya bago pa sya nito masaktan ay lumisan na sya gamit ang Ivictus.
_______
"Danaya nasaan ang iyong Apwe?" Tanong ng Rehav ng Sapiro, sapagkat kanina nya pa ito hinahanap. "Nag Tungo ang aking Kapatid sa Lireo bara Bawiin ang aking Hadiya ngunit hanggang Ngayon ay wala pa sya" nag aalalang Sambit ni Danaya ng makita nyang nag didilim na sa Labas ng Saoiro.
"Nunong Imaw maari mo bang Tingnan sa iyong tunggkod kung nasaan si Amihan? " Tanong ni Ybrahim ng ilabas ng Adamyan ang kanyang Tungkod, mula dito ipinalabas ang Hara ng mga Diwata na nakatali sa Piitan nv lireo.
"Kailangan nating sagipin ang Hara" Sambit ni Danaya sa Rehav, "Manatili kanalang dito Danaya ako na ang sasagip kay Amihan"Sambit ni Ybrahim, hindi na naka angal pa ang Sanggre Sapagkat agad itong nilisan ang Sapiro.
"Bakit ba ayaw nila akong isama sa Kanilang Pupuntahan" inis na Sambit ni Danaya ng lumapit ang Mashna ng Lireo sakanya. "Mahal na Sanggre baka gusto mo ng Prutas" alok ng Mashna."Hindi ako Gutom" Masungit nitong sagot saka iniwan ang Mashna.
_____
"Duwag ka pa den Pirena hindi mo magawang Saktan ang iyong Kapatid" galit na Saad ni Hagorn ng Hablutin nito ang Sandata kay Pirena Na Dapat ay Para Kay Amihan. "Walang silbing nga Diwata" Singhal ni Hagorn bago lisanin ang Piitan ng lireo.
"Bakit di mo nalang hinayaan si Hagorn na patayin ako!?" Sigaw ni Amihan sa kanyang nakakatandang Kapatid, "Hawak mo pa ang iyong Brilyante kaya di ka pa maaring mamatay" pag sisinungaling nito Kahit pa ang totoo ay Bumabagabag sa kanyang isipan ang mga Sinabi sakanya ni Lira, Nilisan ni pirena ang kanyang Kapatid sa Piitan, at ilang Sandali lamang ay Lumabas si Ybrahim sa kanyang pinag tataguan ang pinabagsak ang mga kawal na nag babantay sa Hara.
"Sino ka?" Tankng ni Amihan sa Sapiryang naka suot ng kalasag na nag tatakip sa kanyang buong Katawan, habang si Ybrahim ay Tinatanggal ang mga Naka Kabit kay Amihan. "Sino ka?" Pag uulit ni Amihan ng Ibaba ni Ybrahim ang telang nag tatakip sa kanyang muka.
"Avisala Mahal kong Reyna" Sambit ni Ybrahim ng Yakapin sya ng Mahigpit ng Diwata. "Si Lira" Sambit ni Amihan ng maalala nyang nasa Lireo pa ang Kanilang anak.
_____
"Bakit ba ang daming pader dito" Pagod na sambit ni Lira, Halos ilang Oras na syang paiklt ikot sa Lireo ngunit Hanggang ngayon di nya pa den mahanap ang kanyang lalabasan.
Ng makita nya ang isang Hathor na papalapit sa kanya, Batid ni Lira na di sya ito nakita kaya agad itong nag tago , at Itinutok ang kanyang espada sa Hathor bago ito makalayo.
"Hathor saan ang daan palabas?" Tanong ni Lira gamit ang ibang boses para di sya makilala ng Hathor, Itinuro naman nito ang Daan sa Diwani dahil sa takot na sya ay masaktan.
"Thank you po" Sambit ni Lira ng Tumakbo ito palayo sa Hathor na Gulat sa Ginawa ni Lira.
"Finally nakalabas na" pag sasaya ni Lira Ng makalabas ito sa Kaharian ng Lireo matapos ang Kanyang pag kakaligaw sa loob nito, sya ay nasa Parte ngayon ng gubat kung saan di nya na alam ang nga Daan
"Lira anak ikaw ba yan?" Agad na napatingin si Lira sa gawi kung saan nya Narinig ang rinig ng isang babae.
____________________________________
Nag start na nga ba mag change of heart si Pirena? Mag kikita na kaya ang mag ina? Abangan sa susunod na Kabanata.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
Viễn tưởngYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan