Nakaupo si Mira sa tabi ng kanyang tunay na ina habang ang kanyang pinsan ay nakatayo sa kanyang tabi. "Hindi mo na kailangan pang mag alala aking Hadiya, sapagkat maayos na ang kalagayan ng iyong ina" sambit ni Danaya ng punasan nito ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.
"Kung ganon, mga dama igapos nyo ang aking ina upang hindi ito makatakas" Utos ni Mira ng mapatingin sakanya ang kanyang pinsan. "teka lang bakit mo igagapos yung nanay mo?" nag tatakang tanong ni Lira.
"Lira wag mo ng tutulan ang utos ni Mira, sapagkat maging ako ay sang ayon sakaya upang hindi na makapanakit ang aming kapatid" Sambit ni Danaya ng umiling si Lira. "Pero ashti" pag angal nito.
"Sheda Lira!" suway ni Mira at tumingin sa mga dama.
"sige na igapos nyo na ang aking Ina" sambit ni Mira ng sundin ito ng mga Dama. bago ito nilisan ni Mira ang silid ng kanyang ina. "Teka Bessy" pag awat ni Lira ng sundan nito palabas ang kanyang pinsan.
"Mahal na Sanggre" sambit ng isang kawal ng lapitan nito ang sanggre, "ano iyon Kawal?" tanong ni Danaya. "nag balik na ang mga Hara" Sambit nang Kawal ng agad na lumabas ang sanggre sa silid ni pirena.
_________________
"Teka Bessy, bakit mo ginawa yon? Bakit mo ipinakulong ang nanay mo?" Sunod sunod na tanong ni Lira habang patuloy nitong sinundan ang kanyang pinsan. "Bakit hindi Lira? upang sa pag galing nya ay kalabanin nya muli sina Ina at sila ashti, o upang iwan nya ako muli?!" Inis na sigaw ni Mira habang unti unting tumutulo ang kanyang mga luha.
"hindi naman sa ganon Mira, ayoko lang na gawin mo ito dahil lang sa ayaw mong masaktan ayokong magalit ka sa Nanay mo dahil lang sa tingin mo hindi ka na nya mahal" Sagot ni Lira ng hindi maiwasan ni Amihan na marinig ang pinag uusapan nito.
"Bakit ba nais mong makipag ayos ako kay Pirena, bakit nais mong patawarin ko sya sa lang ng nilalang ikaw ang kanyang pinaka nasaktan at naparusahan bakit napakadali mo syang patawarin at pag katiwalaan?" Sunod sunod nitong tanong sa kanyang pinsan.
"Dahil kapag hindi ko sya pinatawad, at sinukuan ko sya wala ng ibang nilalang ang na makakasama nya, at ayoko syang mag isa kasi hindi masaya maging mag isa" Sagot ni Lira ng lumapit na si Amihan sakanila.
"Nag aaway ba kayo?" Tanong ni Amihan ng agad na pinunasan ng dalawa ang kanilang mga luha. "Lira, Mira?" sambit ni Amihan ng mag katinginan ang dalawa.
"Mira Lira bakit hindi kayo makasagot?" nag tatakang sambit ni Amihan ng mapayuko si Lira, "Hindi Ina" pag sisinungaling ni Mira dahilan upang mapatingin sakanya si Lira.
"Maari na po ba ba akong bumalik sa Aming Silid?" Paalam ni Mira ng tumango ang kanyang Ina, saka sya umalis.
"Lira Anak" Sambit ni Amihan nv mapatingin sakanya ang Diwani. "Alam kong nag sisinungaling si Mira" Sambit muli nito ng mapabuntong hininga si Lira.
"Eh Nay si Mira po kasi Gusto nya po ikulong at Igapos si Ashti Pirena" Sumbong nito ng mapangiti anv kanyang Ina. "Lira alam kong nagaalala ka para sa Iyong Ashti Pirena, Ngunit kung ito ang mas Makakabuti kay Pirena Intindihin mo nalaman anak" Paliwanag ni Amihan mg mapakamot ng ulo si Lira.
"Inay naman eh kanino po ba kayo kakampi?"iritang tanong nito ng mapatawa ang kanyang Ina. "Lira Wala akong kinakampihan, ngunit Kailangan mong intindihin ang pinag dadaanan ng iyong Pinsan" Sambit nito ng muling Mapabuntong hininga si Lira.
"Bat naman po kasi ang tataas ng Pride ng Mga Kapatid at Pamangkin mo Nay?" Naiinis na Sambit nito habang kinamamot ang kanyang Ulo.
"Siga na Anak sundan mo na si Mira, Kailangan ko pang kausapin ang iyong Ashti Danaya"Sambit ni Amihan ng Halikan nya ang ulo ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan