"Magandang Umaga Ina" Sambit ni Mira ng Makita nito ang Ina sa Hapag kainan na Nag aalmusal. "Magandang Umaga Anak" Sambit nito Habang Nakangiti ito ng Pilit sa Kanyang Anak.
"Kamusta Ang iyong tulog Mira?" tanong ni Amihan sa Kanyang Anak. "Maayos naman Po" Maikling Sagot ni Mira.
"Aalis kami ni Danaya Mamaya Kasama si Rehav Ybrahim upang Hanapin si Lira, Maari ko bang iwan sayo ang Pangangalaga ng Lireo?" Tanong ni Amihan sa Kanyang Anak anakan.
"S-sigurado ka Ina? Saakin mo Iiwan ang Pangangalaga ng Lireo?" Nag aalalang Tanong ni Mira lalo nat Kaka bawi lang nila nito.
"Bakit naman hindi Mira, Naniniwala akong Kaya mong pangalagaan ang Lireo kung sakali mang Mag tatangka dito" Sambit ni Amihan Dahilan para mapangiti ang Kanyang Anak.
________
"Nais kong kilalanin mo Lira ang Ating mga kaaaway" Sambit ni Hagorn ng Ilabas nito ang Brilyante ng Diwa. Gamit ito Ay pinakita nya ang Imahe ng kanilang Kaaaway na Diwata.
'Sya Di Danaya Ang Tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Sya si Mira Ang Anak anakan ng Hara Sya ang nag iisang Anak ng Aking Anak na si Pirena.
Eto si Pirena ang dating Tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, Si Alena ang Tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
At ang Huli ay Si Amihan, Ang Hara ng Lireo Tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin ang Diwatang Nais kong Paslangin mo'
Agad na napatingin si Lira sa Hari ng Hathoria sa kanyang Huling Sinambit. "Paslangin?" Tanong ni Lira, "Oo Lira Nais kong Paslangin mo ang Hara ng mga Diwata" Sambit ni Hagorn saka humalakhak ng napaka lakas.
_______
"Saan tayo mag tutungo Amihan?" Tanong ni Ybrahim ng Makarating ang mga Sanggre sa Sapiro. "Sa Hathoria" Maikling sagot ni Danaya.
"Nakausap namin si Nunong Imaw kanina at nakumpirma namin na Hindi Napaslang ni Alena si Lira, at nakakasigurado ako na hindi Si Alena Ang may Bihag sakanya Kung hindi si Hagorn" Sambit ni Amihan sa Rehav.
"Paano nyo ito nalaman?" Nag tatakang Tanong ni Ybrahim, "Huwag kanalang mag tanong Ybrahim" Inis na Sambit ni Danaya ng sensyasan sya ni Amihan na humawak sakanya.
________
"Lira ibibigay ko sa iyo ang Posisyon bilang Mashna ng Aking Hukbo" Sambit ni Hagorn dahilan para mabaling sakanila ang Tingin ni Agane. "Mashna? Bakit mo ggawing Mashna ang Paslit na iyan?!" Galit na sambit ni Agane ng mapangisi si Lira.
"Bakit natatakot kabang malamangan kita Agane?" pang aasar ni Lira Dahilan Para mainis si Agane. "Pashnea!" Sambit ni Agane ng Umamba iting sasaktan ang Diwani.
"Mag si tigil kayo!" Sigaw ni Hagorn kaya Walang ibang Nagawa si Agane kung hindi Umalis. "Kung inyong mamarapatin nais ko sanang lumabas muna ng Hathoria uoang magpahangin" Sambit ni Lira ng Sumenyas si Hagon na pinapayagan nya ito.
"May Diwata" Bulong ni Hagorn ng maramdaman nya ang kakaibang hangin ng Makaalis si Lira sa Loob ng Hathoria. "Ilabas mo si Lira" Sambit ni Amihan ng Mag Ivictus ito sa Loob ng Hathoria.
"Huwag nyo ng subukan pang lumaban samin" Pananakot ni Danaya sa mga Kawal ng ilabas nya ang Brilyante ng Lupa. "Anong ginagawa dito ng Reyna ng mga Diwata" Sambit ni Hagorn ng itutok ni Amihan ang Sandata nya sa Leeg ni Hagorn.
"Huwag kanang mag maang maangan Hagorn alam kong naririto si Lira" Sambit ni Ybrahim ng mapatawa si Hagorn. "Kung Ayaw kong Masaktan au Ilabas mo ang Aking Anak" Sambit ni Amihan Ng Bumalik si Kira sa Loob ng Sapiro gamit ang Ivictus habang nakatutok ang Kanyang Sandata kay Amihan.
"Subukan mong Saktan ang Aming Hari, Ikaw ang Mamatay Hara Amihan" Malamig na Sambit ni Lira na ikinagulat ng Mga Diwata. "Lira?" gulat na Tanong ni Ybrahim ng makta ang Bagong Itsura ng Anak.
Naka suot ito ng kalasag na may pinag halong kukay pula at itim. Ang Maitim at Mahabang Buhok nito ay Nabahiran ng Kulay Pulang mga Hibla habang ang Avatar nito na Ginagamit ay napalitan ng nag babagang apoy na Sandata."Mabuti naman at kilala nyo ako" Sambit ni Lira habang Nakatingin sa kanyang Ama. "Hindi ko na kailangan ipakilala ang aking Sarili" Dag dag pa nito.
"Lira Paslangin mo ang Hara ng Diwata" Sambit ni Hagorn ng Saksakin ni Lira ang Kanyang Ina.
"Amihan!" Sigaw ni Ybrahim ng Mabitawan ni Amihan ang Kanyang Sandata dahil sa Pananaksak ni Lira."Pashnea layuan mo sya Sapirian!" Galit na Sambit ni Lira Ng Sipain nito papalayo ang Kanyang Ama. "Avisala Meiste Hara Amihan" Sambit ni Lira ng Muli nitong saksakin ang Hara.
Kita sa mga mata Ni Amihan ang Gulat at Lungkot ng Sya ay saktan ng kanyang Sariling Anak. Sinusubukan nitongabutin ang Mukha ni Lira ngunit agad itong Lumayo sakanya.
"E Correi diu akinv anak" Mahinang Sambit ni Amihan na si Lira lang halos ang nakarinig Dahilan Para matigilan si Lira sa kanyang pananakit sa Hara.
"Pashnea!" Sigaw ni Danaya ng patamaan nya ng Kapangyarihan si Lira Dahilan Para mabitawan nito ang Sandata nya.
"Amihan Ayos kalang?" Nag aalalang tanong ni Ybrahim habang si Amihan ay Nakatingin pa din kay Lira. "Kailangan na nating bumalik sa Lireo para magamot si Amihan" Sambit ni Danaya ng tumango si Ybrahim tanda ng kanyang pag sang ayon.
"Hindi natin maaring iwan si Lira" Nanghihinang Sambit ni Amihan, "Babalikan natin sya Amihan" Sambit ni Danaya ng gamitin nito ang Ivictus para makabalik ng Lireo.
"Magaling Lira tunay ngang karapatdapat kang maging Mashna ng Hathoria" Sambit ni Hagorn saka humalakhak.
______
"Ina!" Gulat na Sigaw ni Mira ng makita nyang nanghihinang Katawan Ni Amihan. "Anong Nangyari kay Ina?" Tanong ni Mira sa Dalawa. "Sino ang may gawa nito?" Nag aalalang tanong ni Mira ng Dumating ang mga Kawal na mag dadala kay Amihan sa Kanyang Silid.
"Mamaya nalang namin ipapaliwanag Mira, Ngayon ay Kailangan magamot ng iyong Ina" Sambit ni Ybrahim Bago sila sumunod kala Danaya.
"Brilyante ng Lupa Inuutusan kitang Pagalingin Ang aking Kapatid na Reyn" Sambit ni Danaya Ng Mag ilaw ang kanyang Brilyante, Unti unting Nawala ang mga Sugat na natamo ni Amihan Sa tulong ni Danaya.
"Sino ang gumawa nito kay Ina?" Nag tatakang tanong ni Mira. "Si Lira" Sagot ni Amihan ng mag mulat ang mga mata nya. "Lira? Hindi yan magagawa ni Lira" Sambit ni Mira sa mga Nakakatanda.
"Mahirap man paniwalaan ngunit tama ang iyjng Ina Si Lira ngaang May Gawa nito" Sambit ni Ybrahim, "May kung anong Kapangyarihan ang bumabalot kay Lira, dahil Tila hindi nya tayo naalala" Sambit ni Danaya dahilan para mapatingin su Mira sakanila.
"Si Alena At ang Brilyante ng tubig lamang ang may kakayanang Mag bura ng Alala sa Isang Encantado" Malungkot na sambit ni Amihan.
"Si Alena ang May Gawa nito"
___________________________________
Nagawang Saktan ni Lira ang Kanyang Sariling Ina, maalala paba ni Lira ang kanyang mga minamahal? Abangan sa susunod na Kabanata.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan