(so Explanation ang Chapter na to ay pinakita actually before ang Paliksahan ng mga Sanggre, pero pinalitan ko sya)
"Amihan" Bulong ni Ybrahim ng sa kanyang Kaibigan na Nakahiga sa kanyang Braso. "Bakit?" Malambing na Bulong nito dahilan upang mapangiti si Ybrahim.
"Bakit mas pinili mong sumama saakin sa batis na ito, kaysa mag sanay para sa paligsahan nyo?" Tanong ni Ybrahim ng buksan ni Amihan ang Kanyang mga Mata saka Bumangon.
"Dahil kung ako man ang magiging Reyna, hindi ko na magagawa ang mga bagay na ito at ayokong balang araw ay mag sisi ako na hindi ako sinulit ang pagiging masaya nung hindi paako reyna" Paliwanag ni Amihan ng Mapangiti di Ybrahim.
"Oh bakit ka Nakangiti?" nag tatakang tanong nito sa Kanyang Kaibigan. "Dahil parte ako sa memoryang nais mong gawin" Pag dadahilan nito ng matawa si Amihan.
"Alam mo Ybrahim Ang Corny mo" Natatawang Saad ni Amihan ng Mapakunot ang Noo ng Rehav. "Corny?" Tanong ni Ybrahim ng mapangiti si Amihan.
"Amihan Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa den nakakalimutan ang salita ng mga Tao?" Tanong ni Ybrahim ng Tumango si Amihan. "Kung alam mo lang kung gaano kasaya sa Mundo ng mga tao, hindi mo din makalimutan ang mga nakakatuwang salita na ginagamit nila" Nakangiting Sambit ni Amihan sa kanyang Kaibigan.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasiYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan