Kabanata 68: Ang Sumpa ni Ether

239 8 1
                                    

"Amanda, Naririnig no ba ang naririnig ko?" Tanong ni Ruel sa Kanyang Asaw habang sila ay nag lalakad pabalik sa Kanilang Kuta.

"Oo, Parang Iyak iyon ng mga Sanggol" Sambit ni Amanda ng Kanilang Sundan ang iyak ngnga Sanggol, "Mahabaging Emre! Sino ang mag iiwan ng Kaawa awang Sanggol na iyan sa Kakahuyan?" Naawang Sambit ni Ruel ng Tingnan sya ng kanyang Asawa.

"Ruel, Tutal matagal na din ng mamayapa ang ating Anak Na si Ariana, bakit hindi natin ampunin ang Sanggol na ito?" Sugestiyon ni Amanda ng tingnan sya ng kanyang Asawa.

"ngunit paano kung buhay pa pala ang Mga Magulang ng Batang yan? Paano kung hinahanap pala sya?" Sambit nito ng Mag pakita sakanila ang Sinaunang Hara ng mga Diwata.

"Ang Sanggol na iyan ay ang Diwani Cassandra ng Lireo at Sapiro, Ngunit Hindi nila maaring Malaman ang tungkol sa tunay na pinag kakakilanlan ng paslit sapagkat Mauuwi sa trahedya ang kanyang Ina pag nag kataon" Sambit ni Cassiopeia ng Tingnan sya ng Mag Asawa.

"Kung gamon, maari namin syang Ampunin?" Tanong nito ng tumango ang Dating Hara. "Humayo na kayo sa Inyong Tribo" Sambit ni Cassiopeia ng Umalis ang Mag asawa kasama ang Sanggol.

"Avisala Meiste Diwani Cassandra, Hanggang sa muli nating pag kikita"

__________

"Lira anak" Pag tawag ni Ybrahim sa kanyang Anak ng makita nya itong nakaupo sa Tabi ng trono ng Reyna.

"Tay Bakit nandito kana po? Diba po kasama nyo si Inay? Nahanap nyo na po ba si Cassandra?" Sunod sunod nitong tanong ng Mapayuko ang kanyang Ama.

"Bakit Tay? May nasabi po ba Ako?" Nag tatakang Tanong ng Diwani ng Humugot ng Malalim na hjninga si Ybrahim.

"Nakausap namin si Cassiopeia, Ngunit ang Sabi nya ay hindi nya maaring Sabihin ang kinaroonan ni Cassandra, Sapagkat ito daw ang mas Makakabuting Mangyari" Paliwanag ni Ybrahim ng Kumunot ang noo ng kanyang Anak.

"Di ko po maintindihan Tay" Nalilitong Sambit ni Lira, "Maging Ako anak, Sapagkat akala ko Nung dumating ang iyong Kapatid magiging Buong Pamilya na tayo" Sambit ni Ybrahim ng Hawakan ni Lira ang Kamay ng kanyang Ama.

"Wag po kayong mag alala Tay, Naniniwala po ako na makakasama din po natin si Cassandra kahit nasaan pa po sya" Sambit ni Lira habang pinipilit na ngumiti para sa kanyang Ama.

_________

"Ama, Ina Sino ang Sanggol na hawak nyo?" Nag tatakang Tanong ni Azulan ng Dumating sa Tribo sina Amanda at Ruel.

"Ito ang Sanggol na Inampon namin, namatay na ang kanyang Mga Magulang kaya kami na ang mangangalaga sakanya" Sambit ni Amanda ng tingnan sya ni Ruela at ng iba pang Punjabwe.

"Kay Gandang Sanggol" Sambit ni Rehav Manik, "Anong ngalan nya?" tanong muli ng Rehav ng mag katinginan ang mag Asawa.

"Ariana" Sambit ni Ruel ng kumunot ang Noo ni Azulan, "ipapangalan nyo ang inampon nyong Sanggol, sa aking Namayapang Kapatid?" Nag tatakang Tanong nito ng tumango ang Kanyang Ama.

"Wala naman sigurong Masama kung gawin nila ito hindi ba?" Tanong ni Manik ng tumango si Azulan. "Ikinagagalak namin ang iyong pag datin sa Aming tribo Ariana" Sambit ng Kanilang Babailan.

"Kung maari lang, Sana ay Ayaw naming malaman ng aming Anak na Sya ay hindi tunay na nanggaling saamin, Nais naming lumaki sya na Kami ang kinikilala nyang tunay na Magulang" Sambit ni Amanda ng tumango ang kanyang mga Kasamahan.

"kung yan ang iyong nais Amanda"

___________

"Buong akala ko'y ako ang Papaslang kay Hagorn, Bilang Ganti sa Aking Ama. Ngunit Hindi ko inakala na Ikaw mismo Pirena ang papaslang sakanya"  Gulat na Sambit ni Amihan Habang pinag mamasdan nito anv bangkay ng Namayapang Hathor.

In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon