"bakit tila Malungkot ang aming kapatid?" Tanong ni Danaya ng mag tungo sila ni Alena sa Loob ng silid ng kanilang nakatatamdang kapatid. "May iniisip lamang ako" maikling sagot ni Amihan Ngunit, Alam na agad ng dalawa ang iniisip ng kanilang Kapatid.
"Si Ybrahim" Sambit ni Danaya, at agad Syang sinenyasan ni Alena na wag nang sabihin kung ako mang nasa isio nya. "Si Ybrahim si Pirena ang aking magiging anak" Sambit nu Amihan saka yumuko sa kanyang Lamesa. "Iniisip mo ang iyong magiging anak?" tanong ni Alena, na tila ba ay nalilito sa sinasabi ng kanyang kapatid.
"Nag aalala lamang ako, na paano kung maging katulad ng relasyon ni Ina at Pirena Ngayon ang magiging relasyon namin ng aking magihing anak, Paano kung kamuhian nya din ako, Paano kung Hindi ako maging mabuting ina sakanya" sunod sunod na sambit ni Amihan kaya't, hinawakan ni Daya at Alena ang mag kabilang kamay nito.
"Amihan wala kang dapat ipag alala, Dahil Hindi mangyayari ang iyong iniisip" Sambit ni Alena, "at hindi ka mag iisa sa pag papalaki sa iyong anak, Andito si ina si Alena at ako hindi ka namin iiwan" Dagdag pa ni Danaya na tuluyang nag pagaan sa Loob ni Amihan.
__
"Ahhh Ades?" Sambit ni Amihan ng walang humpay sa Pag aayos si Ades at Danaya sa buhok at kasuotan ni Amihan. "Kailangan bang nakaayos pako, gayong matutulog lang naman ako?" Natatawang saad ni Amihan ng tingnan nya ang ginagawa ng Dalawa Sakanya.
"Oo naman mahal na Reyna, Dahil sa pag tulog mo maaring makilala mo na ang lalaking magiging ama ng iyong anak" Sambit ni Ades habang patuloy nitong sinusuklayan ang kanyang alaga. "At dapat muka kang presentable sa Inyong unang pag kikita" Sambit naman ni Danaya kaya walang nagawa si Amihan kung hindi sundin nalang ang sinabi ng dalawa.
__
"Gurna anong iyong ulat mula sa Lireo?" Tanong ni Hagorn ng dumating ang Taksil sa Diwata ng Lireo. "Nabalitaan ko kay Imaw na Nakahanap na ng Lalaking magiging ama daw ng magiging anak ni Amihan" Sambit ni Gurna na ikinagalit ni Hagorn habang si Pirena ay baka ngisi lamang.
"Pashnea hindi ito maaari, lalo tayong mahihirapan masakop ang lireo" galit na saad ni Hagorn, "wag Kang mag Alala Hagorn, May Plano ako" Kampanteng Sambit Ni Pirena, habang abot tenga ang kanyang Ngiti mula sa kanyang naiisip na plano.
__
"Ina, totoo bang sa Panaginip nakikilala ng Isang Reyna ang Lalaking mapipili ni Emre para kay Amihan?" Tanong ni Danaya sa Kanyang Ina, "Oo Danaya, Sa Panaginio nila makikita ang Isat isa" Sagot ni Minea sa kanyang Bunsong anak, na tila ba Nananabik sa Pag kikita ni Amihan at ng Misteryosong lalaki.
"Ganon nyo din ba naka niig ang Ama namin ni Alena?" tankng muli ni Danaya, "Oo alena Sa panaginip ko din naka niig ang inyong ama, At pag katapos non ay Isinilang ko si Alena, at hindi nag tagal ay ikaw naman ang sumunod" Paliwanag ni Minea kaya tila lalong nanabik si Danaya para sa kanyang kapatid.
__
Unti unting minulat ni Amihan ang kanyang mga Mata, sya ay nakaupo ngayon sa isang bato na nakalagay sa Isang Napakagandang Hardin. Isang kakaibang Hardin na kahir kailan ay hindi nya pa nararating sa kanyang buong Buhay.
"Amihan?" Narinig nya ang isang pamilyar na boses mula sa Kanyang Likuran, kaya't agad nya itong nilingon. At tuamambad sakanya si Ybrahim na nakasuot ng pang maharkilang kasuotan.
"Ybrahim nandito ka" Sambit ni Amihan ng lumapit sakanya si Ybrahim, "ikaw ang pinili ng Bathalang Emre" Sambit ni Amihan ng hawakan ni Ybrahim ang kanyang Pisngi. "E Correi Diu Amihan" Sambit ni Ybrahim ng halikan nito ang kanyang noo, Sunod ang kanyang Pisngi ng unti unti nitong nilapit ang kanyang labi sa Labi ni Amihan, Sa oag dampi ng labi nila sa Isat isa Isang Puting paru paro ang dumapi sa Kanilang Mag kahawak na Palad.
"Maging ang Bathalang Emre ay sumasang ayon sa Pag iibigan natin" Sambit ni Ybrahim, Kung kaya't napag tanto ni Amihan na Hindi Alam ni Ybrahim ang nangyayari.__
Sa labas ng Lireo, Isang Kawal ang nag papahinga sa Lupain ng Gamitin ni Pirena ang kanyang Ivictus upang mag punta roon. Ginising ni Pirena ang Kawal na nag papahinga at Inihin dito ang isang kulay pulang pulbo kung kaya't napasa ilalim sya Sa Kapangyarihan ni Pirena.
Hinawakan ni Pirena Ang mga Palad ng Kawal ng ito ay Mag ilaw tanda ng kanilang pag niniig. At ng Makuha na ni Pirena ang Kanyang gusto ay sinaksak nya ang kawal Hanggang mamatay ito.
__
"Ybarro, andito kana pala" Sambit ni Alena saka tumakbo at niyakap si Ybarro. "Poltre at Akoy nahuli, Inintay kong makatulog ang aking ina at mga kapatid bago ako umalis" Paliwanag ni Alena sa Mandirigmang kanyang nasa Harapan.
"Ayos lamang yon Alena, Ang mabuti ay nandito ka" Sambit ni Ybarro at niyakap muli ang Sanggre. "Kung hindi lang ako Sanggre sana ay hindi Patago ang ating pag kikita"bulong ni Alena , ng halikan ni Ybarro ang Kanyang Noo.
Mahigit ilang Linggo ng nag kikita si alena at Ybarro. Nag kakilala sila ng Mag tungo si Alena sa Batis ng katotohanan, at simula noon naging mabuti ang pag tingin nila sa Isat Isa.
Alam nina Amihan at Danaya na may lalaking nag papatibok ng puso ni Alena, Ngunit hindi nila alam na isang Mandirigma ang Lalaking tinutukoy ni Alena.
__
Unti unting minulat ni Amihan ang kanyang mga mata mula sa oag kakahimbing, naalala nya pa ang pag niniig nila ni Ybrahim sa kanyang panaginip, ng bigla nyang Mapansin ang pag ilaw ng kanyang palad.
Isang Simbulo ang lumabas sa Palad ni Amihan, Na ikinatakot ni Amihan. "Ades! Ades!" Natatakot na sigaw ni Amihan, kaya't dali daling pumasok ni Ades sa Kanyang silid . "Anong ibig sabihin nito ades, biglang kumabas ito saaking palad" sambit ni Amihan habang ipinapakita ang Simbolong bulaklak sa kanyang palad.
"Nakita ko na to noon sa iyong ina, ang ibig sabihin nito ay may tagapagmana na ng Trono ng lireo, mag kakaanak kana Hara Amihan" Paliwanag ni Ades, Kung kaya't napaliyan ng Saya ang Takot na naramdaman ni Amihan.
"Alena, Danaya" Masayang Sambit ni Amihan, ng makita nya sa Hardin ng Lireo ang kanyang mga Kapatid. "Hara Amihan" Sambit ni Alena ng sabik nitong niyakap ang kanyang mga kapatid. "Ano't tila kay saya mo Amihan?" Tanong ni Danaya sa nakatatandang kapatid.
"Sapagkat Akoy nag dadalang diwata Danaya" Sambit ni Amihan ng ipinakita nya ang Simbolong bulaklak sa kanyang Palad, na iminatuwa nina Alena at Danaya. "Totoo ba to? Magiging ashti na kami ni Danaya?" Masayang tankng ni Alena at tumango naman si Amihan ng Biglang Dumating si Hitano.
"Mga Sanggre, Nais kayong makausap ng inyong Ina" Malamig na sambit nito, Tila batid na ni Alena Ang sasabihin ng kanyang ina, hindi ito tungkol sa pag dadalang diwata ni Amihan, Tungkol ito sakanila ni Ybarro. Lalo na't Nakita sila ni Hitano Kagabi sa May Batis.
___________________________________
Nakoo lagot ka Alena, ano kayang mang yayari sa Relasyon ng Alebarro? Abangan sa susunod na Kabanata.
BINABASA MO ANG
In The shadows of Crowns
FantasyYun ang Sumpa ng Pagiging Reyna, Malaya mo mo syang Mahalin at maging ama ng iyong anak ngunit kahit kailan ay hindi mo sya maaring angkinin sapagkat ang Asawa ng Hara ay ang kanyang nasasakupan -Amihan