Kabanata 18: Ang katotohanan tungkol kay Lira

248 10 0
                                    

Ilang araw ng malaman ni Alena ang pagkawala ni Ybarro, walang ibang ginawa ang Sanggre kung hindi Umiyak. Hindi ito makausap ng maayos, at hindi na din ito kumakain.
Lubos lubos na ang pag aalala ng kanyang Kapatid na Hara, ngunit lagi nitong sinasabi na maayos lamang sya.

Bawat galaw naman ni Alena ay nakabantay si Pirena, hinahanap ang perpektong oras upang Gawin ang kanyang Plano. Nasa Dalampasigan si alena Mag isa, inuutusan nito ang tubig na hanapin ang kanyang minamahal ngunit hindi ito sumassagot sa kanyang mga utos.

"Alena" Sambit ng isang Boses mula sa Likuran ni Alena. "Emre?" Tanong ni Alena ng makita ang Bathala sa kanyang harapan, "batid kong napaoagod kana Alena" Sambit ng Bathala ng tuluyan ng Bumagsak sa Pag iyak si Alena.

"Bathalang Emre, Parang awa nyo na Ibalik nyo saakin si Ybarro" umiiyak na saad ni Alena, "hindi ko maaring gawin yon Alena, ngunit maari kayong mag kasama muli sa Kabilang Buhay" Sambit ni Emre kung kaya't agad na napatingin si Alena sakanya.

"Ngunit kailan pa yon Mahal na Bathala" Sambit ni Alena, "Ibigay mo saakin ang iyong Brilyante Alena, At saiyong pag gising ay kasama mo na ang iyong minamahal" Sambit nito at hindi na nag isip pa si Alena at Ibinigay ang Brilyante sa Bathala.

Gamit ang enkantasyong Binanggit ng Bathala nawalan ng Malay ang Sanggre. Sa Di naman kala yuan pinapanood ni Hitano ang nangyari, Bumalik si Pirena sa kanyang tunay na anyo ngMakuha nya ang Brilyante kay Alena.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi ka mapag kakatiwalaan" Sambit ni Hitano ng lumapit ito sakanila. "Ginawan lang kita ng Pabor kawal, Hindi pa patay si Alena nawalan lamang sya Ng Alaala, At pag kagising nya Maari mo na syang angkinin" Sambit ni Pirena sa Kawal.

____

Matapos ang mga Naganap na iyon, pinalabas nina Pirena na Pumanaw ang kanilang kapatid na si Alena. Na Ikinalungkot ng mag kapatid na si Danaya at Amihan.Dinala ni Pirena si Alena at Hitano sa Mundo ng nga Tao, pinalitan din nito ang Kanilang Mga Pangalan.

Lubos na Saya ang nararamdaman ni Pirena dahil unti unti nang natutupad ang kanyang nga Plano. Ilang Sandali na lamang ay Makukuha nya na din ang Tronong kanyang matagal na pinapangarap.

___

"Tunay ngang kay ganda ng Brilyante ng aking Kapatid" Sambit ni pirena habang pinag mamasdan ang Brilyanteng kanyang Hawak. "Pirena baka may makakita saiyo" Sambi ni Gurna ngunit hindi ito pinansin ni Pirena.

"Wag kang matakot gurna, Walang makakakita saakin" Sambit ni Pirena, hindi nito namalayan ang Pag dating ni Mira sa kanyang silid. "Ashti Pirena? Bakit nasaiyo ang Brilyante ni Ashti Alena" Gulat na Sambit ni Mira ng makita ang Sanggre.

"Lira bakit ka nandito" gulat din na tanong ni Pirena, akmang aalis si Lira sa silid ni Pirena ng pigilan ito ng Dama. "Bitawan mo ako Dama" pag pupumiglas ni Lira. "Lira hindi mo maaring sabihin sa kahit kanino ang iyong nakita"Sambit ni Pirena sa kanyang Tunay na Anak.

"ikaw ba ang Pumaslang kay Ashti Alena?" Tankng nito sa Sanggre habang patuloy na nag pupumiglas. "Oo, pero Lira may rason ako yun ang gusto ni Alena" Sambit nito sa Diwani.

"Sinungaling, Sasabihin ko ang nakita ko kay Ina" Sambit nito sa nakatatandang Diwata. "Hindi mo gagawin yan sa iyong Ina" Sambit ni Pirena na ikinagulat ni Lira.

"Ano?" Tanong ni Lira, ng hawakan nito ang kanyang mga Muka, "Ako ang iyong Ina ang iyong tunay na Ina Lira, kaya hindi mo sasabihin ang iyong nakita kay Amihan" Sambit ni Pirena na Ikinalito ng Paslit.

"Niloloko mo ba ako Pirena" singhal ni Lira sa Kanyang Tunay na Ina. "Hindi nag sisinungaling ang Sanggre Pirena, sya ang iyong tunay na Ina pinag palit ka namin sa Tunay na Lira noong ikaw ay Sanggol pa lamang" Sambit ni Gurna, ng itigil ni Lira ang pag pupumiglas.

"Ginagawa ko ito para sa iyo Anak" Sambit ni Pirena ng lumayo ito sa Diwata, "Hindi ako naniniwala saiyo Isa kang masamang Diwata" Sambit ni Lira, ng ilabas ni Pirena ang Tungkod ni Imaw na ninakaw nya ilang araw lang ang nakalipas.

"Kung ayaw mong maniwala pwes panoorin mo ito" Sambit ni Pirena ng kanyang Itinaas ang Tungkod at ipinanood ang mga Pang yayari ng araw na Si Mira ay Naging si Lira.
"Ngayon Lira naniniwala kanaba?" Tanong nito sa Kanyang Anak, batid sa mga Mata ni Mira ang pag kalito at galit mula sa mga Ginawa ni Pirena ngunit hindi nya magawang tingnan ng deretso ang Kanyang Tunay na ina.

"Ngunit alam kong sasabihin mo pa den sa iyong ina inahan ang iyong nakita kahit ano pang sabihin ko, kaya Ito ang sasabihin ko sayo anak, sa iras na mag salita ka kay Amihan sasaktan ko ang iyong ina Inahan" Pag babanta ni Pirena ng Bitawan ng Dama ang Diwata.

_____

Nag patuloy sa Kanilang Plano ang Mga Hathor, sa iras na nailayo ni Hitano si Alena, Si Danaya naman ang sinusunod ni Pirena. nag panggap si Pirena Bilang si danaya at Tinaboy ang mga Diwatang Naninirahan sa Labas ng Lireo, at sinaktan ang Mga Kawal na nag nais pumigil sakanya.

Agad namang nabalitaan ito ni Amihan, Kung kaya't walang Nagawa si Amihan kung hindi parusahan ang Kanyang kapatid. Dinala ni Pirena si Danaya sa Mundo ng mga Tao kung saan sya Pinatapon ng Hara.

"Pirena" Sambit ni Danaya ng Tanggalin ni Pirena ang Posas ni Danaya. "Ano iyong Danaya?" Tanong ni Pirena sa kanyang Bunsonv Kapatid, "Nais kong sabihin mo kay Amihan na kahit pa Hindi nya ako pinakikinggan ay mahal ko pa din sya" Sambit ni Danaya ng ngumiti si Pirena.

Nilabas ni Pirena ang Dalawang Brilyanteng kanyang Hawak, ng Lumabas sa Lagusan si Hagorn kasama ang mga Hathor. "Pashnea! Sabi ko na ngaba at kakampi mo pa den ang mga Hathor" Galit na sambit ni Danaya ng ilabas nya ang Kanyang Brilyante.

"wala kang laban Saamin Danaya kaya Isuko mo na lamang angIyong Brilyante baka sakaling buhayin kapa namin" Sambit ni Hagorn ng umatake si Danaya sa mga Kasama nitong kawal na Hathor.

"Pashnea Danaya!" Sambit ni Pirena ng patamaan nya ang Sanggre ng Kapangyarihan mula sa Kanyang Brilyante. "Isuko mo na lamang ang iyong Brilyante, Puno kana ng Sugat wala kanang labansaamin" Galit na sambit ni Pirena ng ilabas ng Diwata ang Brilyante.

Napangiti ang dalawang taksil ng Makita nito ang Brilyante, sa pag asang ibibigay ni Danaya ito sakanila. "Sinasamo ko ang aking Brilyante, Na Lumisan sa Aking pangangalaga upang Hindi Ito makuha ng kahit sino" Sigaw ni Danaya ng Mag laho ang Brilyante sa kanyang Palad.

"Ashtadi!" sigaw ni Pirena ng saksakin nito ng tuluyan ang kanyang Kapatid. Akala ko'y hindi mo magagawang saktan ang iyong kapatid" Sambit ni Hagorn ng lisanin ng Dalawa ang mundo ng nga Tao.

Ilang saglit pa ang nakalipas ng dalawang nilalang ang Dumaan sa may Puno ng Asnamon, Napansin nito
Ang Diwatang Puno ng Sugat.

"Buhay pa Sya boss" Sambit ni Rael kay Enuo, "tara may mga gamit ako sa bahay" Sambit nito ng buhatin ni Rael ang Sugatang Katawan ni Danaya.

___________________________________

Nakita na ni Enuo ang Anak nya, ibig sabihin ba nito mag kikita na din sila ng kanyang Hadiya? Abangan sa susunod na mga Kabanata.

Sorryy ngayon lang naka pag update naging busy lang.. but Thank you for waiting and reading this Chapter!!!













In The shadows of CrownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon