Tawa.Malakas na tawa ang umalingaw ngaw sa buong Kwarto.
Hindi ko alam kung nababaliw naba sya obmasyado nyalang minamaliit ang sinabi ko.
"Baliw kana"
"Nakakatawa ka naman talaga, hindi kolang akalaing subra pala—"
"Hayup ka!" Sigaw ko at buong lakas ko syang sinikmuraan kaya napaatras sya.
Sa ngayun walang panahon para mag biro, dahil ang katulad mo ay hindi dapat pinapatawa kundi pinapaiyak at pinaparusahan hanggang sa mamatay.
"Wala kang karapatan para mag biro alam moyun?—"
"Ikaw din, wala kang karapatan para sumaya. Ang karapat dapat sayu ay magpahinga sa kabaong at manahimik habang buhay" hinanap ko si Ci-N.
Andun parin sya at kumakawala, kita kodin ang noo nyang dumudugo kaya mas lalong nag iinit ang dugo at ulo ko.
Walang sinu man ang pwedeng manakit sa kanya.
"Hindi nyu man lang hinintay ang permiso ko" walang ka emotiong sabi ko. "Masyado kayung nagmamadali, kung ganun naman pala simulan na natin"
Kusa nalang gumalaw ang kamay ko at ngayun may hawak na akong makapal na kahoy.
Alam ko.
Alam na alam ko.
Nagsisimula na naman ako.
Heto na na naman.
"Pumikit ka Ci-N. . .ayukong makita mo ang gagawin ko kapag nawala ako sa wisto" nakayuko kung sabi.
Itim.
Yun lang ang nakikita ko sa paligidt.
Itim.
Yun lang din ang alam kung makikita nila sa aura ko.
"Patawad. ."
Huling sabi ko bago ako sakopin ng dilim.
***
"Kim!"
"Kim!"
"Kim!"
Sigaw.
May tumawag sakin.
Dahan dahan kung minulat ang mata ko, nabigla nalang ako ng puro dilim ang nakikita ko. At ng maka fucos ang mata ko ay naaninang ko ang mga sira sirang gamit sa paligid ng kwarto.
Teka nasan ako.
Bakit ako nandito.
Nakadapa ako at parang hindi ko magalaw ang katawan ko. Sakit at manhid nalang ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit.
Biglang pumasok ang ilaw galing sa labas ng may nagbukas sa pinto at iniluwal non ang isang lalaki. Pilit akong umopo kahit masakit ang katawan ko.
"Gising naba ang princesa?" Sabi nya.
May sumunod sa kanyang tatlong lalaki.
Nagtawanan sila at kumalat ang usok ng cigarilyo sa loob ng kwarto, binuksan ng lalaki ang isang ilaw kaya lumiwanag ng kunti ang Kwarto.
Pansin ko ang dahan dahan nyang paglapit kaya sa takot ko ay umatras ako habang nanginginig.
Naalala kuna.
Kasama ko si Aries sa park, nung nakidnap ako ngunit umalis sya kaya ako lang mag isa ang nakuha. Hindi nasya bumalik kaya tuloyan na akong nakuha.
YOU ARE READING
The Evil Queen
Mystery / ThrillerThe one and only girl in the section E. It's hard to trust, they will accept apologize but the trust is gone. there is a girl who act like a boy, rude and grumpy. A girl that is always kicked out of school because she is a bully. Until her brother d...