2

2.5K 17 0
                                        

Called


"Good Morning!" I smiled at the guards and the staffs standing near the entrance. Since first impression lasts dapat best foot forward parati. Treat everyone with equal respect. Sabi nung mga experienced flight attendant ay dapat palaging nakangiti at may greetings sa lahat ng staffs mapa guard, utility, o recruitment staff pa yan.

Eight ng umaga ang schedule pero twenty minutes late akong nakarating venue dahil sa traffic. Hindi nga ako masyadong nakatulog kagabi dahil siguro sa sobrang excitement. Everyone is required to wear a formal business attire. Full on makeup din sa mga girls, naka bun ang buhok and heeled shoes.

Madaming magaganda at matatangkad na kasabayan sa pila at kahit maaga pa naman ay sobrang haba na sa dami ng mga aspirants.

"Hi! Good morning!" I smiled genuinely at them. Pumila na ako at agad na inayos ang dalang mga files para mamaya. "Pretty girl!" i cant help but praise the girl behind me. Maganda siya at maganda ang gawang makeup look. Mukha siyang half arabian o indian.

She smiled at me shyly.

"Hello!" Bumati naman ang kakarating lang na babaeng aspirant.

"Hi!" I answered back.

Hanggang sa pinapasok na kami sa loob at nabigla dahil sa dami ng mga tao sa loob naghihintay.

"Good Morning po Sir!" I greeted. May nag assist naman na isa pang staff at doon sa malapit na table namin ipinasa ang aming mga dalang resume. "First time po ba?" He asked. Tumango ako at sumunod na. Hiwalay ang baguhan at may experience na sa industry.

"Good luck po!" Bati nung staff sa amin bago pinalipat sa kabilang area. Sa dami ng tao ay ilang oras kaming nakaupo, naghihintay sa batch namin na tawagin.

Ang lawak ng area kaya kitang kita ang daming tao na naghihintay. Madaming magaganda, matatalino magsalita, at pursigido kaya kailangan talaga sa industry nato ay confident ka sa sarili mo at kaya mong irepresenta ang kakayahan mo kasi kung kulang ka sa tiwala ay tiyak na mahihirapan ka sa unang pagsubok pa lang.

You're going to compete against with ex-beauty queens, influencers that are known on social media, and famous public personalities. Kaya dapat buo ang tiwala mo sa sarili mo. Sa industry nato ay susubukin talaga lahat ng confidence and self esteem mo. Kung di ka sigurado sa kaya mong gawin ay tiyak na uuwi kang may inggit sa sistema at lugmok na paniniwala sa sarili.

Imagine kahilyera mo mga sikat na beauty queens na nakikita mo lang sa television. Eh ang gaganda ng mga iyon at tiyak na may mga sponsors na beauty clinic nakapila para sa kanila.  Malamang ang gaganda ng balat ang kikinis.

You have to be 100% sure of yourself. You have to be your own team. Your number one supporter.

"Maria Litania Damaso..."
Isa isa nang tinatawag ng staff ang mga pangalan.  Yung iba ay papasok pa sa isang kwarto kung saan haharap kayo sa isang recruiter. May ibang batch naman na pinapauwi na. Malalaman mong di ka makakaproceed sa next test pag binalik sayo ang iyong ipinasang resume.

"Shaina Cruz..."

Habang naghihintay na tawagin ang aming batch ay inabala ko nalang ang sarili sa pag aayos. I made sure that i look presentable.

You have to undergo a scar test kung saan magdedeclare ka ng mga issues mo sa katawan. They'll ask you about your tattoos which is not allowed. You have to go to a clinic and have it removed.

They will check if you have a lot of visible scars na bawal din. Dapat clear skin at presentable. They will ask about your braces if you have one, some recruiters will ask about your dental appointment kung kailan mareremove. Pag gusto ka naman nila ay makukuha ka pa naman at makakaproceed sa next test kahit may braces pa. But mostly di naka braces yung nakukuha kaya dapat before the event almost perfect and ready ka na mentally and physically.

May nakakalusot at naka proceed sa next test which is ang medical pero ligwak din dahil kinulang sa height, o di balance ang height and weight. Sa test na ito ang madaming napapauwi kaya dapat sinigurado mo nang perfect ka.

Ang haba ng proseso at matagal ka ring maghihintay bago makalipat sa kabilang room for another test. May interview pa at group dynamics kung saan masusubok ka talaga.

If you dont want it that bad you'll never survive. Madaming nadidismaya at malulungkot dahil hindi naman lahat ng mga sumusubok ay nabibigyan ng pagkakataon.

So go with an open mind.

Some recruiters are harsher. There are aspirants who felt insulted because of some recruiters unprofessional actions and words. Dito pa lang masusubok ka na talaga kung gaano mo kagusto ang industriyang ito.

The disappointments that will forever have a mark. Words that will leave a dent on you. Disrespectful comments that will probably scar you.

"Well...i just hope that we will get a decent questions later," bulong ng katabi ko. One good thing about this whole experience is that you will earn new friends.

This beautiful man beside me continued to speak.  "Girl! Nag aral talaga ako kaya sana naman masagot ko ang mga tanong mamaya." nagtawanan nalang kami ng palihim dahil masyadong seryoso ang lahat sa loob.

"Grabe yung kayod mo sa pag aaral tapos yung tanong nila ay 'who's your favorite disney princess?' Uuwi talaga si tito boy abunda." Biro niya.

"Gaga!" The other girl laughed hard.

"Bakla! Wag ka nga masyadong halata! Naaalala ko na naman na di tayo talo! Bweset ka!"

"Ewww!" Nandidiring sigaw nung gwapong lalake.

"Ang gwapo mo!" Pang iinis ko pero may halong katotohanan na rin kasi syempre malandi tayo. Baka naman magbago isip niya at maisipan na hayaan nalang kaming mag maganda.

"Sorry! Kaagaw niyo ko kay captain!"

"Ayoko! Sayo na si captain basta akin na si FO!" pabiro kong reklamo.

"Ang lalandi!" Reklamo naman ni Bria.

"Huy Angelo! Kawawa talaga tayo pag may nakapnsin sa kabaliwan natin dito baka maisipan nilang pauwiin tayo dahil yan sa kaka captain mo!"

"Shhh! Grabe naman nagbubulungan lang nga tayo rito." si Angelo.

"At nasa cubicle naman tayo no di na tayo mapapansin nila Sir." si Carmina.

"Hay ewan ko nalang. Good luck nalang talaga sa atin." natatawa akong umiling.

"No! Good luck kina captain at parating na tayo para mag hasik ng lagim." Patuloy ni Angelo.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon