Answers
Brianna Santaniel added Andres Gutierré Laureano...
My phone beeped and notified me about the new group chat. Ang daming time ni Bree para sa mga bagay na 'to.
Bria: no sister left behind kaya in-add ko na si Angelo since counted as one of the girls naman din siya.
Bria: hi ka naman diyan @angelo wag ka na choosy. foodpanda nalang as thank you ha? welcome.
Bria: by the way dito nalang tayo mag uupdate regarding sa results ha. congrats na rin in advance sa atin for sure hired tayong apat. ang galing kaya natin. swerte nila no!
Andres is typing...
Andres: ang ingay mo
Bria: tseh!
Seen by everyone
No reply from Carmina.
I clicked Carmina's profile.
Carmina Valentin
Graduate of Bachelor of Science in Nursing (BSN)
25 years old
Fil-AussieKaya pala ganoon nalang kaganda. Profile picture niya ay yung coronation niya sa isang national beauty pageant. Umuwi lang siya ng Pilipinas para mag aral ng college.
I checked her instagram @minav
Mostly mga travel pictures ang nasa account niya. Beaches. Parties. Clubbing. Night life. One of the boys pala talaga siya. May pictures na kasama ang buong barkada nila at siya lang babae sa gitna. But what grabbed my attention is her latest graduation picture with her bestfriend, Angelo.
It is her graduation and she celebrated it with Angelo. Formal white longsleeves, black slacks and shoes. He looks cool with his one piercing. Masaya silang nakangiti dalawa habang nakayakap naman si Carmina sa bewang niya. His right hand snaked around carminas shoulders. Ang kabila naman ay hawak ang isang bouquet.
My ride or die @Andresgl
Nababaliw na nga yata ako at napunta pa ako sa mga accounts nilang dalawa.
I clicked Follow
@aviscarolina is now following @minav
I logged in to my dump account and searched @minav
Clicked Angelo's instagram account.
@andresgl
Andres Gutierré Laureano
Graduate of Bachelor of Science in Aviation Management
Marine Reservist since 2019
His pictures aligned with Carmina's. Same friend group. Same university. They're good friends with Diego.
I immediately logged out my account and forced myself to sleep.
—
Nung umuwi kami galing baguio di pa rin sila nagpapansinan ni Carmina. Nagsasalita naman si Carmina at okay naman siya sa amin.
Kaya understandable rin kung bakit di nagrereply si Carmina sa groupchat. Mukhang di pa talaga sila okay ni Angelo.
Tuloy pa rin naman ang buhay kaya nag book na ako ng grab para pumunta ng mall. Kailangan kong mga grocery para sa condo. May mall naman malapit sa condo since nasa Quezon City lang naman ako pero madami akong oras at gusto kong pahirapan sarili ko.
Nanood pa ako ng cine at namili rin ng bagong white formal top sa uniqlo. After grocery ay umorder nalang ako ng seafood bucket sa foodpanda kasi tinamad na akong mag luto.
"Ang daming time, bree?" bati ko nang sa wakas sinagot ko na ang tawag ni Bria.
"May sasabihin ako." Natatawa pang sabi ni Bree.
"What?"
"Sabihin mo muna 'please?' go."
"Leche ka!"
Ang lakas ng tawa niya at panay pangungulit na importante ang ibabalita niya.
"Video call dali! Naglilinis ako ng kusina." Ibinaba ko ang cellphone sa gilid ng sink at sinandal sa mag malaking baso para di matumba.
"Ano na naman? Si hans na naman?"
"Hindi!! Grabe ka palagi bang hans bukambibig ko?"
"Marami akong video oy! Pinag gagawa mo sa buhay."
"Ang sweet kaya namin."
Umiling nalang ako nang makitang kilig na kilig ang bruha.
"Well as i have said may cheka ako."
"Ano nga?"
"Well... parang na swayed lang pala si Angelo kasi nagpasama si Carmina sa hiring. Di talaga first choice ni Angelo yun kaya lang gustong gusto ni Carmina. Since supportive talaga si Angelo ginawa niya pa rin at sinamahan si Carmina."
Ginawa niya lang iyon para kay Carmina?
"Remember? Parang joke time lang sa kaniya yung hiring? Inenjoy niya lang?"
"San mo naman nakuha to?"
"Hans."
"And i've heard nasa Philippine Air force talaga ang pamilya ni Angelo pero sabi naman ng mga friends niya ay maloko talaga siya nung college at sakit sa ulo ng mga magulang. That explains why iba yung kursong kinuha niya."
"Teka...bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga ito?" Tinigil ko ang paghuhugas ng plato para maharap si Bria.
"Wala lang feel ko lang na kailangan mo?"
"Para saan?" I sighed.
"Wala naman. Diba nga no girl left behind?" She chuckles lightly.
"And oo nga pala his family allotted millions just for his flying pero di niya sineryoso. Parang bigla nalang siyang tumigil."
"Flying? Magpipiloto siya?"
"Di niya tinapos ang isang taon. Tinanong ko kina Hans kung bakit di nila alam."
Kaya ba Aviation Management tinapos niya?
"Galit na galit daw ang pamilya niya dahil sinayang yung pera."
"So second choice niya lang ang pagsama kay Carmina."
"Carmina wants Carmina gets." Bria answered.
—-
Bria: kita tayo bukas ha? Dont forget.
Avis: what time?
Bria: after lunch. Its a date!
Avis: fine. tigilan mo na kakachismis parang awa mo na para sa ikakabuti ninyong dalawa ni Hans.
Bria: public service. free of charge. thanks to me.
Avis: no thanks.
Bria: oh sasama pala si carmina sa atin.
Avis: sure! See you bukas!
BINABASA MO ANG
On His Roster (Aviación #1) Completed
RomantikIt revolves around her journey to becoming a cabin crew in an international airline company and her new life abroad. Avis Carolina Jueblo is a 25-year-old woman who loves to seek different heights. Lost girl is now finding her way to open a new chap...