9

961 7 0
                                    

Cycle

"Okay ka lang ba, Av?" nag aalala niyang tanong habang naghihintay kami sa clinic.

"Antok lang."

"Ano bang ginawa mo kahapon ha bakit ba ang tamlay mo?"

Wag na nating pag usapan kasi mas lalo akong nababadtrip. Salamat nalang talaga at hinatid ako ni Carlos pauwi kaninang umaga. Hindi ko na inisip ang hiya kasi gusto ko nang makauwi sa pamamahay ko.

Nakatulog pa ako sa upuan habang naghihintay kami at ginising nalang ako ni Bria nang tinawag ma kami para sa aming treatments.

May gana pa talaga akong mag tanong kay Carlos kagabi kung bakla ba si Angelo at tinawanan niya lang ako. He didnt took that question seriously.

So di talaga totoo na bakla si Angelo? Mapag panggap.

Nakatulog ako ng ilang oras kaya saktong natapos lahat ng treatments ko ay pumasok na din si Bria sa room.

"Bakla ka! Ano yung nalaman ko kay Hans ha? Kaya ba pagod na pagod ka? Umaga ka nang nakauwi sa condo mo." Umupo siya sa tabi ko.

"Hinatid ako ni Carlos. Party niya."

"Yun lang?"

"Yun lang."

"Nga pala nasa labas na sila Carmina. Tapos na rin sa kaniyang treatment kaya sabay na tayong mag dinner ha. Chinese Restaurant sa taguig."

Parang mas lalo akong napagod dahil sa narinig ko. Inayos ko ang dalang gamit at tumayo na.

"Sa labas nalang tayo maghihintay at kinuha na ni Angelo ang kotse niya."

Gusto ko nalang umuwi sa condo. Nagising kaluluwa ko nang bumati si Carmina. Ganda ng gising ah.

"Sa labas na tayo maghintay. I already texted Angelo kaya for sure umikot lang yun."

"Oh tara na! Gutom na rin ako." Excited na sabi ni Bria.

Nag uunahan ang kaba at init ng katawan ko nang pumarada ang sasakyan ni Angelo. Hinawakan ko pa si Bria para magkasunod kaming papasok. Gusto ko sanang magkatabi kaming dalawa sa likod pero naunahan ako ni Carmina.

"Sinong uupo sa harap?" Usisa ni Bria.

Ako lang ang di pa nakapasok sa loob at parang tanga na nakatayo lang sa may pintuan. I felt their eyes on me. His eyes on me. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya.

"Ikaw na sa harap, Av." Si carmina. Napalingon si Angelo sa kaniya. I saw how they stare at each other. Binura ko na yun sa utak ko at naglakas ng loob nalang na umupo sa harap.

"Seatbelt." heard his voice.

I obliged then focused my attention more on the road in front of us.

"Busy mo ha? Di ka na namin maramdaman kahit sa groupchat." Biro ni Bria.

Carmina laughed sweetly. "Pasensya na talaga. Bumabawi naman ako ngayon diba?"

"Iba talaga pag artistahin. Minsan mo lang mahagilap. Masyado ka nang busy sa manliligaw mo."

Natawa lang si Carmina. Pareho naman kaming tahimik dalawa ni Angelo.

"Parang totoo nga ang balita." Panunukso ni Bria.

My brows furrowed as i listened to them talk. Anong balita? Di ko mapigilan at napalingon sa tabi ko.

"Ikaw din ah? Nag uusap pala kayo ni Hans? Ang malandi na yun." Si carmina.

"Excuse me! Hindi naman kami nagtatago ni Hans. Sobrang busy mo lang kaya di mo na alam kung anong mga nangyayari sa buhay ng mga kaibigan mo."

"Agree. Pasensya na talaga."

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon