Friends
Buong araw kaming gumala at lahat ng tourist spot ng baguio ay pinuntahan namin. After ng lakwatsa at kain ng kung ano ano ay bumalik din kami ng hotel para makapag pahinga.
Magkasama kami ni Bria sa isang room. Sila Angelo at Carmina naman sa kabila. Madilim na sa labas nang natapos kami sa pag aayos.
Nasa banyo naman ako at tinatapos ang pagmemake up. I just need to spray rosewater on my face as a last step of my routine.
Light illuminator cream, pink blush and red lipstick lang suot ko. Nakalugay naman ang mahabang buhok. Dahil natural na straight ang aking buhok di ko na kinulot tulad ng usual kong ginagawa kasi tinamad na ako. And i feel confident pa rin naman kahit simpleng sleeveless white mini dress lang ang piniling damit.
"Akala ko sobrang malamig dito kaya ayan tuloy halos pang winter na ang mga dala kong damit," reklamo ni Bria.
Lumabas na ako ng banyo at inayos ang mga gamit na nagkalat sa kama. Bria is busy doing her hair now. She is an outgoing type of person. Magandang kalog. Maingay pero may pagka baby din ang ugali.
"Okay lang ba talaga sila?"
"Di ko rin alam, Bree." umiling nalang ako at inabala ang sarili sa pagaayos ng kama.
"Kanina di pa rin sila nagpapansinan no? Pansin mo?"
As much as possible di ko sila nililingon kanina at patay malisya na lamang. "Well nagsalita naman si Carmina kanina nung nasa cafe tayo." I added.
"Nagsasalita naman siya sa atin pero di niya talaga pinapansin si Angelo the whole time,"
"She talked to him naman nung nag offer siya ng tsokolate," nilagay ko na ang makeup pouch sa loob ng aking travel bag at umupo na sa kama para maghintay kay Bria.
"Oo pero yun lang sa buong araw."
"Okay na ang mga yun. Diba nag aya nga na mag night market? Kung wala sila sa mood dapat ay manatili nalang sa hotel room at matulog?"
"Sabagay..." nag aapply na siya ng liptint ngayon. Bria is the youngest among us four. Bubbly ng personality niya. As a twenty two years old ang dami niyang chismis sa buhay.
"Akala ko ba di ka nilalamig?" umiling ako at natawa habang pinapanood siya.
"No choice. Itong jacket nato ang pinaka manipis na dala ko." She sighed. "Buti nalang cropped."
she paired it with light colored jeans and white bulky shoes.I only have my white shoes with me kaya bumagay din naman sa dress ko. "Mamimili ka mamaya ng thrifted clothes? Balita ko maraming magandang paninda rito." i asked. "Mahal nga lang pero kung maganda naman sulit na rin." I added.
"Siguro mamimili ako. Gusto ko rin na masubukan yung sikat na shawarma," she smiled excitedly.
Habang naghihintay kami ay bigla namang tumawag si Angelo kay Bree. Ang baliw na Bree ay agad ni pinasa sa akin ang kaniyang cellphone.
"Hi!" bati ako at ngumiti na lamang. Pinandilatan ko si Bree at ang walang hiyang babae humagikhik lang at nagpatuloy sa kaniyang pag aayos.
"Ready na kayo? Bumaba na kayo rito."
"Almost done! Inaayos nalang ni Bria ang dlaa niyang bag. Bababa na rin kami in 5 minutes." Tumayo na ako at kinuha na ang maliit kong pouch.
"Saan niyo ba gustong kumain? Dinner muna tayo bago mag iikot sa market."
"Huh? Sa market nalang tayo kakain. Maraming masarap doon. Street foods," singit ni Bria.
Angelo chuckled. "Fine. Maghihintay lang ako rito."
BINABASA MO ANG
On His Roster (Aviación #1) Completed
RomanceIt revolves around her journey to becoming a cabin crew in an international airline company and her new life abroad. Avis Carolina Jueblo is a 25-year-old woman who loves to seek different heights. Lost girl is now finding her way to open a new chap...