10

907 8 0
                                    

Hired


At dahil nga okay na si Carmina nabuhayan na naman ang group chat. Doon sila nag iingay ni Bria. Parang naka depende ang grupo sa kung anong mood ni Carmina.

That dinner made me realize something so important. Kaya ngayon ay nag eempake ako para sa flight ko mamaya papuntang cebu.

I received an invite from an international airline. Sa cebu gaganapin ang interview kaya ako pupunta doon.

Position: Cabin Crew Recruitment | Cebu, Philippines | 2023

Thank you for your interest in joining our award-winning Cabin Crew community at Emirates

We are pleased to invite you to participate in our upcoming Cabin Crew Recruitment Event.

This is an exciting time to join as we continue to lead the aviation industry by placing the customers experience at the heart of everything we do.

Dala ang aking carry on luggage ay pumunta na ako ng airport for my 2 am flight. I booked a room in a hotel near the venue.  I am scheduled for an interview at 3pm kaya dapat ready na ako by 1 pm para may oras pa ako to study and prepare mentally.

—-

My family lived in Cebu. Pagkatapos ng interview ay umuwi ako sa amin. I decided to just stay here with my family while waiting for the next step.

I'll be here until April. Usually 1 month naman ang waiting time bago makaka receive ng email. Doon mo malalaman kung anong susunod na process.

Hindi alam nila Bria na nandito ako sa cebu for three weeks now. Hindi na ako masyadong active online at mas inabala ko nalang ang sarili sa ibang bagay.

Alam kong may napagkasunduan na kami ni Bria. But i feel like i really need this at isa pa sayang naman yung opoortunity.

Goal ko naman talaga ang magtrabaho abroad. Hindi kasi nakakabuhay ng tao ang pasweldo dito sa bansa natin. Ang mahal na ng mga bilihin lalo na ang renta sa condo. Gusto kong makapagbigay ng suporta sa aking pamilya kaya dapat talaga malaki ang perang pumapasok buwan buwan.

Sakto naman nung nag June ay abala na ako sa pag proseso ng mga papeles. Natapos ko na ang medical at naghihintay nalang ako ng Visa para maka alis ng bansa.

I only spent 5000-10,000 para matapos ko ang pag proseso kasama na doon ang mga ginastos para sa pamasahe sa araw araw kong pag punta sa mga opisina.





Ilang missed calls ang natanggap ko mula kay Bria. Ilang messages na rin sa facebook groupchat ang hindi ko nabasa at nasagutan.

Nung last week ng April ko pa nalaman na lumabas na ang results. Hired kaming apat sa isang local airline sa Pilipinas pero kahit na maganda rin yung kompanyang iyon ay mas pinili ko ang humiwalay sa kanila.

May mga plano na sanang nabuo kasama silang tatlo. Sabay kaming magpoproseso ng mga requirements, yung medical hanggang sa training. 2 months din ang training bago ang graduation.

Dati naiimagine ko pa na sabay sabay kaming mag aaral sa coffee shop. Magtutulungan na maipasa namin yung mga exams. Kasi paniguradong mahirap iyon.

Omg! Guys check your emails! -Bria

Their sending out results today! Manifesting good results for everyone. Congrats to us! - Bria

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon