5

1.4K 7 0
                                    

Jacket


May pinuntahan pala si Carmina at yung kasama niyang lalake kanina. Matagal din kaming naghanap sa kaniya kaya pala kahit paulit ulit na naming inikot ang area ay di naman nakita si Carmina.

Baka babalik na siya ng hotel pagkatapos ng lakad nila kaya wag na raw naming hintayin sa park. Matatagalan daw kaya mauna nalang kami at magkita kita nalang mamaya sa hotel.

"Buti nalang pala makapal tong suot ko," heard Bree sighed tiredly. Nakasandal na ang katawan at pagod na pagod.

My skirt is a bit damp pero dahil sa lakas ng aircon sa loob ng kotse ay medyo nawala ito. I rested my head on the window. Pinapanood ang bawat nadadaanan. Makulay at mailaw pa ang daan at sobrang daming tao ang naglalakad. Nililibot ang bawat tindahan.

Madaming tao sa labas ng resto bar. Its still nine in the evening nung dumating kami sa location. Sinalubong naman si Angelo ng kaniyang mga kakilala na mostly ay mga kalalakihan. Nagtawanan pa sila at matapos ng madaliang batian ay pinakilala naman kami ni Angelo sa mga kaibigan.

Yung morenong lalake ang may ari ng bar na to. He welcomed us warmly. May mga restaurant business pala ang pamilya nila kaya di na bago sa kaniya ang pamamalakad ng negosyong tulad nito.

Naka alalay naman si Angelo at ang kamay ay nasa aking likod habang naglalakad kami papunta sa roof deck.

"Feel free to order guys! Your first night always came on the house."

May mga round  table at high chair sa bawat sulok. Sakto lang ang dami ng tao sa roof deck compare sa baba.

Umupo na kami at agad naman na namigay si Bryan ng menu. Tinapik ng kaibigan ang braso ni Angelo bago umalis para abalahin ang mga drinks.

"Nagutom ako! May calamares ba rito?" Abala na si Bree sa menu.

I took a sip on my goblet and wander my eyes around the area. Ang ganda nga ng view dito. May live band din na tumutugtog.

"Huy! Parequest naman ng tingin!" At dahil sa kakulitan ni Bree ay bigla na kaming naiwan ni Angelo sa table. May mga lumalapit din na mga waiter at isa isa na ring nagsidatingan ang mga drinks.

"Anong sayo?" I started checking the menu and asked him about his order.

"Gusto mo ng dessert? Wait...kumain ka na ba ng dinner?" Parang di ko yata nakita na kumain ang isang to ng maayos na pagkain.

"Pasta is fine," he shrugged. Bigla niyang nilagay ang itim na jacket sa aking balikat kaya nakaramdam ako ng init sa katawan. Di ko nga napansin na may dala siyang leather jacket kanina. Tshirt lang naman suot ng taong to buong araw.

Kanina pa pala talaga ako nilalamig ngayon ko lang nabigyan ng atensyon nang naramadaman ko ang init. Pero di ko na masyadong pinansin iyon at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng menu.

"Carbonara?"

Umupo na rin siya at tumango na lamang. I watch him for a quick second and bit my inner lip to stop myself from doing anything. Kahit anong basa ko sa menu ay pilit na lumilipat ang mata ko sa cellphone niyang nasa lamesa.

"Umiinom ka ba, Av?" He suddenly asked.

"Huh?" Nabigla sa random niyang tanong. "Oo naman," i continued even though i know its only half true. I dont fancy drinking that much since i hated feeling sick. I hated being drunk.

"Good. Enjoy tayo tonight." He smiled boyishly. Nakatuon na rin ang mga mata sa hawak kong menu.

"Do you party?" Nag taas siya ng kilay.

"Occasionally." Pag kailangan. I can almost see myself rolling my eyes. I enjoy it depends on who i am with. Masaya pag game lahat ng kasama sa grupo.

"Like in a club?"

"I do love it depends on the type of music they're going to play. EDM...pop and rnb mix—those things."

He took a one big gulp of beer and nodded. Sumandal siya sa upuan at nanatiling nakatitig. Like his mind is onto different space...definitely not here with me.

"I love it! See? Sinunod nila request ko!" Bria squeal excitedly and sat on her chair. Bree the happy pill for the night.

I smiled at her and moved my attention back to what i am reading. Mas lumakas ang music o talagang ang tahimik ng table namin? Pero kahit ganoon apektado pa rin ako sa lalakeng nasa tabi ko.

They're now playing the song requested by Bria: Tingin

Kinuha na ng waiter ang mga order namin kaya naman panay kwento na si Bree. I tried not to turn my eyes back to him again. Inabala ko ang pakikipag tawanan kay Bria.

Felt a gentle pat on top of my head kaya napa angat ang atensyon ko sa lalakeng kakatayo lang mula sa kaniyang upuan.

"Cr lang ako."

Pareho kaming napatitig sa kaniya. Sabay naman kaming tumango ni Bria at hinayaan siyang makaalis ng table namin.

"So yun na nga. After ng graduation ay naghiwalay na kasi alam mo yun? Di ako masaya...i mean not 100% and i feel like nagsesettle lang ako sa kaniya. At ayaw ko yun gusto ko yung siguradong sigurado ako sa decision ko."

"So ganun lang?"

"Hmm...oo kasi parang nagsasayang nalang kami ng oras sa isa't isa. Alam mo kasi sa pag ibig kabahan ka na kung ang idea na di kayo magkasama o magkausap ay okay nalang sayo. Yung tipong di mo ikamamatay pag wala siyang time for you? Yung wala kayong moments together? Di ka affected na delay yung reply niya. Okay lang sayo na umabot ng isang linggo wala pa rin kayong communication."

"So ganun nalang kadali mong tinapos?"

"Yup i just said i am done."

"Grabe ka naman!"

"Yeah." She agreed.

"Di mo pinagsisihan?"

"Not really..." sagot naman ni Bria. "Kaya gusto kong mag meet ng mga bagong tao sa buhay ko ngayon. Ikaw?"

Halos maubo ako nang saktong bumalik si Angelo sa table namin. May ngiti pa sa labi na tila ba ay may kausap siya bago naupo rito.

"Taken ka?" taas baba ang kilay ni Bree na para bang nanunukso.

"Not to sound weird but i dont wanna recognize my past as a relationship. I believe it doesnt count since it was never official. So...hard no."

Umawang ang labi ni Bree at pabirong sinapak ang balikat ko. "Landi ka! So sino yung nasa gallery mo? Situationships? Collection?"

"Huy grabe ka sa collection. Di naman! Its just that it never get to the point that we recognize the relationship as an official—"

"No label?"

"I wanna see it as two players enjoying the game. Trial pack. Tester."

"Ang sama!"

"Ano yan?"

"Wala! Wag ka nang makialam." I hissed at him.

"Naku! Totoo nga sabi nila delikado ang mga taong nananahimik." singit naman ni Bree.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon