Prologue

2.1K 49 2
                                    

"Let me see you after the game. Bring your volleyball things" agad kong tiningnan ang text niya after niya mapanalo yung game nila.

"Okay. See you" I texted back kaya gumayak na rin ako.

Pagpunta ko sa court kung saan kami magkikita ay wala akong nakitang kahit anong anino.

"Hello?" tanong ko sa kawalan dahil hindi ko sure kung dumating na siya.

May bigla tumakip ng aking mata mula sa likod.

"Haha funny" nasabi ko na lang.

"Guess who" pinaliit pa niya boses niya kaya natawa ako pero sumakay ako.

"Eto ba yung favorite player ko?" tanong ko kaya nawala ang mga kamay sa aking mata at hinarap niya ako sa kanya.

"Ding ding" sabay halik sa akin sa labi

"Bakit mo nga pala pinadala ng kneepads?" taka ko

"We will do some drills love" may kung anong paro-paro ang kumawala sa aking tyan pag tinatawag niya ako ng kahit anong endearment. Actually ang dami niya endearment sa akin and it never fails to cause the butterflies in my stomach to flutter.

"Hindi ka pa ba pagod?"

"For you? No" sabi niya habang kinukuha yung bola sa bag niya.

I blushed. "Cute mo" dagdag niya

"Pero bakit need natin mag drills?" sinusuot ko rin yung kneepads at shoes ko.

"Di ba kami next niyo kalaban?"

"And?"

"Para naman may masalo kang palo ko" yabang niya sa akin.

"Yabang" natatawa kong sabi.

Sinimulan na namin mga drills. Wala siyang patawad sa akin kala mo hindi siya naglaro kanina. Sobrang bigat pa naman ng mga palo niya.

After namin nag drills ay nagpahinga na kami.

"Ano reward ko pag kami nanalo?" tanong niya habang iniinom yung bottled water kung saan ako uminom.

"Ewan" kasi wala naman talaga ako idea.

"Alam ko na" ngiti niya sa akin

"Ano?" curious ako baka kalokohan nanaman iniisip nito e.

"Secret" sabi niya

"Ako rin may naisip na reward ko"

"Ano?"

"Secret" kaya tumawa siya at kinurot cheeks ko.

After non ay naghanda na kami para umalis sa court.

"Huwag mo na ako ihatid. Mag grab na lang ako since out of the way ako plus pagod ka sa game"

"No can do kahit pagod ako safety mo pa rin priority ko" sabi niya habang kinukuha bag ko.

Kaya wala na ako magawa dahil ipipilit lang nito ang gusto niya. Sobrang stoic ng mukha nito sa public pero sa akin niya lang pinapakita ganito niyang side and I like it.

"So this is me" hininto niya ang kotse sa tapat ng dorm namin.

"After this season we should date more" sabi niya sa akin out of nowhere.

"I agree"

Hinalikan ko siya at sinabing "See you on court and don't go easy on me"

Ngumiti siya sa akin at tumango.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon