Chapter Twenty Five

649 23 6
                                    

"Close pala kayo ni Gutierrez?" tanong ni Cap. Lance sa akin habang nagcocooldown na kami.

"Mahabang kwento Cap" sabi ko sa kanya while stretching my legs para di masyadong sumakit bukas.

"Okay pero goods na close kayo so you can socialize with other players" ngumiti lang ako sa kanya at inassist siya sa kanyang cool down.

"Tama si Cap maybe someday mapasok ka niya sa club teams kasi for sure dami kukuha ron" singit ni kuya Colton.

I lightly chuckled at his idea. "Grabe si kuya Colt club teams na agad. Eh marami pa akong kakaining bigas"

"Pahumble amputa" biro niya sa akin at tinuloy na namin ang cooldown while discussing what happened in the game.

Naligo na rin ako sa loob ng arena since may shower area naman na sa loob. I also did pack my things na dadalhin pag-uwi.

'Where are we going to meet and what are going to talk about?' chat agad ni Blake ang bumungad pagbukas ko ng phone ko.

'Sa 7/11 mga 10 and actually I don't know'

Sa totoo naman e hindi ko alam ano pag-uusapan namin. There's a part of me na to say sorry in ignoring him.

'K' yan lang ang kanyang chat  niya and I don't know if I am reading too much to it pero parang ang cold.

"Hans help mo si Colton sa ice box" utos ni ate Hanna kaya tinago ko na ang phone ko at tinulungan si kuya Colton.

~

"Hay salamat makakapagpahinga rin sumakit katawan ko sa laro" tumalon si kuya Ash sa kama niya na nasa taas ko.

"Oo nga grabe si Gutierrez galit ata sa team natin" nakapikit na si Yuki nung tiningnan ko.

"Ewan ko ba ron naging super saiyan kanina"

"At least hindi tayo tinambakan malala" tawa ko sa kanila which they agreed.

"Buti nakaya mo yung palo non at hindi nagkalas ang mga braso mo" iniikot ni kuya Justin ang kanyang mga braso.

"Lakas ko kaya" biro ko sa kanila at binato sa akin ni Yuki yung unan niya.

Natulog naman ang mga kasamahan ko at humihilik pa si Yuki pero ako hindi ako makatulog dahil masyado ako nag-aalala sa mga dapat na sabihin ko kay Blake pag nagkita kami.

Nakahiga lang ako sa kama at nagscroll nang kung ano-ano to take my mind off of it kaya lang maya't maya ako tumitingin sa oras kung 10 na ba or hindi.

"Kuya Justin alis lang ako punta ako 7/11 may papabili ka ba?" gising pa kasi si kuya Justin at nagkakape may ginagawa atang school related activity.

"Wala naman and ingatan ang puso mo" hindi ko kung tama yung rinig ko o hindi.

"Huh?"

"Wala sabi ko ingat ka" malaki ang ngiti niya.

Di ko na siya pinansin kung ano sinabi niya at tumakbo ako sa 7/11. Nang malapit na ako ay binagalan ko yung lakad ko baka kasi sabihin excited akong makita siya which partly true pero mas malaki yung kaba ko.

Nakita ko siya naka upo siya at kita sa glass window. I saw his car din na nakapark so pumunta siya dito na nakakotse.

Pagkabukas ko sa pinto ay gumawa ito ng ingay and Blake quickly glance at my way. Ngayon ko na lang ulit siya nakita ng malapitan and he looks more handsome.

"Quit it Hans" I mentally said to myself.

"Hi" bati ko sa kanya na nakangiti pero tumango lang siya kaya umupo na ako.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon