'Are you sure you are okay?' chat sa akin ni Blake dahil sinabi ko sa kanya na nakaline up ako for today's game. Well tinanong din ako nila coach kung okay na ako and I said yes kasi totoo naman na okay na ako. We run our strategies while riding papuntang venue so aware ako sa mga dapat gawin mamaya.
'Yes po papa' biro ko sa chat.
Pafall talaga si loko pano nung isang araw pa tanong nang tanong kung okay ako. Hanggat maari iniiwasan ko na nga siya para hindi lumalim yung pagkagusto ko sa kanya siya naman lapit nang lapit. Walang ba siyang pakiramdam man lang.
'I'm here in the audience near ng bench ng mga players with Diana'
He then sent me a picture of him smiling while his hands is in shoulder of Diana at si Diana naman ay nakawink na nakathumbs up.
Ayun lang nawalan ako ng gana magchat sa kanya kaya hineart ko na lang. Sakit naman sa heart, sinampal ako ng katotohanan na may girlfriend na siya. Hirap umasa sa wala.
"Tigilan mo Hans may laro ka ngayon" paalala ko sa sarili ko.
Hindi ko na rin tiningnan kung nagchat pa siya dahil nagfocus na ako sa mga dapat gawin ko mamaya.
"Guys labas na raw tayo" sabi ni ate Hanna kaya pumila na kami sa labas.
Noong lumabas kami ay naghiyawan ang mga tao. Andito rin pala sila mama at papa sa crowd pero hindi ko makita basta sinabi lang nila ay mananonood sila since last game ko na raw ito.
"Go Hans!" tumingin ako at nakita ko si Diana na nagchecheer para sa akin. How can I hate this girl eh tingnan mo nga nagchecheer siya sa akin plus sobrang bait pa niya malas ko lang talaga na siya girlfriend ng gusto ko. Katabi niya si Blake na nakangiti sa akin.
Nagheart sign ako sa kanila bago mag-umpisa yung warm up namin. Medjo nacoconcious lang ako mag warm up since si Blake ay nanonood.
"Starting Libero is Hans Romero" nakipag-apir lang ako sa mga kateammates ko at mga coaches.
"Let's get that bronze guys" sabi ni Capt. Lance sa amin.
"Westwood University!"
"Westwood Laban!"
I don't know what have we eaten earlier but all I can say is sobrang fluid ng galaw namin. Lahat ng serve namin pumasok, on point din yung mga receive and digs namin, at higit sa lahat ay 2 lang ata yung error namin which leads to us having dominating first set.
"Nice one team. Pagpatuloy lang natin ang ginagawa natin. Execute what we practice" paalala ni coach Jesus habang naghuhuddle kami.
Then second set came, dito medjo nagising yung kalaban namin pero nevertheless eh nakuha pa rin namin yung set na iyon even though we are plague with errors.
We are on the third set and hopefully ay last set na namin. This set is different because we are trailing by 5 points. Aaminin ko na medjo nagrelax yung team because we are up by 2 sets to none.
Sobrang hirap habulin ng 5 points sa totoo lang at match point pa sila kaya crucial na kung mag-eerror kami dahil if it ever happens eh extended sets.
"Check ball!" sigaw ni kuya Colt.
"Habol!" sigaw nung mga nasa bench.
Out of my instict ay hinabol ko yung tumilamsik na bola. Sa kagustuhan ko mahabol ay nakalimutan ko tingnan kung saan ako tatama. I did save the ball pero sumubsob ako sa screen and it hits my side body. Rinig yung reaction ng audience sa nangyari sa akin.
Hindi ko na inintindi yung sakit na nararamdaman ko at tumakbo sa court dahil nakita ko si Capt. Lance na dinala yung bola sa kabilang court. Pumuwesto agad ako sa zone ko. Since free ball iyon ay madaming option yung setter ng kalaban in terms of plays kaya mahirap hulaan.