"Guys this is our plan on defeating the Trenton University"
Nakaharap kaming lahat sa white board na puno ng game plan namin when we face off against Trenton.
Tinuturo ngayon ni coach yung mga strategy namin kung pano lalabanan ang Trenton. Halos anong oras na kami matapos magtraining araw-araw dahil Trenton ang kalaban namin kasi pag natalo namin sila ay malaki ang boost sa aming morale. Halos tumira na kami rito sa gym para lang paghandaan mabuti sila Blake.
Lahat ng videos na pwedeng panoorin at aralin ay pinanood na namin. Pinag-aralan namin yung mga pwesto nila and mga tendecy nila sa mga laro so it is a matter na lang ng execution on our part.
"I believe that we can beat Trenton University just trust yourself and most important is to enjoy the game"
Tumayo na kami and formed a circle to huddle.
"Westwood University!"
"Woodpeckers Fight!" sigaw namin.
As for me naman ay buong linggo ay dinedicate ko yung oras ko sa pag-aaral at training para mawala yung isip ko sa nararamdaman ko kay Blake. Kailangan ko magfocus sa pag-aaral at laro. Mas nakakatulong na hindi nagchachat si Blake kaya halos isang linggo na rin na hindi kami nag-uusap at nagkita. Busy din ata siya sa training nila.
Hindi ko rin kasi alam ang gagawin once na magkita kami now that I admit na may gusto ako sa kanya. Hindi ko alam ano ba dapat kong igalaw once na nakita ko ulit siya.
Bukas na ang laban namin against Trenton kaya maaga rin kami natapos since we need to rest our body kasi hindi magiging biro ang laban namin sa kanila. Sana naman hindi kami matambakan o kaya makalapit man lang yung score namin but I have faith sa mga teammates ko. Basta I will do my best to help the team.
~
"Players board the bus now" announce ni Ate Hanna sa amin kaya sumunod na rin kami. Second game pa naman kami pero we chose na agahan para hindi matraffic and to observe yung team naglalaban since yun yung next assignment namin.
"Ready ka na?" siniko ako ni Yuki at siya rin ang katabi ko sa bus.
"Yeah" ngiti ko sa kanya.
"Let's do our best" halata mo siyang determindo na manalo buti hindi siya masyadong naapektuhan with our lost to Preston.
Natulog lang ako buong biyahe to energize myself, isang oras din kasi aabutin yung biyahe namin papuntang arena.
Pagdating ko sa arena ay nakita ko yung bus ng Trenton University kaya alam kong nauna sila Blake kaysa sa amin.
Bigla naman ako kinabahan with the thought na first time ko makakalaban yung team nila Blake.
Sinampal ko ang sarili ko to focus. "You can do it Hans"
"Oh okay ka lang Hans?" alalang tanong ni coach Cholo.
"Yes coach just psyching myself up" nahihiya kong sabi dahil nakita pala niya iyon.
"Kakaiba ka mag psyche up ah" umiiling si coach Ivy.
Pagdating naman sa dug out namin ay kanya-kanyang baba ng gamit at pwesto para gawin ang mga gagawin nila. Ako ay nag muscle tape to provide support sa joints ko and ganun din ang ginawa ng teammates ko. Yung iba ay nagkaonting warm up.
After non ay nanood kami kahit saglit ng ongoing na laban para mag-observe pero ako palinga-linga para hanapin sila Blake pero wala ako nakita which is good dahil hindi pa ako handa to have an interaction with him, sa mismong game na lang.
"Guys balik na tayo dug out" aya sa amin ni Capt. Lance kaya nagsisunod na rin kami.
Nagsasapatos na ako kasi tapos na yung game and we are next kaya naghahanda na ang lahat.
