Chapter Ten

426 14 4
                                    

Sa labas pa lang ng club ay rinig mo na ang dumadagundong na kanta sa loob. Hindi naman ako bago sa alak kasi after namin tumuntong ng 18 ay umiinom na kami ng mga kaibigan ko. As in yung uuwi kang gumagapang pano deprived kami non kasi pinangko namin sa sarili namin na hindi kami iinom hanggat hindi 18 pero after sunod-sunod na inom namin.

The thing is bago ako sa club kasi puro kami bahay lang umiinom. This will be my first time kaya sana masaya maging first experience ko.

Hinanapan lang kami ng ID and then ni-lead kami ng staff sa table namin. Sakop namin yung dalawang table.

"Ano gusto niyo inumin?" malakas na tanong ni Cap Lance kasi hindi siya marinig sa sobrang lakas ng music.

"Ikaw na bahala Cap" sigaw naman ng kasama ko kaya nag okay sign si Cap sa amin.

Tequila una naming ininom which is first time ko matitikman. Sobrang tapang pala sa lalamunan nito kaya kailangan sumipsip ng lemon na may asin.

After hours of drinking ay nakatatlo na kaming bote. Kakuwentuhan ko lang mga teammate ko kung ano-ano tapos yung iba nasa dance floor na. Medjo hilo na ako at this point kaya medjo tumigil muna ako. Tiningnan ko ang relo ko, medjo blurry na yung paningin ko pero nakita ko na 1:30 am na pala.

"Ano gusto niyo magsunog ng upuan?" tanong ni Pat sa amin. "Tara sumayaw tayo!" bigla niya ako hinila at hinila ko na rin si Yuki para hindi lang ako. Mabuti na ito para mawala rin amats ko sa alak.

Mga ilang minuto lang ay halos magwala na si Yuki sa dancefloor kaya tawa kami nang tawa ni Pat. Halos sino-sino nakakasayaw niya pero di namin inawat kasi we were meant to enjoy. Noong mapagod kami kakasayaw ay inaya ko na sila Pat na pumunta sa table namin para magpahinga.

Pagpunta namin sa table namin ay bigla ako nagulat dahil may mga ibang lalaki nakaupo at kausap ni Cap.

"Shit" nasabi ko na lang kasi halos kilala ko ang kausap ni Cap dahil nga Trenton University volleyball player ang mga ito. Kasama syempre si Blake kaya doble kaba ko.

"Oh buti nakabalik na kayo" kaya bigla silang lahat lumingon sa amin. "This is the rest of our rookies Pat, Yuki and si Hans. Rookies this is the Trenton University Men's Volleyball Team" pakilala ni Cap sa amin.

Sana hindi ako makilala ni Blake. Nakakahiya yung nagawa ko siya, well may hoodie pa siya sa akin pero ang weird kung hihingin niya sa akin iyon baka ano pa isipin ng mga ito. Tumingin ako sa gawi ni Blake at buti tumango siya na para walang pake sa existence namin at mukhang hindi niya ako nakilala. What a relief.

Tapos non ay umupo na kami sa table namin. Sa kabilang table pala sila Blake pero nag join force na kami sa kanila. Kwento lang nang kwento sila Cap sa teammates ni Blake at minsan sumasama si Yuki kasi kilala niya ang nga ito. Ako naman ay focus na huwag tumingin sa gawi ni Blake at umiinom na lang.

Tumigil ako saglit sa pag-inom at nagawi ang aking mata sa gawi nila Blake. May kumakausap sa kanyang babae pero parang wala siyang pakielam dahil nakatingin siya sa gawi namin. Kaya ang ginawa ko ay umiwas na lang ng tingin. Kinakabahan ako sa kanya e, ewan bakit.

"Guys CR lang ako" paalam ko sa kasama ko at ang iba ay tumango yung iba naman ay halatang lasing na.

I did take a pee then hugas kamay kasama mukha para medjo fresh yung mukha ko at baka makatulong sa lightheadness ko.

"Asaan ang hoodie ko?" may bigla nagsalita sa tabi ko after lumabas ng cr.

"Jesus christ!" gulat kong sabi sa kung sino man ang nagsalita dahil nagulat ako. Tiningnan ko kung sino ito. Si Blake lang pala.

"Nasa dorm malamang" medjo wala ako sa mood kausapin siya.

"Kunin ko sayo bukas ng 9 pm sa 7/11" sabi niya sa akin habang pabalik kami sa table namin. Makautos naman ito.

"Huwaw makautos ah" inis kong sabi

"Why?"

Tumingala ako para tingnan siya dahil matangkad siyang tao. "I just waited for you everyday sa 7/11 and I did message you sa IG and I got no response" bakit ko ba sinabi yon? Parang may tampo naman yung pagkakasabi ko non.

"You waited for me? And you follow me pala and you say that you are not a fan of mine" ngisi niya sa akin

"Don't think highly of yourself"

"Still--" pinutol ko na sasabihin niya sa akin.

"Just shut up. Oo na pupunta na ako bukas sa 7/11" irita kong sabi sa kanya at hindi ko na rin siya pinagsalita. Pumunta na ako sa table namin.

"Tagal mo ah" sabi ni Yuki

"Baka may ginawang kababalaghan" taas baba kilay ni Kuya Ash sa akin

"Lul mahaba pila" palusot ko na lang sa kanila at tinagay ang alak na nasa table. Tumingin ako sa gawi nila Blake at nakatingin na naman siya kaya I rollled my eyes at him.

Nag group picture nga pala kaming lahat. Sana naman ay kita ako sa mga picture sobrang tatangkad ba naman ng kasama ko. Hiningi din nila username namin para matag sa mga photos.

Bandang 5 am ay magsasara na yung bar kaya pinapabill out na kami which we did.

"Yuki ang bigat mo. Bakit ka kasi nagpakalasing?" buhat ko ngayon si Yuki. Isipin niyo na lang ang akay ko ay mas matangkad pa sa akin. The struggle is real. Wala naman tumutulong sa akin kasi busy din sila buhatin iba namin teammates. Hindi ko alam bakit sinagad nila yung alak kung hindi naman pala nila kaya.

"Let me help you" biglang hablot ni Blake kay Yuki sa akin

"The fuck?" oh di ba ako na tinulungan ako pa masungit sa kanya.

"Ah little jumpy there. Bawasan mo kape mo" kala mo naman talaga concern.

"Just help me with Yuki" kaya parehas kami nakaalalay kay Yuki. Nako papalibre talaga ako rito for all the trouble he made.

Inupo namin si Yuki sa pavement. Puno yung pavement na mga nakatalungko na mga tao lasing siguro din sila. Ako naman ay nag-inat ng mga braso dahil medjo mabigat si Yuki for me.

"Thank you" tiningnan ko si Blake ngayon na nakatingin sa kawalan.

"No problem" balik na naman siya sa walang emosyon.

"Guys andito na yung sasakyan. Isakay na mga yan" sabi ni Cap kaya iyon ang ginawa namin at sumakay na rin ako sa window side ng kotse.

"Thanks pare and see you around" nagfist bump si Cap at Blake.

"No problem and good luck sa training pre" ngiti niya kay Cap.

Tumingin siya sa gawi ko. "See you" kaya tumingin si Cap sa gawi ko at bigla ako namula kaya iniwas ko ang tingin sa kanila.

Pagkasakay ni Cap ay bigla niya ako tinanong. "Close kayo ni Blake?"

"No" kasi totoo naman

"Eh bakit nag see you sayo?" dinaig na ni Cap si Boy Abunda.

Nakibit balikat na lang ako. "Lasing na ata hindi alam pinagsasabi" at buti hindi na nagtanong si Cap about it.

Ako na naman naatasan kay Yuki para itaas since roommate kami. Nag struggle na naman ako sa pagtaas sa kanya. Inihiga ko na siya sa pwesto niya at ako naman ay naligo para matanggal yung tama ko. Pagkatapos ay natulog na rin ako.

~

"Ayoko na uminom" nakahawak si Yuki sa ulo niya.

"Inom pa" asar ko at pinaghanda ko siya ng makakain na niluto ni kuya Justin.

"Thank you talaga Hans for carrying me and now serving me" drama ni Yuki sa akin.

"Anong thank you hindi ako tumatanggap non ilibre mo ako dahil wala ng libre sa mundo" biro ko sa kanya

"Your wish is my command master" sakay niya

"Sige gusto ko house and lot"

"Yung presyong estudyante lang master" parehas kami tumawa at kumain na siya tapos ako ay nag post ng story at nag repost.

Hapon na pala kami nagising at nag message na ako kila mama na hindi na ako makakapunta sa amin dahil nag club kami. Sabi ko sa kanila ay bawi na lang ako sa kanila.

Habang nag-sscroll ako at umiinom ng kape ay bigla may nag pop out na message.

"Holy shit!"

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon