Chapter Thirty Four

1.3K 28 27
                                        

Tumakbo siya sa gawi namin and he did some bro hug to each person na andito na parang matagal na niya kasama. Sabagay yung iba dito ay nakakasama niya kapag may national team duties siya.

"Musta Blake?" tanong ni kuya Owen sa kanya.

"Eto pogi pa rin" nagbuhat pa nga ng bangko pero totoo naman na pogi siya.

"Ulol. Wala kang pinagbago mahangin ka pa rin" sabi na lang ni kuya Owen.

With the way they speak with each other ay alam kong close na close sila.

Humarap naman siya sa akin kaya namula ako sa mga tingin niya dahil nakipagtitigan lang siya sa akin.

"Why?" iwas na tingin ko sa kanya.

"Bakit di mo sinasagot chat ko sayo?" may hint na tampo sa boses niya.

"Ah iniwan ko sa kwarto namin kasi gusto ko lang kasi mag-explore sa compound" sabi ko sa kanya. Ewan ko ba bakit need ko sa kanya mag-explain eh hindi ko naman siya jowa.

"I-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sumungit si kuya Elis.

"Kilala mo pala si Blake?"

"Yeah mahabang kwento" natatawa niyang tingin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil tumatawa siya.

"Ano sasabihin mo?" binalik ko yung topic namin dahil parang may sasabihin siya sa akin.

"Nevermind bakit ka andito kala ko mag-eexplore ka?" pag-iiba niya ng usapan.

Nagkibit balikat ako. "I will do that pero nakita ko sila nagseset-up ng net kaya tumulong ako. Nakakahiya eh"

Humarap siya kela kuya Owen. "Inutusan niyo pa si Hans. He is only new to this. Grabe naman kayo" he said in a disappointed tone.

"Hey he offers himself and we need some extra help. Ikaw sana pero late ka naman dumating. Kung hindi ka late dapat ikaw tumulong instead of him" sabi ni kuya Kenneth.

"Pinagod ka ba nila?" concern na tanong niya. "Don't be afraid to tell me the truth dahil ibabalik natin pagpapahirap nila sayo"

Natatawa naman akong umiling. "Minsan talaga OA ka no"

"Baka lang naman natatakot ka eh. Mga mukhang scary pa naman mga 'to"

"Hoy makascary ka naman dyan eh lamang ka lang ata ng ilang paligo sa akin" singit naman ni kuya Owen.

"Oo na lang Owen" sabi niya at humarap ulit sa akin. "Do you want to explore together?" suggest niya.

"H-huh?"

"Kabisado ko na kasi 'to since we used to train here" proud niyang sabi.

I chuckled. "Parang tour guide ganon?"

"You can say that" ngiti niya.

"Pero pano sila?" turo ko kela kuya Owen na nakatingin lang sa amin kaya naconcious naman ako. "And baka may gagawin ka pa makaabala pa ako"

"No go ahead Hans baka maudlot pa namin date niyo kaya na namin from here" asa ni kuya Kenneth kaya namula ako.

"Fuck you Kenneth" sabi ni Blake and he grabs my wrist. "Hindi ka abala sa akin. Trust me"

Hindi ba siya nacoconcious na maraming nakatingin sa amin? O ako lang nagbibigay ng meaning? Normal lang ba 'to?

"Pero seryoso go na kayo" pagtaboy sa amin ni kuya Kenneth.

"Sige po. See you po sa training and good luck po" nag bow ako sa kanial.

"Ano sabi ko?" nakataas yung kilay ni kuya Kenneth sa akin.

Spiked!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon