A month has passed since we won the bronze medal match that delighted the whole community especially the fans. Yung pagkapanalo namin ay somewhat binalik yung pangalan ng university sa mundo ng volleyball.
Woodpeckers clinch bronze medal in CVC
Isa lang yan sa mga balita na lumabas nang manalo kami. Sabi nga ni coach we should celebrate it but keep our feet on the ground dahil marami pa kami dapat matutunan tsaka wag daw kami mapressure.
"Have you seen the newspaper?" sabi sa akin ni kuya Ash habang nagkakape.
"Oo yung balita tungkol sa atin? Grabe kelan ba yung last na nabalita yung university natin sa mga ganon"
"Kaya nga buti nabanggit mo I'll make sure to get some copy para remembrance na rin" singit naman ni Yuki.
"First time ko makita sarili ko sa newspaper. Kala ko pa naman mababalita lang ako pag may krimen akong ginawa" biro ni kuya Justin.
Umiling-iling naman si kuya Ash. "Minsan ang tino mo talaga kausap. Pero gawin nating motivation 'to para makapasok sa line up next season ah. Dapat tayong apat andoon. Walang maiiwan sa atin."
Train lang kami nang train dahil malapit na i-announce yung final 12 na sasali sa UAC three months from now. Syempre based din performance namin sa training namin kung papasok ba kami bale yung CVC lang yung isa sa stepping stone. Napasok din kasi lahat ng nasa training pool namin kaya for sure nakita ng mga coaches yung performance namin.
"Nga pala eto pala yung raketa na hinihiram mo. Sino kalaro mo?" abot sa akin ni Yuki.
Kinuha ko sa kanya yung raketa. "Secret"
"Secret secret pa siya kala mo naman hindi namin alam"
"Andyan na ata yung sundo mo" malaman na sabi ni kuya Justin habang nakatanaw sa labas.
"Sige na bye na. Huwag niyo na ako hintayin baka kela mama muna ako magstay"
"Ingat!"
"Where are you?"
Tingnan mo ito kakapark lang sa harap namin kala mo sobrang tagal na naghihintay.
Napagpasyahan kasi namin na magbadminton na pinangako ko kay Diana kaya pinush na namin kasi aya nang aya si Diana sa akin. Since ayaw ko maging third wheel at maging awkward sa part ko ay nag-aya ako, sinabi ko naman sa dalawa bago ako mag-aya. Busy mga kasama ko rito sa dorm, tinanong ko rin si Pat di raw siya pwede, nawawalan na ako ng pag-asa eh buti nag-okay si Roy.
Lifesaver talaga si Roy dahil hindi ko alam gagawin pag yung dalawa lang kasama ko.
And it is refreshing na hindi bola ng volleyball ang i-rereceive ko so I guess hindi na rin masama na natuloy ang planong ito.
'Wait lang madaling-madali? Pababa na' chat ko kay Blake dahil susunduin niya ako dahil di ko alam saan kami.
Excited ata ako makita eh then I rolled my eyes sa naiisip ko. As if naman, gumising tayo sa realidad Hans. Binagalan ko rin lakad ko pababa baka kasi sabihin masyado akong extcited makita siya.
Then I saw them na nasa baba while yung bintana sa side ni Diana ay nakababa. She is smiling from ear to ear at si Blake naman ay bahagyang nakakunot ang noo na nakatingin sa sa akin.
"Hi Hans. Good morning to you." bati sa akin ni Diana na nasa passenger seat kaya duon ako dumiretso sa likod.
"Hi Diana and Blake. Good morning to you too" balik kong bati at nakita ko nakatingin sa salamin si Blake at nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya.